Miyerkules, Setyembre 21, 2022

September 21, 2022

PANALANGIN NG BAYAN
San Mateo

Ang buhay ni San Mateo ay binago ng pagtawag at hamon ng Guro. Nawa ang aming mga panalangin ay magpahayag ng pagbabago ng buhay at maging sensitibo kami sa mga pangangailangan ng iba.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Diyos ng pagpapatawad, maging mapagpala ka sa amin.

Ang mga programa para sa pagpapanibago nawa’y maging tanda ng ating buhay-Kristiyano, manalangin tayo sa Panginoon.

Atin nawang tanggapin ang hamon at tawag sa pagbabalik-loob sa halip na mahikayat sa pang-aakit ng mundo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga may kinalaman sa mga bagay tungkol sa pananalapi nawa’y hindi matuksong ipagpalit ang kanilang kaluluwa para sa kayamanan at kapangyarihan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga may kahinaan sa kanilang espiritwal na buhay nawa’y humanap ng tulong sa Sakramento ng Pakikipagkasundo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumao nawa’y mapatawad sa kanilang mga kasalanan, manalangin tayo sa Panginoon.

Makapangyarihang Diyos, sa pamamagitan ng mga panalangin ni San Mateo, tanggapin mo ang mga kahilingan ng iyong bayan, ang bagong Israel na tinipon ng biyaya ng iyong Muling Nabuhay na Anak, na nabubuhay at naghahari magpasawalang hanggan. Amen.

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 2 comments… read them below or add one }

Jinnel morada September 21, 2019 at 1:24 pm

Purihin ka oh Diyos, ganun na lamang ang pagmamahal mo sa Sangkatauhan ibinigay mo Iyong Bugtong na Anak na si Hesus upang bigyan ng pagkakataong magsisi ang mga makasalanan. Naway kahabagin mo kami aming Panginoong Hesus, purihin ka at sambahin. Amen!

Reply

Jerome Edson C. Cunanan September 21, 2022 at 6:33 pm

Si San Mateo ay isang santo ng Romano Katoliko na naging kabilang sa unang labindalawang alagad ni Hesus. Dati siyang maniningil ng buwis sa ngalan ng Imperyong Romano. Bilang apostol, pagkaraan ng pamumuhay ni Hesukristo sa mundo, nangaral siya sa Hudea. Siya ang nakaugaliang tinuturing na may-akda ng Ebanghelyo ni Mateo, ang unang ebanghelyong matatagpuan sa Bagong Tipan ng Bibliya. Ayon rin sa kinaugalian, siya ang nagdala ng Kristiyanismo sa Silangan. Kilala rin siya bilang ang dating si Levi, anak ni Alfeo.

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: