Linggo, Agosto 28, 2022

August 28, 2022

Ika-22 Linggo sa Karaniwang Panahon (K)

Sirak 3, 19-21. 30-31
Salmo 67, 4-5ak. 6-7ab. 10-11

Poon, biyaya mo’y ‘bigay
sa mahirap naming buhay.

Hebreo 12, 18-19. 22-24
Lucas 14, 1. 7-14


Subscribe to Awit at Papuri Communications YouTube Channel

Twenty-second Sunday in Ordinary Time (Green)

UNANG PAGBASA
Sirak 3, 19-21. 30-31

Pagbasa mula sa aklat ni Sirak

Anak ko, maging mapagkumbaba ka sa pagtupad ng tungkulin,
at mamahalin ka ng mga malapit sa Diyos.
Habang ikaw’y dumadakila, lalo ka namang magpakumbaba;
sa gayo’y kalulugdan ka ng Panginoon.
Huwag mong hangaring maunawaan ang mga bagay na lampas sa iyong kakayahan,
huwag mong saliksikin ang hindi mo kayang malaman.
Nililimi ng matinong tao ang mga talinghaga;
nawiwili silang makinig pagkat nais nilang matuto.
Kung ang tubig ay nakamamatay ng apoy,
ang paglilimos ay nakapapawi ng kasalanan.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 67, 4-5ak. 6-7ab. 10-11

Poon, biyaya mo’y ‘bigay
sa mahirap naming buhay.

Ang lahat ay nagagalak, natutuwa ang matuwid;
sa harapan nitong Diyos, galak nila’y di malirip.
Awitan ang Panginoon, purihin ang kanyang ngalan.
Ang pangalan niyang banal, magalak na papurihan.

Poon, biyaya mo’y ‘bigay
sa mahirap naming buhay.

Ang Diyos na naroroon sa tahanan niyang templo,
tumitingin sa ulila’t sanggalang ng mga balo.
May tahanan siyang laan sa sinumang nalulungkot,
ang bilanggo’y hinahango upang sila ay malugod.

Poon, biyaya mo’y ‘bigay
sa mahirap naming buhay.

Dahil sa ‘yo, yaong ulang masagana ay pumatak,
lupain mong natuyo na’y nanariwa at umunlad.
At doon mo pinatira yaong iyong mga lingkod,
ang mahirap nilang buhay sa biyaya ay pinuspos.

Poon, biyaya mo’y ‘bigay
sa mahirap naming buhay.

IKALAWANG PAGBASA
Hebreo 12, 18-19. 22-24

Pagbasa mula sa sulat sa mga Hebreo

Mga kapatid, hindi kayo lumapit, gawa ng paglapit ng mga Israelita, sa isang bundok na nakikita sa Bundok ng Sinai na may nagliliyab na apoy, balot ng pusikit na kadiliman, may malakas na hangin, may tunog ng trumpeta, at tinig na nagsasalita. Nang ang tinig na ito’y marinig ng mga tao, isinamo nilang tumigil iyon ng pagsasalita sa kanila.

Ang nilapitan ninyo’y ang Bundok ng Sion at ang lungsod ng Diyos na buhay, ang Jerusalem sa langit, na kinaroroonan ng di-mabilang na anghel. Lumapit kayo sa masayang pagkakatipon ng mga ibinilang na panganay, na nakatala sa langit. Lumapit kayo sa Diyos na hukom ng lahat, at sa mga espiritu ng mga taong banal na naroon na sa dakong inilaan sa kanila ng Diyos. Lumapit kayo kay Hesus, ang tagapamagitan ng bagong tipan.

Ang Salita ng Diyos.

ALELUYA
Mateo 11, 29ab

Aleluya! Aleluya!
Sabi ni Hesus na mahal:
Dalhin n’yo ang aking pasan;
Kaamuan ko’y tularan.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Lucas 14, 1. 7-14

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Isang Araw ng Pamamahinga, si Hesus ay inanyayahang kumain sa bahay ng isang pinuno ng mga Pariseo; at binabantayan nilang mabuti ang kanyang mga kilos.

Napansin ni Hesus na ang pinipili ng mga inanyayahan ay ang mga upuang nakalaan sa mga piling panauhin. Kaya’t sinabi niya ang talinghagang ito: “Kapag inanyayahan ka ninuman sa isang kasalan, huwag mong pipiliin ang tanging upuan. Baka may inanyayahang lalong tanyag kaysa iyo. At lalapit ang nag-anyaya sa inyong dalawa at sasabihin sa iyo, ‘Maaari bang ibigay ninyo ang upuang iyan sa taong ito?’ Sa gayo’y mapapahiya ka at doon malalagay sa pinakaabang upuan. Ang mabuti, kapag naanyayahan ka, doon ka maupo sa pinakaabang upuan, sapagkat paglapit ng nag-anyaya sa iyo ay kanyang sasabihin, ‘Kaibigan, dini ka sa kabisera.’ Sa gayun, nabigyan ka ng malaking karangalan sa harapan ng mga panauhin. Sapagkat ang nagpapakataas ay ibababa, at ang nagpapakababa ay itataas.”

Sinabi naman ni Hesus sa nag-anyaya sa kanya: “Kapag naghahanda ka, huwag ang mga kaibigan mo, mga kapatid, mga kamag-anak o mayayamang kapitbahay ang aanyayahan mo, sapagkat aanyayahan ka rin nila, at sa gayo’y nagantihan ka. Kaya kung ikaw ay maghahanda ng isang malaking salu-salo, ang mga pulubi, mga pingkaw, mga pilay, at mga bulag ang anyayahan mo. Hindi sila makagaganti sa iyo at sa gayo’y magiging mapalad ka. Gagantihan ka ng Diyos sa muling pagkabuhay ng mga banal.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 3 comments… read them below or add one }

Reynald Perez August 26, 2019 at 12:13 am

PAGNINILAY: Tayong mga Pilipino, mahilig tayo sa pagkakain at pagtitipon. Kaya kapag Pasko, pista, kaarawan, binyag, o kaya may mga magandang nangyari sa ating mga mahal sa buhay, naghahanda tayo ng mga pagkain at nag-aanyayahan ang mga kalapit sa atin. Minsan nag-uunahan tayo sa pag-upo at sa pagkuha ng pagkain. Pero sa ating Ebanghelyo (Lucas 14:1, 7-14), ipinapaalala sa atin ni Hesus ang kahalagan ng pagiging mapagkumbaba (humble). Hindi dapat tayo’y nag-aagaw ng mga upuan at putahe na parang sinasabi natin na tayo’y mga VIP sa handaan. Pero ito yung mahirap: ang pag-aanyaya sa mga mahihirap, pilay, bulag, at iba pang nangangailangan. Noong bumisita ang Santo Papa sa ating bansa, nakikain siya sa mga nakaligtas mula sa hagupit ng Bagyong Yolanda. Bagamat naging mabilis ang pag-uusap dahil sa banta ng Bagyong Amang, natuwa ang mga inimbita dahil parang nakita at nakiusap nila si Hesus sa anyo ni Papa Francisco. Iyan ay isang halimbawang pinupunto ng Panginoon. Kaya inaanyayahan tayo ni Sirac sa Unang Pagbasa (Sirac 3:17-18, 20, 28-29) na mamuhay na magpakumbaba at isabuhay ito sa paggawa ng mabuti sa ating kapwa. Tuwing ipinagdiriwang natin ang Banal na Eukaristiya, tayo’y tinitipon ng Diyos sa kanyang piging. At sa ating Ikalawang Pagbasa (Hebreo 12:18-19, 22-24a), ang piging na iyan ay ang tikim ng baong Jerusalem (langit), ang Bagong Tipan kung saan inialay ni Hesus ang kanyang buhay para sa ating kaligtasan. Kaya ang Misa ay ang espirituwal na paggunita ng sakripisyo sa Panginoon dahil siya’y nasa anyo ng tinapay at alak. At tuwing tinatanggap natin siya sa Banal na Pakikinabang, nais niyang manahan sa ating puso’t isipan at gabayan tayo sa ating araw-araw na pamumuhay. Kaya ang Simbahan ay hindi lang bukas sa mga matutuwid, kundi pati rin sa mga makasalanan. Dapat mamulat tayo sa ganyang pag-ibig ng Diyos sa sinumang nais maranasan ang kanyang pag-ibig. Huwag tayong masyadong maging mapagmataas, kundi tulungan ang mga ganyang tao sa pagtuturo ng tama at paggawa ng mabuti. At sa ating paglalakbay sa daang ito, nawa’y maging magpakumbaba tayo sa bawat pagkakataon at gumawa tayo ng mga kilos ng pagmamahal, habag, at malasakit.

Reply

Reynald Perez August 27, 2022 at 2:22 pm

Reflection: HUMILITY AND ACCEPTANCE
In our world today, there are many leaders governing a certain nation, organization, and group. They are the ones who are in charge of the flow of activities, and they lead the operations and work. But sadly, most of them have become bosses, who claim that they have power over others. That is why many of them would ask their workers to do the work, and even force to spend more hours. But what is also happening is that most leaders would do nothing but rest, claiming that they should be the ones to give orders because they claim the thrones of honor. That is not how leadership is supposed to be.

In the 1st part of the Gospel Reading, Jesus reminds us of the value of humility and service. He compares the world to a wedding banquet, wherein many great people would go up to the seats of honor, but sadly, there were already people chosen for those places. Then again, it is the host who instructs them to move up from a lower position to a higher position. The host of the wedding banquet is God. At every celebration of the Mass, we do not go to church to show that we are better, but rather, we gather ourselves in prayer as the Assembly of God. He invites us to give him due reverence, respect, and worship by remembering his fulfilled plan, which we honor in the Liturgy of the Word and the Liturgy of the Eucharist. Most of all, after being spiritually nourished, we should apply the values of humility and service in our lives, especially when we help others because that is how we should manifest true Christian Leadership. So let us be humble and servant leaders with our whole minds and hearts to others. May we practice these values, so that we can merit the inheritance of God’s glory, which is eternal life in the Kingdom of Heaven.

The second part of the Gospel Reading is like a challenge to us when we hold celebrations. This seldom occurs because we would mostly invite our loved ones and close people whenever we throw feasts at the comfort of our homes or hang out in restaurants and other public places. But Jesus himself said that we should not invite them whenever such events take place. Although he’s not contradicting the practice of inviting our dear loved ones, he is challenging us to invite the poor and all the disabled. It may sound challenging to the extent that we are not familiar with such people. But let us try to have the opportunity to engage ourselves with such people. No wonder Jesus invited sinners to come to him, and he even ate at their homes in order that they may experience conversion. Same things happens in the Eucharist when the Lord God invites us all of us to worship him and commemorate the memorial of his great salvific plan through Christ’s sacrifice revealed in the bread and wine. Jesus’ spiritual nourishment is meant for all who are willing to accept him with faith and partake in giving witness to the Good News. So when we go to church and attend Mass then go out after the Eucharist, let us not look highly on ourselves above others, as if we think we’re more deserving. And may we always regard ourselves as humble people, so that we recognize the “human” inside each on of us. May this be our disposition when we attend the Eucharist, that we welcome each people to experience the love of God in the Holy Mass.

Reply

Jiffy Sabanal August 28, 2022 at 8:04 pm

Amen

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: