Miyerkules, Nobyembre 23, 2022

November 23, 2022

Miyerkules ng Ika-34 o Huling Linggo sa Karaniwang Panahon (II)
o kaya Paggunita kay San Clemente I, papa at martir
o kaya Paggunita kay San Columbano, abad

Pahayag 15, 1-4
Salmo 97, 1. 2-3ab. 7-8. 9

Poong Diyos na Dakila,
gawa mo’y kahanga-kahanga.

Lucas 21, 12-19


Subscribe to Awit at Papuri Communications YouTube Channel

Red Wednesday
Wednesday of the Thirty-fourth Week in Ordinary Time (Green)
or Optional Memorial of St. Clement I, Pope and Martyr (Red)
or Optional Memorial of St. Columban, Abbot (White)

UNANG PAGBASA
Pahayag 15, 1-4

Pagbasa mula sa aklat ng Pahayag

Akong si Juan ay nakakita ng isa pang kagila-gilalas na pangitain sa langit: pitong anghel na may dalang pitong salot. Ito ang panghuling mga salot sapagkat dito magwawakas ang poot ng Diyos.

May nakita akong animo’y dagat na kristal na nagliliyab. Nakita ko rin ang mga nagtagumpay laban sa halimaw at sa larawan nito, at sa nagtataglay ng pangalang katumbas ng isang bilang. Nakatayo sila sa dagat na animo’y kristal, hawak ang mga alpang ibinigay ng Diyos. Inaawit nila ang awit ni Moises na lingkod ng Diyos, at ang awit ng Kordero:

“Panginoong Diyos na Makapangyarihan sa lahat,
dakila at kahanga-hanga ang iyong mga gawa!
O Hari ng mga bansa,
matuwid at totoo ang iyong mga daan!
Sino ang hindi matatakot sa iyo, Panginoon?
Sino ang tatangging magpahayag ng iyong kadakilaan?
Ikaw lamang ang banal!
Lahat ng mga bansa ay lalapit
at sasamba sa iyo,
sapagkat nakita ng lahat ang matuwid mong mga gawa”

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 97, 1. 2-3ab. 7-8. 9

Poong Diyos na Dakila,
gawa mo’y kahanga-kahanga.

Umawit ng bagong awit at sa Poon ay ialay,
pagkat yaong ginawa n’ya ay kahanga-hanggang tunay!
Sa sariling lakas niya at taglay na kabanalan,
walang hirap na natamo yaong hangad na tagumpay.

Poong Diyos na Dakila,
gawa mo’y kahanga-kahanga.

Ang tagumpay niyang ito’y siya na rin ang naghayag,
sa harap ng mga bansa’y nahayag ang pagliligtas.
Ang pangako sa Israel lubos niyang tinutupad.

Poong Diyos na Dakila,
gawa mo’y kahanga-kahanga.

Umingay ka, karagatan, at lahat ng lumalangoy,
umawit ang daigdigan at lahat ng naroroon.
Umugong sa palakpakan pati yaong kalaliman;
umawit ding nagagalak ang lahat ng kabundukan.

Poong Diyos na Dakila,
gawa mo’y kahanga-kahanga.

Pagkat siya’y dumarating maghahari sa daigdig;
taglay niya’y katarungan at paghatol na matuwid.

Poong Diyos na Dakila,
gawa mo’y kahanga-kahanga.

ALELUYA
Pahayag 2, 10k

Aleluya! Aleluya!
Manatili kang matapat
hanggang iyong kamatayan,
pagkat buhay, aking bigay.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Lucas 21, 12-19

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad, “Darakpin kayo’t uusigin. Kayo’y dadalhin sa mga sinagoga upang litisin at ipabilanggo. At dahil sa akin ay ihaharap kayo sa mga hari at mga gobernador. Ito ang pagkakataon ninyo upang magpatotoo tungkol sa akin. Ipanatag ninyo ang inyong kalooban, huwag kayong mababalisa tungkol sa pagtatanggol sa inyong sarili; sapagkat bibigyan ko kayo ng katalinuhan at ng pananalitang hindi kayang tutulan o pabulaanan ng sinuman sa inyong mga kaaway. Ipagkakanulo kayo ng inyong mga magulang, mga kapatid, mga kamag-anak, at mga kaibigan. At ipapapatay ang ilan sa inyo. Kapopootan kayo ng lahat dahil sa akin, ngunit hindi mawawala ni isang hibla ng inyong buhok. Sa inyong pagtitiis ay tatamuhin ninyo ang buhay na walang hanggan.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 3 comments… read them below or add one }

Reynald Perez November 28, 2018 at 5:26 am

Reflection: As we approach the threshold of the Liturgical Year, we have been reminded by Christ in the Gospel Readings about the end times. We have heard yesterday regarding the prophecy about the destruction of the Temple in Jerusalem that took place in 70 A.D. and also the assurance of courage even as the signs of the times are occurring. Today, Jesus gives us another assurance of courage when we face persecutions. We are all called to partake in the mission of giving witness to Christ. Sometimes when we fulfill this mission, there are people who would refuse to accept our work; thus rejecting God’s message. However even as we face rejections, Jesus gives us the reason to hope and be persevering, for not a hair of our heads will be counted. Our life will not end easily because God is there to guide us in this mission while facing these problems. Even as we saw the example of Martyrs who shed their blood for the sake of the faith, there is also the contemporary figures of such who endure their sufferings and trials in life with fidelity and dependence on the Lord. And while we do this, let us not forget to become good and do some good deeds for the benefit of all, and not just for ourselves. St. John reminds us in the First Reading that the chastisement of God is not to be based on suffering only, but that there is something beautiful and glorious that we will behold, and that is the vision of eternal life. And we will sing the great and wonderful works of God as we pray not only to thank him, but also to let his will be done on earth as it is in heaven.

Reply

Melba G. De Asis November 29, 2018 at 5:11 am

Sa anumang oanganib maliit man o malaki ang Diyos ang ating tagapagligtas. Anumang pagsasakripisyo at trials sa ating buhay ito ay malalampasan natin basta humawak lang tayo at manalig sa kapangyarihan ng Diyos na sumasakop sa atin.

Panginoon, nawa’y bigyan mo ako palagi ng lakas para malampasan ko lahat ang pagsubok sa aking buhay. Alam Mo Panginoon ang mga idinaraing at hinihiling ng aking puso at isip, Saiyo ko po ipinagkakatiwala ang lahat sa aking buhay, ang lahat ng ito ay itinataas ko sa Pangalan ng Panginoong Hesus. Ako’y nagpapasalamat na sa kabila ng aking mga pagkukulang ay patuloy mo akong pinagkskalooban ng Iyong pagpapala. Salsmat Panginoon. Amen….

Reply

Reynald Perez November 25, 2020 at 1:35 am

PAGNINILAY: Tayo’y palapit sa pagtatapos ng Taong Panliturhiya ng Simbahan. At sa darating na Linggo, papasok tayo muli sa bagong taon sa Unang Linggo ng Adbiyento. Kaya ang mga Pagbasa ay nagpapaalala sa atin na maging handa at matatag sa oras na darating ang Panginoon upang tayo’y kanyang hatulan.

Ang Unang Pagbasa ay isang pangitain ni San Juan tungkol sa pagkastigo ng Diyos sa mundo sa pamamagitan ng pitong salot, na kung saan ang mga ito’y magwawakas sa poot niya. At nakita rin ni San Juan ang pangitain ng anino’y dagat na kristal na nagliliyab. At nakita niya ang mga taong napagtagumpayan laban sa pangit na larawan ng pitong salot. At umaawit sila ukol sa tagumpay ng Panginoong Diyos sa pamamagitan ni Kristo, ang maluwalhating Kordero. Makikita natin na ang bawat dinadas ng tao na pagsubok o paghihirap, ito’y malalampasan niya sa pamamagitan ng kanyang katatagan sa pananampalataya sa Panginoon.

Ang Ebanghelyo ay patuloy na pagpapahayg ni Kristo tungkol sa darating na katapusan ng mundo. Matapos ikuwento ang pagbagsak ng Templo [na nangyari noong Taong 70 A.D.] at ang babala na huwag magpalinlang sa mga hangal na paasa, ngayon naman ay nagbibigay ng ginhawa ang ating Panginoong Hesukristo tungkol sa ating misyon at buhay bilang mga Kristiyanong inatasan na ipalaganap at maging saksi ng Mabuting Balita. Noon pa sinabi Hesus ang mga banta laban sa kanyang mga alagad, nang isugo niya sila sa bawat nayon at bayan ng Israel. Ngayon ay parang inulit niya ang kanyang mensahe na maging matatag kapag dumating ang mga oras ng kagipitan at pang-uusig. Sinabi ni Hesus na tayo ay maliligtas kung tayo ay magtitiis at magtiyatiyaga nang buong pananampalataya sa Diyos at katapatan sa kanyang dakilang kalooban. Alam natin na mahirap maging saksi ni Kristo sa mundong puno ng oposisyon laban sa mga itinuturo ng Diyos Ama sa pamamagitan ng ating Simbahan. Ngunit tandaan natin na si Kristo ay kapiling natin hanggang sa wakas ng mundo.

Mga kapatid, ang mga Pagbasa ay nagtuturo sa atin kung paano natin dapat yakapin ang bawat pagsubok na ating dinadatnan. Mahirap talaga kung tao ay nagdurusa, ngunit alalahanin natin na ginawa na iyan mismo ng ating Panginoong Hesukristo, nang siya’y ipinako sa Krus. Inako niya ang ating mga kasalanan, bagamat wala siyang kasalanan, sa pamamagitan ng kanyang Pagpapasakit, upang maintindihan natin ang kahalagahan ng kaligtasang kaloob ng Ama sa pamamagitan ng kanyang Anak. Nawa’y huwag tayong maghina ng loob at pananalig na makakayanan nating daanin at umahon mula sa bawat pagsubok at pagdurusa na dumadating sa ating buhay.

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: