Linggo, Disyembre 11, 2022

December 11, 2022

PANALANGIN NG BAYAN
Ikatlong Linggo sa Panahon ng Pagdating ng Panginoon
Patnubay sa Misa

Habang nananalig tayong tutupad ang Panginoon sa Kanyang mga pangako, idulog natin sa Kanya ang mabibigat nating problema sa mga araw na ito. Nagtitiwala sa Kanyang pagmamahal, manalangin tayo:

Ama ng lahat ng kasiyahan, dinggin Mo kami!

Para sa lahat ng Katoliko sa buong mundo: Nawa ang Adbiyento ay maging bukal ng biyaya at pag-asa habang pinananabikan natin ang pagdiriwang ng Kaarawan ng Panginoon. Manalangin tayo!

Para sa Santo Papa at lahat ng iba pang pinunong espirituwal: Nawa mapukaw nila sa atin ang tiwala’t pananalig habang nagsisikap silang tumugon sa maraming hamon ng ating panahon. Manalangin tayo!

Para sa lahat ng nalilito’t di makakita ng kahulugan sa kanilang gawai’ t pagdurusa: Nawa ang tapat nating pagtulong ay magdulot ng kailangan nilang liwanag at pampasigla. Manalangin tayo!

Para sa mga sumusunod sa mga maling mesiyas ng pakinabang, kasikatan, kasiyahan, at kapangyarihan: Nawa maisip nilang si Hesus lamang ang ganap na makatutugon sa pinakahahangad nila. Manalangin tayo!

Para sa lahat ng biktima ng digmaan at ibang anyo ng karahasan sa Ukraine, Iraq, Palestina, Israel, Syria, at iba pang panig ng mundo: Nawa ang espiritu ng kapatirang dulot ni Hesukristo ay maging bukal ng kasiyahan at kaligtasan para sa kanila. Manalangin tayo!

Para sa ating lahat: Nawa ang kagalakan ng ating pananabik sa pagbabalik ng Panginoon ay magdulot ng tunay na pagba- bago sa ating buhay Kristiyano. Manalangin tayo!

Tahimik nating ipanalangin ang ating mga sariling kahilingan. (Tumigil sandali.) Manalangin tayo!

O Diyos Ama, kahabagan Mo ang maraming nagtitiis ngayon ng iba’t ibang anyo ng kahirapan. Ipadama Mo ang nakagiginhawang pamamalagi ng Iyong Anak na si Hesus, pagkat siya lamang ang aming pag-asa at kaligtasan, at nabubuhay at naghahari nang walang hanggan.

Amen!

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 5 comments… read them below or add one }

Reynald Perez December 8, 2019 at 12:52 am

Pagninilay: Tayo ngayon ay nakapasok sa kalagitnaan ng Panahon ng Adbiyento. At ito’y tinatawag bilang Linggo ng Gaudete. Ang “Gaudete” ay isang salitang Latin na nangangahulugang “magalak”. Sapagkat sa Pambungad na Antipona sa Misa, ang binibigkas na mga pahayag ay “Gaudete Israel” mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Filipos. Ang tanda ng Linggo nito ay ang kagalakan sapagkat malapit na ang kaligtasang makakamtan ng sangkatauhan. Para sa ating mga Katoliko’t Kristiyano, ang Linggo ng Gaudete ay palatandaan na malapit na ang Kapistahan ng ating kaligtasan sa darating na Kapaskuhan. Kaya sinisindi ngayon ang kulay rosas na kandila sa Korona ng Adbiyento, at ang mga Pari ay maaring sumuot ngayon ng mga rosas na kasulya/istola. Kaya ang mensahe ng mga Pagbasa ngayon ay magalak sa gitna ng mga kalungkutan sa buhay. Ang Unang Pagbasa ay isang magandang propesiya ni Isaias tungkol sa kagandahang-loob ng Mesiyas. Magkakaroon ng mabungang paglaki/paglago ng mga bulaklak at iba pang mga halaman. Mapupuno rin ang mga disyerto at kapatagan. At ang mga tao’y inaanyayahang maging matatag sa pagpapalakas ng kanilang mga kamay at tuhod. Ang pagdating ni Kristo ay tanda na ang mga bulag ay makikita, ang mga bingi ay makakarinig, ang mga pipi ay makakapagsalita, at ang mga pilay ay makakalakad. Kaya ito yung inihayag ni Hesus sa mga alagad ng kanyang pinsan na si San Juan Bautista. Noong si Juan Bautista ay nakabilanggo dahil sa paglalantad sa pakikiapid nina Haring Herodes at Reynang Herodias, ipinadala niya ang kanyang mga alagad upang tanungin si Hesus kung siya nga ang tinutukoy ng Tagapagpauna na “Mesiyas”. Matapos umalis ang mga alagad upang ipahayag ito kay Juan, tinipon ni Hesus ang mga tao at ipinaalala sa kanila ang naging mensahe ni San Juan Bautista noong ito’y nangangaral pa sa disyerto ng Ilog Jordan. At dito’y idineklara ni Hesus na higit sa mga taong ipinanganak ng mga babae, si San Juan Bautista ay tunay na dakila, ngunit mas dakila pa ang mga taong pinaghaharian ng Diyos. Makikita natin ang parehas na pahayag ni Juan na minsa’y sinabi niya na siya ay magiging huli, samantala si Kristo ay magiging una. Ito’y isang paanyaya ni Hesus na magalak sa Mabuting Balita na dala niya. At nangyari nga noong siya’y gumawa ng mga kababalaghan, at namangha ang mga tao at sabay-sabay na nagpupuri sa Panginoong Diyos. Kaya mahalaga itong pagsasaya sa gitna ng mga kalungkutan at problema sa buhay. Kahit ngayon ay nararanasan natin ang mga pighati at pagdurusa, sa huli ay makakamtan natin ang kagalakan at kaginhawaan. May mga taong nakaranas na ng mga matitinding suliranin sa buhay mula sa pagsisimula ng taon kahit hanggang ngayon. Subalit makikita natin na sinasabi pa rin nila na kahit gaano man kabigat ang kanilang mga problema, tuloy pa rin ang pamumuhay nila. At sa napakatanging okasyon nitong Disyembre, sa kabila ng ating mga naranasan nitong mga nakaraang araw at buwan, tuloy pa rin ang Pasko. Ngayong Adbiyento ay pinaghahandaan din natin ang muling pagpaparito ni Kristo. At ipinapaalala sa atin ni Apostol Santiago sa Ikalawang Pagbasa na maging matiyaga at mapagtiis at gawing matatag ang ating mga puso upang matuntunan tayong handa sa pagdating muli ni Hesus. Minsan iniisip ng tao na ang katapusan ng mundo ay nagdadala ng katakutan, kaya kailangan daw natin na magsisi upang hindi raw maparusahan tayo ng Panginoon. Subalit hindi kailanma’y dapat tayo naghahasik ng takot tungkol sa katapusan sapagkat ang pinakamahalagang gantimpala rito ay ang kaligayahan ng buhay na walang hanggan. Kaya nga kapag pinapag-usapan natin ang tungkol sa katapusan, huwag nating palakihin ang pagiging “bitter”, bagkus ay itrato ang ating buhay upang makagawa pa ng mga bagay na “better”. Ito yung dapat nating pansinin na ugali ng pagiging masaya kahit marami nang pagsubok ang dumating sa ating buhay. Mapagsalamat tayo sa Panginoon na kahit anupamang problemang mangyari, tayo ay patuloy pa rin na namumuhay sa daigdig na ito.

Reply

Loida Annie Bartolome December 9, 2022 at 5:53 am

salamat po aming Panginoon Jesus at binigyan mo kmi ng pag-asa

Reply

Ma. Luisa L. Belardo December 9, 2022 at 12:59 pm

Salamat po. Very useful po sa akin bilang Commissioned Reader at sa Bible service. Thank you so much.

Reply

Awit at Papuri Communications December 10, 2022 at 7:13 am

Maraming salamat po sa inyong suporta. God bless you!

Reply

ruel arcega December 10, 2022 at 8:16 am

Nasa ikatlong linggo ng Adbiyento, na ang tawag ay Gaudate sa latin na ibig pakalulugan ay magalak, Bakit balikan natin ang mga pagbasa lalo na sa ipinahayag ni Propeta Isaias, na magalak dahil muling babalik ang kasanahan, kaayusan, mga biyaya darating. subalit maging matiyaga na paalala sa sulat ni apostol Santiago nakatulad nang pahihintay ng mga magsasaka sa kanilang mga ani na darating . At ebanghelo pinadala at itinuro ni Juan Baustista sa kanyang mga alagad na pumunta kay Hesus at itanonng kung sila bay maghihitay pa o kayo na ba ang kaganapan ng pangako kanilang hinihintay at anu sagot ni Hesus, mula sa mga ginawa niya mga himala, nakakakita na ang mga bulag , nakakalakad na ang mga pilay, mga may sakit ay gumgaling itoyu pagpapahiwatig na narito na ang ating taga pagligtas. Kaya’t kagalakan ang hatid ng linggong ito. Sana tayo magtiwala at huwag mawalan ng pag-asa. Muli nais ni Juan na tumungo tayo kay Hesus at doon nating masusumbunga ang ating kagalakan.

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: