Linggo, Agosto 7, 2022

August 7, 2022

Ika-19 na Linggo sa Karaniwang Panahon (K)

Karunungan 18, 6-9
Salmo 32, 1 at 12. 18-19. 20 at 22

Mapalad ang ibinukod
na bansang hinirang ng D’yos.

Hebreo 11, 1-2. 8-19
o kaya Hebreo 11, 1-2. 8-12
Lucas 12, 32-48
o kaya Lucas 12, 32-40


Subscribe to Awit at Papuri Communications YouTube Channel

Nineteenth Sunday in Ordinary Time (Green)
St. John Baptiste Marie Vianney Sunday

UNANG PAGBASA
Karunungan 18, 6-9

Pagbasa mula sa aklat ng Karunungan

Ang mangyayari sa gabing yaon ay ipinagpauna mong sabihin sa aming mga ninuno,
upang magalak sila sa kaganapan ng iyong mga pangako sa kanila.
Alam ng iyong bayan na ililigtas mo ang mga matuwid at parurusahan ang kanilang mga kaaway.
Ang paraang ginamit mo sa pagpaparusa sa aming mga kaaway
ay siya mo ring ginamit na pantawag sa amin,
upang kami’y bahaginan mo ng iyong kaluwalhatian.
Ang mga tapat na anak ng mabuting bayang ito’y lihim na naghahandog.
Nagkaisa silang sumunod sa mga utos ng Diyos at magsama sa hirap at ginhawa.
Noon pa’y inaawit na nila ang matatandang awit na ito ng papuri.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 32, 1 at 12. 18-19. 20 at 22

Mapalad ang ibinukod
na bansang hinirang ng D’yos.

Lahat ng matuwid dapat na magsaya
dahil sa ginawa ng Diyos sa kanila;
kayong masunuri’y magpuri sa kanya!
Mapalad ang bansang ang Poon ang Diyos,
mapalad ang bayang kanyang ibinukod.

Mapalad ang ibinukod
na bansang hinirang ng D’yos.

Ang may takot sa Diyos, at nagtitiwala
sa kanyang pag-ibig, ay kinakalinga.
Hindi babayaang sila ay mamatay,
kahit magtataggutom sila’y binubuhay.

Mapalad ang ibinukod
na bansang hinirang ng D’yos.

Ang ating pag-asa’y nasa Panginoon;
siya ang sanggalang natin at katulong.
Ipagkaloob mo na aming makamit,
O Poon, ang iyong wagas na pag-ibig,
yaman ang pag-asa’y sa ‘yo nasasalig!

Mapalad ang ibinukod
na bansang hinirang ng D’yos.

IKALAWANG PAGBASA
Hebreo 11, 1-2. 8-19

Pagbasa mula sa sulat sa mga Hebreo

Mga kapatid, tayo’y may pananalig kung nagtitiwala tayong mangyayari ang mga inaasahan natin, at naniniwala sa mga bagay na di natin nakikita. At kinalugdan ng Diyos ang mga tao noong una dahil sa kanilang pananalig sa kanya.

Dahil sa pananalig sa Diyos, tumalima si Abraham nang siya’y papuntahin ng Diyos sa lupang ipinangako sa kanya. At humayo siya, bagamat hindi niya alam kung saan paroroon. Dahil din sa kanyang pananalig, siya’y nanirahan bilang dayuhan sa lupang ipinangako sa kanya ng Diyos. Tumira siya sa mga tolda, kasama nina Isaac at Jacob na kapwa tumanggap ng gayon ding pangako mula sa Diyos, habang hinihintay niyang maitatag ang lungsod, na ang nagplano at nagtayo ay ang Diyos.

Dahil din sa pananalig sa Diyos, si Sara, bagamat matanda na, ay niloob ng Diyos na magkaanak, sapagkat nanalig siya na tapat ang nangako. Kaya’t sa taong maituturing na halos patay na ay nagmula ang isang lahi na naging kasindami ng bituin sa langit at ng buhangin sa dalampasigan.

Silang lahat ay namatay na may pananalig sa Diyos. Hindi nila nakamtan ang mga ipinangako ng Diyos, ngunit natanaw nila iyon mula malayo. Kinilala nilang sila’y dayuhan lamang at nangingibang-bayan dito sa lupa. Ipinakikilala ng mga taong nagsasalita nang gayon na naghahanap pa sila ng sariling bayan. Kung ang naaalaala nila’y ang lupaing pinanggalingan nila, may pagkakataon pang makabalik sila roon. Ngunit ang hinahangad nila’y isang lungsod na lalong mabuti, yaong nasa langit. Kaya’t hindi ikinahiya ng Diyos na siya’y maging Diyos nila, sapagkat ipinaghanda niya sila ng isang lungsod. At nang subukin ng Diyos si Abraham, pananalig din ang nag-udyok sa kanya na ihandog si Isaac bilang hain sa Diyos. Handa niyang ihandog ang kaisa-isa niyang anak, gayong ipinangako sa kanya ng Diyos na kay Isaac magmumula ang magiging lahi niya. Naniniwala siyang muling mabubuhay ng Diyos si Isaac. At sa patalinghagang pangungusap, nabalik nga sa kanya si Isaac mula sa mga patay.

Ang Salita ng Diyos.

o kaya: Maikling Pagbasa
Hebreo 11, 1-2. 8-12

Pagbasa mula sa sulat sa mga Hebreo

Mga kapatid, tayo’y may pananalig kung nagtitiwala tayong mangyayari ang mga inaasahan natin, at naniniwala sa mga bagay na di natin nakikita. At kinalugdan ng Diyos ang mga tao noong una dahil sa kanilang pananalig sa kanya.

Dahil sa pananalig sa Diyos, tumalima si Abraham nang siya’y papuntahin ng Diyos sa lupang ipinangako sa kanya. At humayo siya, bagamat hindi niya alam kung saan paroroon. Dahil din sa kanyang pananalig, siya’y nanirahan bilang dayuhan sa lupang ipinangako sa kanya ng Diyos. Tumira siya sa mga tolda, kasama nina Isaac at Jacob na kapwa tumanggap ng gayon ding pangako mula sa Diyos, habang hinihintay niyang maitatag ang lungsod, na ang nagplano at nagtayo ay ang Diyos.

Dahil din sa pananalig sa Diyos, si Sara, bagamat matanda na, ay niloob ng Diyos na magkaanak, sapagkat nanalig siya na tapat ang nangako. Kaya’t sa taong maituturing na halos patay na ay nagmula ang isang lahi na naging kasindami ng bituin sa langit at ng buhangin sa dalampasigan.

Ang Salita ng Diyos.

ALELUYA
Mateo 24, 42a. 44

Aleluya! Aleluya!
Tayo ay laging magtanod
sapagkat di natin talos
ang pagbabalik ni Hesus.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Lucas 12, 32-48

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Huwag kayong matakot, munting kawan, sapagkat ikinalulugod ng inyong Ama na ibigay sa inyo ang kaharian. Ipagbili ninyo ang inyong ari-arian, at mamigay kayo sa mga dukha! Gumawa kayo ng mga lukbutang hindi naluluma, at mag-impok ng kayamanan sa langit, na hindi nakukulangan sapagkat doo’y walang makakalapit na magnanakaw at walang makapaninirang tanga. Sapagkat kung saan naroon ang inyong kayamanan ay naroon din naman ang inyong puso.

“Maging handa kayo at sindihan ang inyong mga ilawan. Tumulad kayo sa mga taong naghihintay sa pag-uwi ng kanilang panginoon mula sa kasalan, para pagdating niya ay mabuksan agad ang pinto. Mapalad ang mga alipin na abutang nagbabantay pagdating ng kanilang panginoon. Sinasabi ko sa inyo, maghahanda siya, padudulugin sila sa hapag, at maglilingkod sa kanila. Mapapalad sila kung maratnan niya silang handa, dumating man siya ng hatinggabi o madaling-araw siya dumating. Tandaan ninyo ito: kung alam lamang ng puno ng sambahayan kung anong oras darating ang magnanakaw, hindi niya pababayaang pasukin ang kanyang bahay. Kayo ma’y dapat humanda, sapagkat darating ang Anak ng Tao sa oras na hindi ninyo inaasahan.”

Itinanong ni Pedro, “Panginoon, sinasabi po ba ninyo ang talinghagang ito para sa amin o para sa lahat?” Tumugon ang Panginoon, “Sino nga ang tapat at matalinong alipin? Hindi ba siya ang pamamahalain ng kanyang panginoon sa sambahayan nito, upang magbigay sa ibang mga alipin ng kanilang pagkain sa karampatang panahon? Mapalad ang aliping iyon, kapag dinatnan siyang gumagawa ng gayun pagbabalik ng kanyang panginoon. Sinasabi ko sa inyo: pamamahalain siya ng kanyang panginoon sa lahat ng ari-arian nito. Ngunit kung sabihin sa sarili ng aliping iyon, ‘Matatagalan pa bago magbalik ang aking panginoon,’ at simulan niyang bugbugin ang ibang aliping lalaki at babae, at kumain, uminom, at maglasing, darating ang panginoon ng aliping yaon sa araw na hindi niya inaasahan at sa oras na hindi niya alam. Buong higpit na parurusahan siya ng panginoon, at isasama sa mga di-tapat.

“At ang aliping nakaaalam ng kalooban ng kanyang panginoon, ngunit hindi naghanda ni sumunod sa kalooban nito ay tatanggap ng mabigat na parusa. Ngunit ang aliping hindi nakaaalam ng kalooban ng kanyang panginoon at gumawa ng mga bagay na nararapat niyang pagdusahan ay tatanggap ng magaang na parusa. Ang binigyan ng maraming bagay ay hahanapan ng maraming bagay; at ang pinagkatiwalaan ng lalong maraming bagay ay pananagutin sa lalong maraming bagay.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

o kaya: Maikling Pagbasa
Lucas 12, 32-40

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad, “Maging handa kayo at sindihan ang inyong mga ilawan. Tumulad kayo sa mga taong naghihintay sa pag-uwi ng kanilang panginoon mula sa kasalan, para pagdating niya ay mabuksan agad ang pinto. Mapalad ang mga alipin na abutang nagbabantay pagdating ng kanilang panginoon. Sinasabi ko sa inyo, maghahanda siya, padudulugin sila sa hapag, at maglilingkod sa kanila. Mapapalad sila kung maratnan niya silang handa, dumating man siya ng hatinggabi o madaling-araw siya dumating. Tandaan ninyo ito: kung alam lamang ng puno ng sambahayan kung anong oras darating ang magnanakaw, hindi niya pababayaang pasukin ang kanyang bahay. Kayo ma’y dapat humanda, sapagkat darating ang Anak ng Tao sa oras na hindi ninyo inaasahan.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 4 comments… read them below or add one }

Reynald Perez August 8, 2019 at 8:59 am

PAGNINILAY: Sa liturhiya ng Simbahan, mayroon tayong tinatawag na Magdamag na Pagdiriwang o Bihilya. Ito ay isang panalangin o misa na ginaganap sa gabi ng mahalagang araw gaya ng Pasko ng Pagsilang, Pasko ng Muling Pagkabuhay, Pentekostes, Dakilang Kapistahan ng Pagsilang ni San Juan Bautista, Dakilang Kapistahan ni San Pedro at San Pablo, mga apostol, at ang Dakilang Kapistahan ng Pag-akyat ng Mahal na Birheng Maria sa Langit. Nagmula ang mga bihilyang ito ayon sa ating mga pagbasa ngayon. Sa ating Unang Pagbasa, isinasaad ni Solomon ang gabi bago ang Paskuwa ay naghanda ang mga anak ni Abraham para ipalaya sila mula sa pang-aalipin. Sa gabing iyon ay pinatay ng anghel ng kamatayan ang lahat ng mga panganay ng mga Ehipto. Dahil nakita ni Faraon Ramses II ang kapangyarihan ng Diyos, inutos niya si Moises at si Aron na idala ang mga Israelita at huwag sila babalik sa Ehipto. Nakaalis na ang mga Israelita sa Ehipto, at tuwing umaga ay sinusunod nila ang haligi ng ulap, at tuwing gabi ay sinusunod nila ang haligi ng apoy, at nagkamping sila sa tabi ng Pulang Dagat. Nang narinig ni Faraon na nagkakamping ang mga Israelita sa tabi ng dagat, nagbago ang kanyang isip at gustong ibalik ang mga Israelita sa Ehipto para sila ay maging mga alipin. Sumugo siya ng isang malaking hukbo na nakasay sa 600 kalesa. Pharaoh’s army are now on their way to take back the Israelites. When the Israelites heard that Pharaoh’s army is close by, they grumbled at Moses and began to doubt God. But the Lord said, “Stretch your hand into the sea, and split the waters into two.” So Moses stretched out his hand on the sea, and the waters were divided into two. Then Moses and the Israelites crossed the dry land. Pharaoh’s advanced to cross the dry land, but Moses stretched out his hand onto the sea an closed the waters to return to its original form. Soon Pharaoh’s army began to drown into the sea. But thus the Lord saved Israel on this day. The First Exodus is a preparation for the Second Exodus.
Sa ating Ikalawang Pagbasa, nakita natin ang Ama ng pananampalataya na si Abraham. Ipinangako ng Diyos kay Abraham na ang kanyang mga lahi ay dadami gaya ng bilang ng mga bituin sa langit. Sa kanyang buhay, si Abraham ay naging masunurin sa Diyos, ngunit ang pinakadakila sa kanya ay ang pagsubok ng Diyos sa kanya sa pag-aalay ng kanyang minamahal na anak na si Isaac. Kahit nalulungkot si Abraham ay naging masunurin pa siya sa Diyos. Dahil dito, naging siya Ama ng maraming bansa. Sa ating Mabuting Balita ngayon, na parang mala-Adbiyento, hinahamon tayo ni Hesus na maging handa sa kanyang pagdating. Kinaya ng marami hunain na ang katapusan ng mundo ay mangyayari sa ika-21 ng Disyembre, 2012. Ngunit sinabi ni Hesus na hindi alam natin o ng mga anghel o ng Anak ng Tao ang muling pagdating ng Panginoon kaya sinabi niya na tayo ay maging handa. Narinig na natin ang Parabula ng mga Sampung Dalaga. Lima sa kanila ay matalino, at lima sa kanila ay sira ng bait. Ang mga sira ng bait ay hindi nagdala ng langis para sa kanilang mga lampara, samantala ang mga matalino ay nagdala ng langis. The Bridegroom has not yet arrived so all went to sleep. When midnight came, the servants said, “The Bridegroom is here. Come out to meet him.” Then everyone came out shining their lamps. The foolish asked them to spare some oil, but most of the people said, “No, for we will all run out. Go and buy some oil from the merchants.” And then the wedding began, and as the celebration started, the foolish virgins showed up and said, “Lord, open the door for us.” But the Bridegroom said, “I say to you: I know you not.” So Jesus tells us that we must be vigilant and prayerful for we do not know what time or day will the Son of Man come to judge the living and the dead. Sa ating panahon ngayon, tayo ay laging maging handa hindi lang sa pagdating ng Anak ng Tao kundi rin sa mga lindol at ang iba pang importanteng bagay.

Reply

Reynald Perez August 10, 2019 at 4:12 pm

Ilang buwan na lang at Pasko na. Dito sa ating kalendaryong pangliturhiya, nagsisimula ang taon sa pagpapasok ng bagong panahon, ang Adbiyento. Ito ay nagmula sa salitang Latin na ‘adventus,’ na may ibig sabihin “pagdating”. Ang Adbiyento ay panahon ng paghahanda sa Tatlong Pagdating ni Kristo. At ang ating mga Pagbasa ngayon ay parang mala-Adbiyento ang mensahe dahil ito ay nakasentro sa Ikalawang Pagdating ni Kristo, ang kanyang pagbabalik sa wakas ng panahon. Tatlong bagay ang nais kong puntuhin tungkol sa Panginoon:
1.) ANG PANGINOON AY DIYOS NG NAKARAAN. Sa ating Unang Pagbasa (Karunungan 18:6-9), ipinaalala ng manunulat (siguro si Haring Solomon) ang kabutihang-loob ng Diyos n’ong mapaslang niya ang mga Egipcio upang ang kanyang piniling bayan Israel ay makalikas mula sa pagkaalipin. Kaya bilang paggunita, ipinagdiriwang ng mga Hudyo tuwing ika-14 ng Abril ang Pista ng Paskuwa (Passover). Sa ating Ikalawang Pagbasa (Hebreo 11:1-2, 8-19 o kaya 11:1-2, 8-12), ipinaalala ng isa pang manunulat (siguro si San Pablo) na ang Diyos ay nagbigay sa ating ng pananampalataya upang tayo’y magtiwala sa kanya at sumunod sa kanyang kalooban. Ang pananampalatayang ito ang nagpalakas ng loob kay Abraham na masunuring inialay ang kanyang minamahal na anak na si Isaac. Dahil sa pagsubok na ito ng pananampalataya, si Isaac ay iniligtas, at si Abraham ay pinagpala ng maraming lahi katulad ng bilang ng mga bituin sa kalangitan.
2.) ANG PANGINOON AY DIYOS NG KINABUKASAN. Sa ating Ebanghelyo (Lucas 12:32-48 o kaya 12:35-40), inilalahad ni Hesus sa kanyang mga alagad ang kanyang muling pagbabalik. Ikinumpara niya ito sa isang magarbong handaan para sa bagong kasal. Ibig sabihin nito na magiging masaya ang kanyang pagdating dahil makikita natin ang kanyang kaluwalhatian. Ikinumpara rin niya ito sa isang taong nagnakaw sa bahay ng may-ari. Ibig sabihin nito na darating siya sa oras na hindi nating inaasahan, kaya dapat tayo’y maging alerto. Ikinumpara niya ito sa mga alipin na nagaasikaso ng bahay para sa pagdating ng kanilang amo. Ibig sabihin nito na darating siya para makita kung talaga tayong naghanda.
3.) ANG PANGINOON AY DIYOS NG KASALUKUYAN. Kung ang Diyos ay mabuti sa nakaraan, ganuon din siya hanggang ngayon at magpasawalang hanggan. Kung siya ay darating sa katapusan ng mundo, nandito pa rin siya sa ating piling at nasa puso’t isipan natin sa bawat oras. Kaya dalawa ang hamon ng ating mga pagbasa ngayon: (1) magtiwala sa kanya upang tayo’y gagabayan sa ating misyon dito sa mundo, at (2) maging alerto at handa sa di-inaasahang oras ng kanyang pagbabalik.
Kaya sa ating paglalakbay sa daang ito, nawa’y kahabagan tayo ng Diyos, sumampalataya sa kanya upang tayo’y sumunod sa kanyang kalooban, at gumawa ng mabubuting bagay sa ating mga kapwa.

Reply

Reynald Perez August 5, 2022 at 3:51 pm

REFLECTION: This Sunday, we hear the coming of the presence of God in our lives. At every Eucharistic celebration, whenever the Mystery of Faith is proclaimed, we truly believe that “Christ has died, Christ is risen, Christ will come again.” This truly affirms that our Lord who has come to us to be with us, to teach us the way of the Father, and to offer his life for our salvation by his Cross and Resurrection, will once again come back to judge us.

The First Reading depicts the disposition of the Israelites during the night of the Passover, that they followed the laws of the Lord, celebrated the night of their delivery with hope and courage, and waited with expectation for the coming exodus. This is the wisdom of the children of Israel, that they truly discern and obeyed the will of the Lord. The Second Reading gives honor to the great Biblical figures of faith, the gift of faith that binds one’s relationship with God. Two of them are the patriarchs Abraham and Isaac, wherein the Lord saw the faithfulness, and promised to multiply their descendants as countless as the number of the stars in the sky & the sands of the seashore. The story of the Test of Abraham proves the faith of the great patriarch, that despite the odds of seemingly sacrificing his son, Isaac, on Mt. Moriah, he places his faith by obedience, which then cost him God through the angel sparing the life of the young boy. That is why the Letter to the Hebrews tells us that faith is something that is hoped for, and not just with proving of things that yet to be seen.

The long Gospel Reading narrates to us the criteria of Jesus for the upcoming Parousia. Jesus assures us of the Kingdom that should be our ultimate goal in life, that it is in that Kingdom where we can be truly assured and secured of the real treasure. Then he invites us to gird our loins and light up our lamps, in preparation of the coming of the master Bride during his wedding at night. In the same way, the master of the household is expectant of his servants to be prepared for his return. And this return of the Master is meant to be delayed at some point, for what is important is the vigilance and faithfulness of the servants and guests to be prepared for his arrival.

In the same way, our Lord shall return again soon, and the delay of his coming again in glory gives an opportunity for examination, renewal, and more faithful commitment to live each day with faith, hope, and love that we have received from the Lord. This calls us to live these theological virtues and other good values, that will enable the continuous building up and growth of the Kingdom. Let us not just waste our lives in becoming spectators, even those who are being presumptuous of salvation without any action of all, for St. James the Less says, “Faith without works is dead” (ch. 2 v. 26). Rather, let us always see our lives as precious instruments to carry out each day the mission God is entrusting to us through the very person he calls us to be. Lastly, let us make this earthly life a foretaste of heaven for others, especially by continuously drawing them to the heavenly foretaste, the Holy Eucharist, and at the end of every Mass, become Eucharistic towards blessing and sharing our lives with others.

Reply

Rosalinda jubilado August 7, 2022 at 11:33 am

Thank you Sir Reynald Perez sa pagbabahagi mo ng iyong mga reflections at kaalaman mo po sa Salita ng Diyos na kung saan napapalalim ang aming kaalaman sa pananampatayang Iglesiya Katolika. Pagpalain po nawa kayo ng ating Panginoon ng malakas at malusog na pangangatawan upang patuloy po ninyong maiipahayag ang Mabuting Balita sapagkat marami po kaming nauuhaw na makaunawa sa Salita ng Diyos.

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: