Lunes, Hulyo 18, 2022

July 18, 2022

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-16 na Linggo sa Karaniwang Panahon
Lunes

Natuklasan ni Jonas na walang makatatakas sa Panginoon. Idalangin natin sa Diyos Ama na bigyan tayo ng biyayang makapagbagumbuhay at matatag na manalig kay Kristo na tumatawag sa atin sa pagbabalik-loob.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Diyos ng mga propeta, bigyan Mo kami ng kapangyarihan.

Ang Simbahan nawa’y ipahayag nang walang kapaguran ang mensahe ng Diyos ng pagbabalik-loob sa mga naghahanap sa Panginoon nang may malinis na puso, manalangin tayo sa Panginoon.

Tulad ng mga mamamayan ng Nineve, nawa’y ating itakwil ang masamang pag-uugali at humarap tayo sa Diyos nang may mababang kalooban at nagsisising espiritu, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga pamilya at mga komunidad nawa’y maghangad ng kapayapaan, pagkakaisa, at pagkakasundo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit nawa’y makatagpo ng kasiguruhan at pag-ibig mula sa mga nag-aaruga sa kanila, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga tapat na yumao nawa’y makatagpo ng walang hanggang kapayapaan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama ng lahat, ibinigay mo sa amin ang tanda ni Jonas upang masalamin ang pagdating ng iyong Anak. Pinakaaasam mo mula pa noong una ang kanyang Muling Pagkabuhay. Isama mo kami sa kanya magpakailanman. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 2 comments… read them below or add one }

Reynald Perez July 18, 2020 at 9:57 am

Pagninilay: Ang Unang Pagbasa ay isang pahayag ng Diyos sa pamamagitan ni Propeta Mikas sa kanyang bayang sumuway at tumalikod sa kanya. Ipinaalala niya sa mga taga-Israel ang kanyang katapatan sa kanila, nang ilikas sila mula sa kamay ng mga taga-Egipto. Kaya tinanong ni Mikas ang bayan ng Diyos kung ano ang kanilang gagawin upang maging kalugud-lugod sila sa Panginoon. Natuntunan ng propeta na higit sa mga sakripisyo at pag-aalay ay ang paggawa ng katarungan at kabutihan sa ating kapwa bilang pagsunod sa dakilang kalooban ng ating Panginoong Diyos.

Ang Ebanghelyo ay isang pagtatagpo ng Panginoong Hesukristo sa mga eskriba at Pariseo. Alam natin na kritikal ang 2 grupong ito sa Panginoon sapagkat hindi sila naniniwala na si Hesus ay ang Anak ng Diyos. Kaya lumapit sila sa kanya upang humiling ng isang tanda, at tugon naman ng Panginoon na ang kanilang lahing masama at di tapat sa Diyos ang humihingi ng tanda para lang subukin siya at hanapin siya ng butas. Ang tanging tanda na ibibigay ni Hesus ay ang tanda ni Propeta Jonas, ang taong kinain ng isang malalaking isda at nanatili sa loob ng tiyan nito ng 3 araw. Dito inahintulad ang pagkamatay sa Krus ng Anak ng Tao at paglilibing sa loob ng 3 araw. At ito’y magiging tagumpay ni Hesus nang siya’y muling mabuhay mula sa kamatayan. Makalipas ang 40 araw, umakyat si Hesus sa langit nang may dalang paalala na siya’y muling babalik. Kaya ang kanyang muling pagpaparito ay higit sa pangangaral ni Jonas sa Nineve at ang pagbisita ng Reyna ng Timog kay Haring Solomon. Tuwing ipinagdiriwang natin ang Banal na Misa, ipinahahayag natin ang Kamatayan at Muling Pagkabuhay ng ating Panginoong Hesukristo, at pinanabikan natin ang kanyang muling Pagdating sa wakas ng panahon. Kaya ang ating tugon ay kung kilala na natin ang Diyos sa pamamagitan ng ating pananampalataya, hindi na natin kailangan pa ng iba pang tanda. Tayo ngayon mismo ay maging tanda ng kanyang pag-ibig, kapayapaan, katarungan, at awa sa ating kapwa. Nawa’y tularan natin ang kanyang Anak na si Hesukristo.

Reply

Mark Jefferson Criste May 27, 2022 at 9:35 pm

Salamat sa Diyos!

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: