Miyerkules, Nobyembre 16, 2022

November 16, 2022

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-33 Linggo sa Karaniwang Panahon
Miyerkules

Natitipon bilang mga anak ng Diyos Ama na tagapagbigay ng lahat ng kabutihan, may pagpipitaan tayong manalangin sa kanya.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Ama ng kabutihan, basbasan mo kami.

Ang Simbahan nawa’y hindi matakot sa mga pagsubok kaugnay ng mga pagbabago at magamit niya sa matuwid na pamamaraan ang mga biyayaang ipinagkaloob sa kanya, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang lahat ng tao nawa’y makibahagi sa kayamanan ng lupa nang may katarungan, pagkakaisa, at kapayapaan, manalangin tayo sa Panginoon.

Tayo nawa’y magkaroon ng malalim na pagpapahalaga sa simpleng buhay upang lubos nating madama ang patuloy na pagdaloy ng pag-ibig ng Diyos sa ating mga maliliit na gawang kabutihan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga doktor, mga nars, at yaong mga nasa propesyon ng pag-aalaga nawa’y gamitin ang kanilang mga biyaya sa paghahatid ng pag-ibig at habag ni Kristo sa mga dukha, nalulumbay, maysakit, at ma nasa bilangguan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga pinagpalang yumao nawa’y makasama sa walang hanggang kaligayahan ng Panginoon, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming nasa Langit, tulungan mo kaming manatiling tapat sa maliliit na bagay ng buhay upang mapagkatiwalaan mo kami sa mga higit na dakilang bagay kapag pumasok kami sa iyong Kaharian. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 7 comments… read them below or add one }

Reynald Perez November 20, 2018 at 5:02 pm

Pagninilay: Ang Parabula ng Sampung pilak dito sa Ebanghelyo ni San Lucas ay kaparehas ng Parabula ng mga Talento sa Ebanghelyo ni San Mateo. Ibinahagi ni Hesus itong parabula na ito upang ipahiwatig sa atin na ang buhay ay may hangganan. Hangga’t tayo’y namumuhay, tayo ay may tungkuling pahalagahan ang bawat buhay na ibinigay ng Panginoon. Kaya hindi tayo ay pwedeng mag-angkin na may-ari ng buhay dahil alam po natin na ito’y nagmula sa Diyos. Kaya po tayo’y namumuhay sa daigdig na ito sapagkat mayroong dahilan na ibinigay ang Panginoon upang gawin ang nakasaad sa kanyang dakilang kalooban. Kaya ang ating pamumuhay ay katulad ng talinghaga na ang hari ng bayan ay inatasan ang kanyang 3 lingkod na gagamitan ang mga pilak na ibinigay para mas lumago pa ito. Ang isang lingkod na inatasan ng 5 pilak ay mas dumami sa 10, at ang isa namang lingkod na inatasan ng 2 pilak ay mas dumami sa 4. Subalit ang lingkod namang ito na inatasan ng 1 pilak ay nagdesisyon na ibalot sa kanyang panyo. At sa pagbalik ng hari, may gantimpala ang 2 lingkod, samantala ang 1 naman ay parusa. Kaya ipinakuha ang 1 salapi upang ibigay sa may 10, at dito’y sinasabi ng talinhaga na ang mga may maraming ambag ay may maraming pagpapalang naghihintay, ngunit ang mga walang ambag kahit katiting lang ay mababawian ng pagpapala. Kaya makikita natin sa Unang Pagbasa kung paano ang mga banal ng Panginoon ay nagkaroon ng maraming pinagdaanan habang sila’y namumuhay sa daigdig. At nakita ni San Juan na sila’y naging matagumpay sa pagkakamit ng buhay na walang hanggan sa kalangitan. Kahit na sila’y nasa langit na, patuloy silang sumasamba sa Panginoong Diyos ay kay Kristo Hesus, na Kordero ng Diyos. Kaya nawa’y gawing nating makabuluhan ang buhay na ibinigay sa ating ng Panginoon sa pagbabahagi ng mga biyaya at paggawa ng kabutihan sa isa’t isa. Nawa’y isaisip natin ang pagiging masunurin sa dakilang kalooban ng Panginoon.

Reply

Cristy Guarin November 21, 2018 at 6:54 pm

Panginoon salamat sa talentong ipinagkaloob mo sa akin. Magamit ko nawa ito sa pagpapalago ko at maibahagi sa iba ang bunga nito. Patawad sa mga pagkakataon na ako’y talunin ng takot at mas pinipili ang manahimik sa halip na magtiwala na kaagapay ng talentong nasa akin ang iyong pag-gabay. Ipaalala mo sa akin na magsusulit ako kung ano ang ginawa ko sa talentong binigay mo sa akin pagdating ng panahon

Reply

Melba G. De Asis November 22, 2018 at 6:12 am

Panginoon ako’y nalulungkot sa nangyari sa akin dahil ang ipinagkaloob mong talento ay hindi ko nagamit ng naaayon sa Iyong utos, na nagamit ko ito para lang sa ikatutuwa ng mga mapag-imbot sa kayamanan. Nawa’y magamit ko muli sa mabuti ang talentong ipinagkaloob mo sa akin at mas magawa ko ang mga bagay na ikalulugod Mo. Amen

Reply

Raul November 15, 2022 at 10:53 am

Patawad at salamat.Diyos ko!

Reply

VICTORIO A. CATAYLO November 16, 2022 at 4:42 am

Papuri at parangal sa iyo Dakilang Ama. Maraming salamat sa buhay na ipinagkaloob mo sa akin. Magampanan ko nawa ang lahat kung dapat gagawin na naayon sa Iyong Kalooban. Patawarin ako sa mga panahon na ako ay hindi nakagawa ng mga bagay na ayon sa Iyong Kalooban.
Amen.

Reply

Alfred Sugayan November 16, 2022 at 5:21 am

Salamat po Panginoon at Diyos Hesus, sa mga pagpapala at pag-iingat po ninyo sa amin. Nawa’y patuloy na mangyari ang iyong mga kalooban para sa aming ikabubuti, ikakapanuto at ika-gagaling, amen. ??

Reply

Guendolyn Chiong November 16, 2022 at 10:50 pm

Salamat sa Diyos!

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: