Sabado, Setyembre 17, 2022

September 17, 2022

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-24 na Linggo sa Karaniwang Panahon
Sabado

Tinuturuan tayo ni Kristo sa pamamagitan ng mga talinhaga. Si Kristo ang naghahasik ng mga butil ng Salita ng Diyos. Tumugon tayo sa kanyang gawain sa pamamagitan ng ating pananalangin sa Ama.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Panginoon ng ani, maging butihin kayo sa amin.

Ang Simbahan sa daigdig nawa’y maging katulad ng mayamang lupa na nagbubunga ng tig-iisandaang ani, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga pinuno ng ating bansa nawa’y maglingkod sa pamamaraang kalugud-lugod sa Diyos at sa sambayanan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang Salita ng Diyos sa ating buhay nawa’y huwag sakalin ng mga hindi naitatamang mga ambisyon at pagkamakasarili, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit nawa’y madama nila ang mapagpagaling na kapangyarihan ni Kristo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumao nawa’y masiyahan sa liwanag, kaligayahan, at kapayapaan sa kalangitan at yaong mga nabibigatan sa pagdadalamhati nawa’y mapatatag ng Salita ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming nasa Langit, tulungan mo kaming makilala ang butil ng iyong Salita at gawa sa aming buhay. Huwag nawa kaming magumon sa mga alalahanin ng mundong ito, bagkus, maging aktibo kami sa paglilingkod, at tuluyan nang magbunga ito ng masaganang ani. Hinihiling namin ito sa ngalan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 4 comments… read them below or add one }

Reynald Perez September 22, 2018 at 1:17 pm

Pagninilay: Ikinukwento sa atin ni Hesus sa Ebanghelyo ngayon ang Parabula ng Manghahasik. Ito ay isang realidad tungkol sa reaksyon ng bawat indibiduwal kung paano siya tutugon sa salita ng Diyos, sumisimbolo sa mga binhing itinanim ng Manghahasik na si Kristo. Tayo’y itinanim sa iba’t ibang taniman upang may magbunga mula sa ating mga puso. Ngunit habang pinapakinggan natin ang bawat mensahe ng Diyos, iba’t iba ang nagiging reaksyon natin kung paano natin hinarahap ang mga kasalukuyang sitwasyon. Ang mga binhing itinanim sa tabi ng daan ay sumasagisag sa mga taong nakikinig sa salita ng Panginoon, ngunit wala talagang balak makinig dahil hindi masyadong nauunawaan ito. Mayroong realidad na may mga taong ayaw paniwalaan na may Diyos na maawaain at mahabagin, Ang mga binhing itinanim naman sa bato ay sumasagisag sa mga taong nakikinig sa salita at masayang tinatanggap ito, ngunit kapag dumating ang mga kapighatian at pagsubok, biglang liliit ang pananampalataya. Minsan sa buhay natin ay marami tayong mga problemang nais nating masolusyonan, pero minsan inaakala nating hindi natin kailangan ng Diyos upang tulungan at gabayan tayo. Ang mga binhing itinanim naman sa dawagan ay sumasagisag sa mga taong nakikinig sa salita ngunit hindi kayang panindigan ito sapagkat maraming mga ari-arian ang nagpapasaya sa kanila. Inaakala ng karamihang tao na kapag sinabi ni Hesus na ibenta ang lahat ng kayamanan ay literal na ibenta ang lahat. Minsan kailangan nating unawain ang kahulugan ng pagiging “espiritually poor” na sa kabila ng lahat ng ating inabot na tagumpay ay dapat may kababang-loob pa rin tayo na gumawa ng kabutihan sa ibang tao, lalung-lalo na sa mga nangangailangan. At sa huli, ang mga binhing itinanim sa matabang lupa ay siyang tunay mga taong nakikinig sa salita at isinasabuhay ito, nang sa ganyon sila’y makapagmunga ng 30, 60, at higit sa 100 binhi. Sa ating buhay pang-Kristiyano, kailangan nating magmunga nang masagana sa ating pagsasabuhay ng pananampalataya. Kung tayo’y magiging mga binhi sa matabang lupa, kailangan nating dinggin ang salita ng Diyos at ipagmasdan ang mga aral nito sa ating araw-araw na pamumuhay sa paggawa ng tama at mabuti. Kung tayo’y pinagpapala niya araw-araw, nawa’y tayo rin ay maging mga saksi niya sa pagpapahayag ng kanyang mga mensahe ng pag-ibig, kagalakan, at kapayapaan, na siyang bumubuo sa Mabuting Balita tungkol sa kanyang Paghahari.

Reply

Jhana Fornal September 19, 2020 at 6:20 am

Ibat ibang klase ang tao pero sana sa pandemyang nararanasan natin manatili tayong matatag sa ating pananampalataya,magtiis tayo magtiwala sa Diyos matatapos din ang ating problema!sabi nga ng ating mga Kaparian magdasalan tayo sa isat isa!!magpasalamat tayo kung anoman meron tayo.Salamat po Poong Hesus Nazareno sa kalakasan at aming kaligtasan.

Reply

flor September 22, 2020 at 10:03 pm

Salamat Po Panginoong Hesukristo Sapagkat Sa Mga Oras Na Nasa Pighati Kami Ikaw Ay Nasa Piling Namin Salamat Po Panginoon. Amen

Reply

Jaime A. Papio September 11, 2022 at 3:41 pm

Maraming Salamat po, pagpalain po kayo ng may Kapal.

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: