Linggo, Agosto 14, 2022

August 14, 2022

Ika-20 Linggo sa Karaniwang Panahon (K)

Jeremias 38, 4-6. 8-10
Salmo 39, 2. 3. 4. 18

Ang pagtulong mo sa amin,
Panginoon, ngayo’y gawin.

Hebreo 12, 1-4
Lucas 12, 49-53


Subscribe to Awit at Papuri Communications YouTube Channel

Twentieth Sunday in Ordinary Time (Green)

UNANG PAGBASA
Jeremias 38, 4-6. 8-10

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Jeremias

Noong mga araw na iyon, sinabi ng mga pinuno sa hari, “Kamahalan, dapat ipapatay si Jeremias. Sa kasasalita niya ay matatakot tuloy ang mga kawal pati ang mga mamamayan. Hindi nakatutulong sa bayan ang taong iyan; manapa’y ibig niyang mapahamak tayong lahat.”

Kaya’t sinabi ni Haring Sedequias, “Kung gayon, gawin ninyo sa kanya ang ibig ninyo; hindi ko kayo mapipigil.” Dinakip nila si Jeremias at dinala sa may balon ni Prinsipe Malquias, sa himpilan ng mga bantay. Matapos talian ng lubid, inihugos nila si Jeremias sa balon. Hindi tubig kundi burak ang laman ng balon, kaya lumubog siya sa putik.

Pumunta roon si Ebed-melec at sinabi sa hari, “Kamahalan, masama ang ginawa ng mga pinuno; inihulog nila sa balon si Jeremias. Maaaring mamatay siya sa gutom pagkat wala nang pagkain sa lungsod.” Iniutos ng hari na magsama si Ebed-melec ng tatlong lalaki at pagtulung-tulungan nilang iahon sa balon si Jeremias at baka mamatay.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 39, 2. 3. 4. 18

Ang pagtulong mo sa amin,
Panginoon, ngayo’y gawin.

Ako ay naghintay sa ‘king Panginoon,
at dininig niya ang aking pagtaghoy.

Ang pagtulong mo sa amin,
Panginoon, ngayo’y gawin.

Sa balong malalim na lubhang maputik
iniahon niya at doo’y inalis,
ligtas na dinala sa malaking bato,
at naging panatag, taglay na buhay ko.

Ang pagtulong mo sa amin,
Panginoon, ngayo’y gawin.

Tinuruan niya ako pagkatapos
ng bagong awiting pampuri sa Diyosl
ang bawat makasaksi ay matatakot
at sa Poong D’yos magtitiwalang lubos.

Ang pagtulong mo sa amin,
Panginoon, ngayo’y gawin.

Mahina man ako at wala nang lakas,
ngunit sa isip mo’y di mo kinakatkat;
O aking Tagatulong, Tagapagligtas
Panginoong Diyos, h’wag ka nang magluwat!

Ang pagtulong mo sa amin,
Panginoon, ngayo’y gawin.

IKALAWANG PAGBASA
Hebreo 12, 1-4

Pagbasa mula sa sulat sa mga Hebreo

Mga kapatid, yamang naliligid tayo ng makapal na saksi, iwaksi natin ang kasalanan, at ang anumang balakid na pumipigil sa atin, at tayo’y buong tiyagang magpatuloy sa takbuhing nasa ating harapan. Ituon natin ang ating paningin kay Hesus na siyang pinagmulan ng ating pananampalataya, at siya ring nagpapasakdal nito. Dahil sa kagalakang naghihintay sa kanya, hindi niya ikinahiya ang mamatay sa krus, at siya ngayo’y nakaluklok sa kanan ng trono ng Diyos.

Isip-isipin ninyo kung gaano ang tiniis niyang paglaban ng mga makasalanan upang hindi kayo manlupaypay o panghinaan ng loob. Hindi pa humahantong sa pagdanak ng iyong dugo ang pakikitunggali ninyo sa kasalanan.

Ang Salita ng Diyos.

ALELUYA
Juan 10, 27

Aleluya! Aleluya!
Ang tinig ko’y pakikinggan
ng kabilang sa ‘king kawan
ako’y kanilang susundan.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Lucas 12, 49-53

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad, “Naparito ako upang magdala ng apoy sa lupa – at sana’y napagningas na ito! May isang binyag pa na dapat kong tanggapin, at nababagabag ako hangga’t hindi natutupad ito! Akala ba ninyo’y pumarito ako upang magdala ng kapayapaan sa lupa? Sinasabi ko sa inyo: hindi kapayapaan kundi pagkakabaha-bahagi. Mula ngayon, ang limang katao sa isang sambahayan ay mababahagi: tatlo laban sa dalawa at dalawa laban sa tatlo.

Maglalaban-laban ang ama at ang anak na lalaki,
Ang ina at ang anak na babae,
At gayun din ang biyenang babae, at manugang na babae.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 4 comments… read them below or add one }

Reynald Perez August 12, 2019 at 8:18 am

PAGNINILAY: Sa ating Unang Pagbasa (Jeremias 38:4-6, 8-10), inihatol ng mga prinsipe at pinuno ng Israel at Juda si Propetang Jeremias ng kamatayan dahil hindi sila naniniwala na ang kanyang mensahe ay galing sa Diyos. Kaya binigyan sila ng awtoridad ng hari na maghatol sa kanya, at tinapon nila ang propeta sa isang balon puno ng putik. Binalitaan nito ni Ebedmelec kay Haring Zedekias dahil alam niyang mamatay si Jeremias kapag siya’y lumubog sa putik. Kaya pinayagan siya ng hari na kumuha ng tatlong lalaki upang iahon ang propeta mula sa balon. Si Propetang Jeremias ay sumsagisag sa Panginoong Hesus na nagdurusa upang tayo’y iligtas. Sa ating Ebanghelyo (Lucas 12:49-53), sinabi ni Hesus na siya’y naparito hindi para sa kapayapaan, kundi para maghati-hati. Mukhang nakakatakot ang kanyang mga salita. Pero ang nais niyang ipahatid sa atin ay isang babala kung hindi natin tatanggapin ang kanyang mga salita. Dahil sa kanyang dakilang pagdurusa, tayo’y naniniwala na tunay na sa Ama nagmula ang kanyang mensahe ng pagliligtas. Kaya nga kung hindi tayo tapat sa kanyang mga turo, magkakaroon tayo ng mga problema sa ating buhay. Kaya tayo’y inaanyayahan na magkaroon ng pananampalatayang nakatuon sa kanya. Ang bawat pagdarasal, pagsisimba, at pagdedebosyon natin ay kailangang isabuhay sa hindi paggawa ng masama, maging mabuting tao sa iba, at pagsunod sa kalooban ng Diyos. Sa ating paglalakbay sa daang ito, nawa’y maging matatag ang ating pananampalataya sa Panginoon sa isip, salita, at gawa, lalong-lalo sa gitna ng mga problema ng buhay.

Reply

Reynald Perez August 13, 2022 at 1:56 pm

REFLECTION: The liturgy for this Sunday focuses on the firmness of faith in the midst of opposition and persecution. Jeremiah in the First Reading is one of the notable Old Testament prophets to have receive many persecutions, insults, and condemnations from the priests, princes, and kings of Judah. We hear in the Reading how they plotted to put him to death by throwing him into the cistern, because Jeremiah has been preaching to the people of Judah about turning away from their wickedness and starting to become faithful towards the Lord. They throw him into a cistern for him to starve of hunger and thirst. However, we hear that a court official named Ebed-melech to be merciful towards the prophet who cannot die of famine, which is why Jeremiah has been hoisted up from the well. And the example of Jeremiah sees a figure, that despite doubting his youthfulness, he becomes a strong figure in the midst of opposition and those attempting to silence him from speaking the truth about the law of the Lord.

The Gospel Reading is another exhortation from the Lord Jesus about his mission to set the world ablaze by fire. The fire symbolizes the Holy Spirit, whom shall rekindle the world with the things of God, especially the mere truth that God continues to love everyone, and wills that everyone become faithful to him in order that they may attain salvation. And this is also the call of witnesses who speak in behalf of Christ, that they be messengers of the truth. However we know especially when Christ once commissioned his disciples to preach the Good News of the Kingdom, they have faced different forms of objection, inhospitality, and even attempted murder. This is why Jesus says in the Gospel that he has not come to bring peace, but division, for family members will be divided against each other. It is not the desire of Christ that families become divided, but that the problem arises when one member of the family, especially a member of a certain group or community, suddenly embraces the worldly desires of evil. And so there comes those people who side to stand by things that seem easy, despite the fact that they are sinful in the eyes of God. Jesus is that figure like Jeremiah who has become the bulwark of opposition against the hypocrisies of the Jewish leaders and the oppressions done against the fellow ordinary Jews. He knows the risk of preaching about the truth and about turning away from evil, even if it means being persecuted and questioned. Many times the Gospels narrate how these leaders plotted to have him killed, but because of the influence of the crowd who became his followers, they could not do so because the people have found in Christ a prophet of God, while many of them have believed that he was the Messiah. Indeed Jesus underwent his Passion and Death, a figure of an innocent Lamb who did not deserve death, but decided to accept it not because he wanted to be quiet, but that he might carry out the will of the Father by saving us from sin and showing us the greatest example of how the Father always loved us, and never gave up on us despite our shortcomings, weaknesses, and errors in life.

The Letter to the Hebrews in the Second Reading reminds us of the example of holy men and women who are standing as a great cloud of witnesses, that we too may follow in their footsteps and preach with whole courage and firmness the message of the Good News, even if it means proclaiming the hardcore truth that evil is never ever tolerated by the Lord. For indeed the Saints both martyred and non-martyred each in their way suffered persecutions not just from pagan authorities, but also from fellow family members and friends who mock them and opposed them of being Christian believers. But their legacies live on, and they inspire many Catholic Christians to live their example in striving holiness even in the simple acts of goodness, no matter what risk it entails, especially in the midst of opposition. We too live in a world wherein God becomes a subject of mockery and of less importance to people. Nowadays it has been a culture to call you out and insult you for being a true standout witness of the faith, even those wailing at you saying that your personality and spirituality are outdated. Moreover, we live in a digital age where social media is used a toxic tool to mock others for standing strongly to the truth and witnessing firmly to the faith.

However, the Readings today give us three comforting and strong reminders whenever we face all these challenges:
1.) Always stand to what is right even in the midst of oppositions.
2.) Do not compromise evil and good, for the Lord never tolerates evil.
3.) Continue to carry out the mission that God has entrusted to you.

Reply

Mary Ann August 13, 2022 at 4:38 pm

Thank you for thecreflection, may God bless you!

Reply

myra August 14, 2022 at 6:42 am

AMEN.

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: