Lunes, Oktubre 31, 2022

October 31, 2022

Lunes ng Ika-31 Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

Filipos 2, 1-4
Salmo 130, 1. 2. 3

Sa iyong kapayapaan,
D’yos ko, ako’y alagaan.

Lucas 14, 12-14


Subscribe to Awit at Papuri Communications YouTube Channel

Monday of the Thirty-first Week in Ordinary Time (Green)

UNANG PAGBASA
Filipos 2, 1-4

Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Filipos

Mga kapatid, nagbibigay ba sa inyo ng kasiglahan ang buhay na nakaugnay kay Kristo? Naaaliw ba kayo ng kanyang pag-ibig? May pagkakaisa ba kayo sa Espiritu Santo? Kayo ba’y may nadaramang hangarin na tumulong sa iba? Kung gayun, lubusin ninyo ang aking kagalakan — maghari sa inyo ang pagkakasundo, mabuklod kayo ng iisang pag-ibig at maging isa kayo sa puso’t diwa. Huwag kayong gagawa ng anumang bagay dahil lamang sa hangad ninyong matanyag, bagkus magpakababa kayo at huwag ipalagay na kayo’y mabuti kaysa iba. Ipagmalasakit ninyo ang kapakanan ng iba, hindi lamang ang sa inyong sarili.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 130, 1. 2. 3

Sa iyong kapayapaan,
D’yos ko, ako’y alagaan.

O Panginoon ko, ang pagmamataas,
Tinalikdan ko na at iniwang ganap;
Ang mga gawain na magpapatanyag
Iniwan ko na rin, di ko na hinangad.

Sa iyong kapayapaan,
D’yos ko, ako’y alagaan.

Mapayapa ako at nasisiyahan,
tulad niyong sanggol sa bisig ni Inay.

Sa iyong kapayapaan,
D’yos ko, ako’y alagaan.

Kaya mula ngayon, ikaw, O Israel,
sa ’yong Panginoon, magtiwalang tambing!

Sa iyong kapayapaan,
D’yos ko, ako’y alagaan.

ALELUYA
Juan 8, 31b-32

Aleluya! Aleluya!
Kapag ang aking salita
sa inyo’y naidambana,
taglay n’yo and aking diwa.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Lucas 14, 12-14

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa pinuno ng mga Pariseo na nag-anyaya sa kanya: “Kapag naghahanda ka, huwag ang mga kaibigan mo, mga kapatid, mga kamag-anak o mayayamang kapitbahay ang aanyayahan mo, sapagkat aanyayahan ka rin nila, at sa gayo’y nagantihan ka na. Kaya kung ikaw ay maghahanda ng isang malaking salu-salo, ang mga pulubi, mga pingkaw, mga pilay, at mga bulag ang anyayahan mo. Hindi sila makagaganti sa iyo at sa gayo’y magiging mapalad ka. Gagantihin ka ng Diyos na muling pagkabuhay ng mga banal.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 4 comments… read them below or add one }

Melba G. De Asis November 4, 2018 at 11:15 pm

Ikinalulugod ng Diyos na ating mas bigyan ng pansin ang mga mahihirap dahil sila ang mas nangangailangan, wala man silang kakayahang magbayad ay Diyos naman ang kikilos para ibalik ang mas higit na biyaya sa taong tumutulong. Madalas ang tao ay tumutulong sa iba pag alam niyang may makukuha siyang kapalit o kabayaran sa anumang naitulong, ngunit hindi ganito ang gusto ng Diyos. God bless us all.

Reply

Reynald Perez November 5, 2018 at 12:52 am

Pagninilay: Ipinapaalala ni Hesus sa atin ang tamang disposyon ng ating buhay bilang mga anak ng Diyos Ama. Sabi nga ni Hesus sa parabula na kapag tayo’y magkakaroon ng handaan, ating anyayahin hindi ang mga kaibigan, katropa, kabarkada, kundi ang mga mahihirap at nangangailangan lalung-lalo ang mga nasa laylayan ng ating lipunan. At sabi sa huling linya ng Ebanghelyo na mayroon tayong gantimpalang matatanggap sa langit dahil sa ating katapatan. Siguro mahirap itong gawin sapagkat bihira lang makita ang mga taong nag-iimbita ng mga ordinaryong tao sa kanilang handaan. Noong bumisita si Papa Francisco sa Pilipinas, nakikain siya sa mga nakaligtas sa pananalasa ng Super Bagyo na si Yolanda at ang lindol sa Bohol. Kahit kaunti ang kanyang oras doon dahil sa badya ng panahon, siya’y taos-pusong nakikinig sa mga mensahe ng mga taong nagkukwento sa kanya. Ang pinakapunto lamang ni Hesus ay ang ating kababang-loob at buong pagtanggap sa ibang tao sa bawat aspeto ng ating buhay. Ang kaligtasan ng Diyos ay inilaan para sa lahat upang sila’y patuloy na lumakad sa daan ng kabutihan. Kaya ito yung galak na nasa puso ni San Pablo sa Unang Pagbasa na ating ibahagi ang kagalakang iyon sa ibang tao sa paggawa ng tama at mabuti lalung-lalo sa ating kapwa. At tuwing dumadalo tayo sa Banal na Eukaristiya tayo ay pinapabusog ng Salita ng Diyos at ng Katawan ni Kristo upang pagkatapos ng bawat Misa ay tayo ay maghahayo upang mahalin at paglingkuran ang Diyos at ang ating kapwa. Nawa isapuso natin ang pagkakaroon ng kababang-loob na palaging bukas sa pagtanggap sa ibang taong ninanais na maranas ang pagmamahal ng Panginoon sa bawat isa.

Reply

Cristy Guarin November 5, 2018 at 6:36 am

Panginoon, nawa’y maisapuso ko ang pagkakaroon ng kababang-loob na palaging bukas sa pagtanggap sa ibang taong ninanais na maranas ang iyong pagmamahal sa bawat isa. Maibahagi ko ang kagalakang sa ibang tao sa paggawa ng tama at mabuti, maging intrumento ako ng pag-kakaisa at pagmamahalan ng awat tao upang samasama kaming tumahak sa daan ng kabutihan.

Reply

Edwin October 30, 2022 at 8:30 pm

Amen.

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: