Podcast: Download (Duration: 3:49 — 2.3MB)
PANALANGIN NG BAYAN
Ika-33 Linggo sa Karaniwang Panahon
Biyernes
Sapat ang utos ng Panginoon, subalit nag-uumapaw ang kanyang awa. Manalanagin tayo sa Ama nang buong pananalig sa kanyang karunungan.
Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Ama, panatilihin mo kami sa iyong pamamaraan.
Ang Simbahang Katolika nawa’y akayin ang kanyang mga miyembro sa daan ng katwiran at higit silang ilapit sa pag-ibig ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.
Tayo nawa’y matutong tumalikod sa kasalanan nang buong puso, habang nananatiling masunurin sa batas ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga hindi pa sumasampalataya nawa’y makinig sa Salita ng Diyos at maakay sila sa kaligtasang walang hanggan, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga maysakit, matatanda, nalulumbay at lahat ng nagdurusa nawa’y huwag nating kaligtaang lingapin, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga tapat na yumao nawa’y lumigaya sa buhay na walang hanggan, manalangin tayo sa Panginoon.
Ama naming nasa Langit, sinusuri mo ang puso ng bawat isa at alam mo ang mga nilalaman nito. Palakasin mo ang aming puso upang sumamba kami nang tunay at buong pusong makapaglingkod sa kapwa ang aming mga kamay sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.
Pages: 1 2
« Huwebes, Nobyembre 17, 2022
Sabado, Nobyembre 19, 2022 »
{ 3 comments… read them below or add one }
Reflection: In the First Reading (Revelation 10:8-11), Saint John the Apostle sees a vision of an angel telling him to swallow the scroll. So he obeys the command by taking the scroll from the angel’s hand and swallows it. Then he is given the instruction to prophesy about many peoples, nations, tongues, and kings. This would strengthen him to continue testifying about his apocalyptic visions written in this last book of the Bible. The Book of Revelation would narrate those visions seen by Saint John, and they show us signs how we should make our present life meaningful in accordance to the divine will. In the Gospel (Luke 19:45-48), we see Jesus as an angry figure, cleansing the Temple for it was turned into a marketplace and a den of thieves. He quotes a passage from the Prophet Isaiah: “For my house shall be called a house of prayer for all peoples” (Cf. Isaiah 56:7c). Everyday he taught people in the temple area, at which they were amazed with him. Meanwhile, the chief priests did not like what he did because they think he has caused chaos. So they continued to plot against him, seeking also the proper time to carry it out. Bible scholars would comment this certain pericope as justified anger. It is right for Jesus to get angry and cleanse the Temple because it is a place of worship and a house of God. King Solomon built the first Temple, which contained the Ark of the Covenant. But during the Babylonian Captivity, at the time of King Zedekiah, it was destroyed by the Chaldeans, and the Ark was no where to be found. But after the exile, when the Persians allowed the Jews to go back to Jerusalem, Zerubbabel sought a way on how to rebuild the Temple, so he started the project. Finally, the Second Temple was magnified by King Herod the Great during the time of the Roman occupation. It took many men to build the Temple, but it stilled remained that God owns the Temple. That is the same with the Church. We have to respect and take care of it. What does this mean? First, the Church is the physical structure, which refers to the basilicas, cathedrals, shrines, parishes, and chapels. They are houses of prayer and places of worship. So we must respect and give due reverence to God. We should not make any unnecessary actions when we go to these places, especially during the Celebration of the Most Holy Eucharist. Second, the Church is also the People of God, which refers to every human person. We must respect our own life and the lives of other people. God owns our bodies, and our responsibility is to take care of them. As Saint Paul says: “If anyone destroys God’s temple, God will destroy that person; for the temple of God, which you are, is holy” (Cf. 1 Corinthians 3:17). As we journey down this road, let us show our love for the Church by respecting her, listening to her teachings, partake in the Evangelization of Gospel by proclamation and giving witness, and rendering worship to our Lord.
Aking pinanabikan ang makabasa ng mga salita a0t utos mula sa Panginoon. Ito ang aking gabay sa pakikibaka ko sa araw araw na dumadaan at darating sa aking buhay. May pagkakataon na sa oras ng namamayani ang takot at kahinaan ko, ang salita ng Diyos ang nakapagpapagaan ng aking dalahin sa buhay. Salamat Panginoon sa araw araw na magandang balita na aking pinagninilayan. Saiyo ko po ipinauubaya ang aking kapalaran at Saiyo ako umaasa sa lahat ng aming pangangailangan sa buhay ng aking buong pamilya. Amen.
Pagninilay: Ang Unang Pagbasa ay isa sa mga pangitain ni San Juan. Ang konteksto rito ay ang pagdanas ng mga Kristiyano sa Gresya ng pang-uusig. Ang Aklat ng Pahayag ay nagdadala ng kaginhawaan sa gitna ng mga pagsubok, na lahat ng hirap na dinadanas ng tao ay lilipas din. Sa pangitaing ito ni San Juan, nakita niya ang isang anghel na parang sinasabi sa kanya na lumapit sa dagat, at kunin ang kasulatang nakabukas. At ipinautos ni Juan na ibigay sa kanya ang kasulatang iyon. Pagkatapos, sinabi ng tinig sa kanya na lunukin niya ito. Ang kasulatang ito ay magpapait sa tiyan, subalit magpapatamis sa dila. Kaya nang lunukin niya ito, may nagsabi sa kanya na magpahayag sa mga tao ang tungkol sa mga tao, bansa, wika, at hari. Makikita natin sa pagbasang ito ay ang pagpapahalaga ni San Juan sa mga utos at salita ng Panginoon. Ang mensahe ng Diyos ay matamis na nagbibigay-lasa sa buhay nating mananapalataya. Ito ay nagbibigay pag-asa sa atin sa kabila ng ating mga pinagdaraanang pagsubok. Kaya pagkatapos nating pagdaanan nang may pananampalataya, pag-asa, at pag-ibig, makakamit natin ang kaligayahan ng buhay na walang hanggan sa kalangitan.
Ang Ebanghelyo natin ay tungkol sa Pagpapalinis ng Panginoong Hesukristo sa Templo ng Jerusalem. Matatandaan natin ito ang templong itinayo ni Haring Solomon para manahan ang Kaban ng Tipan. Subalit dahil sa pagkakasala ng mga taga-Juda, ang lungsod ng Jerusalem ay sinalakay, pati ang templo ay nawasak, at ang kaban ay kinuha. Ngunit ang mga Hudyo ay bumalik upang ipagkaisa ang nakahating kaharian ng Israel at Juda. At dito hinangad ni Zerubabel na itayo ang ikalawang templo. Kaya pinaganda ni Haring Herodes Magno ang templong ito. Ngunit makikita natin sa Ebanghelyo ngayon kung paano naging palengke ang templo. Kaya nang magalit si Hesus at biglang ipinagtabuyan ang mga bentahan, sinabi niya na ang templo ay ang bahay ng Diyos Ama, subalit ito ay ginawang pugad ng mga magnanakaw. Makikita natin ang pagpapahalaga sa kasagraduhan ni Hesus sa templo bilang tahanan ng Ama. Sa Ebanghelyo ni San Juan, ipinautos niya sa mga pinuno ng mga Hudyo na iwasak nila ang templo, at itatayo niya ito sa loob ng tatlong araw. At itinukoy rito ng Panginoon ay ang kanyang Katawan, na dadanas ng hirap at pagpapatay sa Krus, subalit mabubuhay na muli sa ikatlong araw. At nang maalala nito ng mga alagad, sila ay sumampalataya sa kanya at sa mga salita na kanyang ipinahayag.
Mga kapatid, malapit na tayong magtapos sa ating Taong Panliturhiya. Ngayong Linggo ay ang Dakilang Kapistahan ng Kristong Hari. At sa susunod na Linggo ay papasok na tayo sa bagong taon sa Panahon ng Pagdating (Adbiyento). Inaanyayahan tayo na maghanda para sa Panginoon. Mayroon ding ikatlong tema ang Adbiyento, na ang tumutukoy rito ay ang pagdating ni Kristo sa ating pang-araw-araw na pamumuhay. At isa rin sa pagkilala sa kanyang presensiya ay ang Sakramento ng Eukaristiya. Sa templo ng Diyos, ang Simbahan, ipinagdiwang natin ang Misteryo ng Pagpapakasakit at Muling Pagkabuhay ng ating Panginoong Hesukristo. At ang bawat Misa ay may hamon na tayo bilang Sambayanan ng Diyos ay ipadama ang kanyang kabanalan sa bawat tao, sa ating paggawa ng kabutihan at paglilingkod sa kanya.