Huwebes, Nobyembre 17, 2022

November 17, 2022

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-33 Linggo sa Karaniwang Panahon
Huwebes

Ipanalangin natin ang ating mga pangangailangan bilang bahagi ng ating paglalakbay ng pananampalataya, bilang pagsunod kay Kristo patungo sa walang hanggang Jerusalem, ang ipinangakong mamanahin natin.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Panginoon, madama nawa namin ang iyong presensya.

Ang Simbahan nawa’y maging buhay na sagisag at instrumento ng pagkakaisa at kapayapaan, manalangin tayo sa Panginoon.

Bilang komunidad ng mga sumasampalataya, nawa’y hindi tayo magkahati-hati dahil lamang sa mga walang kwentang galit at hindi pinag-isipang paghusga, manalangin tayo sa Panginoon.

Atin nawang maiwasan ang gumawa ng mga dahilang umiwas sa ating pagtugon sa mga hamon ng pananampalataya, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga kasawian sa buhay o pagkakasakit nawa’y hindi makasagabal sa ating pagnanais na sundan si Kristo maging sa pagpapakasakit, manalangin tayo sa Panginoon.

Sa mga tapat na yumao sana’y maibigay ang walang hanggang kaligtasan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming Diyos, huwag nawa kaming umatras o mag-atubiling lumakad nang pasulong sa paglalakbay tungo sa iyong Kaharian. Palakasin nawa ng mga panalanging ito ang aming pananampalataya. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 6 comments… read them below or add one }

Reynald David Perez November 20, 2018 at 12:10 am

Pagninilay: Inilalahad ni San Lucas sa kanyang panunulat ng Mabuting Balita na ang planong pangkaligtasan ay inilaan ng Panginoong Diyos para sa lahat, maski Hudyo man o Hentil. Subalit sa pagkakataong ito ng Ebanghelyo ngayon (Lucas 19:41-44), dito sinasabing tumangis si Hesus habang nakatanaw siya sa lungsod ng Jerusalem. Ito ay isang natatanging lugar sa Banal na Lupain na ang tawag ay “Dominus Flevit,” na nangangahulugang “Tumangis ang Panginoon”. Bagamat ang mga Hudyo sa kapanahunan niya ay naniniwala sa kanilang lahi lamang mangyayari ang kaligtasan, hindi nila ito natuntunan sa pagdating ni Hesus. Kaya nasabi niya ang isang nakakalungkot na pangyayari tungkol sa pagwawasak ng Jerusalem. At sa kasasayan nga ay naganap ito noong taong 70 A.D. nang lusubin ng mga Romano ang Jerusalem at winasak ang lahat ng mga bahay, pati na rin ang Templo. Bago pa man mangyari ito, makikita natin sa pagkilos ng mga pinuno ng Judaismo kung paano hindi nila tinanggap si Hesus bilang Mesiyas, kaya’t pinausig nila ang mga Apostol at iba pang mga tagasunod ni Kristo, pinadakip, pinakulong, at pinahampas ng latigo upang manahimik. Kaya hanggang ngayon naghahanap pa rin ng mga Hudyo ng sinasabi nilang “totoong Mesiyas”, na hindi nilang namalaya’y dumating na ang ipinangakong kaligtasan sa pamamagitan ng ating Panginoong Hesukristo. Kaya ang hamon sa atin ay partikular ang Diyos sa mga taong tumatanggap sa kanya nang may buong pananampalataya at sumusunod sa kanyang dakilang kalooban. Kung tayo’y patuloy na sumasampalataya sa kanya, nawa’y tanggapin natin palagi siya sa ating buhay. Kaya sa Unang Pagbasa (Pahayag 5:1-10), tayo ay makikisigurado na matapos ang lahat ng ating mga pinagdaanan dito sa daigdig ay makakamtan natin ang kaluwalhatian ng langit kasama ang Diyos Ama at ang kanyang Anak na Kordero ng Diyos. At ito dapat ating patutunguhin balang araw upang makamtan natin ang kaloob na buhay na walang hanggan. Kaya huwag po nating ihadlang ang pakikinig sa tinig ng Diyos at pagsusunod sa kanyang mga utos.

Reply

Melba G. De Asis November 22, 2018 at 5:43 am

Panginoon nawa’y palagi mo kaming ipagsanggalang sa mga hahadlang para sirain ang aming pananampalataya Saiyo. Makapaglaan nawa kami palagi ng oras para makapagpuri at magpasalamat sa lahat ng biyayang ipinagkakaloob mo sa amin.. Iligtas Mo po kami Panginoon sa lahat ng masasama at nawa’y palagi naming hangarin ang gumawa ng mabuti sa aming kapwa na ikalulugod mo. Amen.

Reply

John Generoso November 17, 2022 at 4:49 pm

Amen

Reply

Cristy Guarin November 22, 2018 at 6:10 am

Panginoon salamat sa pagliligtas mo sa akin. Sa pagaalay mo ng iyong buhay bagamat hindi ako kapatdapat. Patawad sa mga panahon na hindi kita pinapansin at nakakalimutang ikaw ang Diyos na siyang nagligtas sa akin. Patawad sa mga panahong natatabunan ng kaabalahan ang sandaling dapat kong iukol para sa oyo at pasalamatan ka sa mga biyayang aking natamo. Dalangin ko na gabayan ako ng Banal na Ispiritu gayon din ang mga taong nakakasalamuha ko upangg ang aking gawain ay ayon sa nais mo.

Reply

Ben J. Balugo Jr. November 22, 2018 at 10:03 am

Napakapalad ang mga taong tumanggap kay Kristo Hesus bilang Diyos, Panginoon at ang tanging Tagapagligtas.Sa ngalan ng Ama, ng Anak at ng Diyos Espirito Santo. Amen. Amen. Amen.

Reply

Rosalinda m jubilado November 17, 2022 at 12:07 pm

Salamat sa Banal na Katawan at Banal na Dugo ng ating Panginoong Hesukristo natatanggap natin sa Kanyang Banal na Eukaristiya na Siya rin ang nagtatag upang patuloy na ipurify ang ating puso kaluluwa at espiritu. To God be all the Glory. Amen.

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: