Linggo, Hulyo 17, 2022

July 17, 2022

PANALANGIN NG BAYAN
Patnubay sa Misa
Ika-16 na Linggo sa Karaniwang Panahon

Ang Panginoon ay lagi nating kasama at nagnanais makipag-usap sa atin, ngunit madalas tayong nakatuon sa “maraming ibang alalahanin.” Hilingin natin ang biyayang magpahalaga sa mga tunay na mahalaga sa buhay at matutuhan nating marapat pagtimbangin ang paggawa at pagninilay. Manalangin tayo:

Panginoon, dinggin ang aming panalangin!

Para sa Simbahang panlahat: Nawa lagi niyang alalahanin ang tanging pananatili ng Panginoon bilang natatanging panauhin. Manalangin tayo!

Para sa Santo Papa, mga Obispo, at ibang pinuno ng Simbahan: Pakinggan nawa nila ang pangaral ng Panginoon at ipahayag ito sa iba sa gawa at salita. Manalangin tayo!

Para sa lahat ng mga manggagawa at ibang taong may maraming pinagkakaabalahan: Nawa magkapanahon silang magdasal at magnilay sa Salita ng Diyos. Manalangin tayo!

Para sa mga maysakit, mga bilanggo, at matatanda: Nawa gugulin nila ang mahahabang oras nila ng pangungulila’t pagdurusa sa piling ni Hesus, na kanilang kaibigang panauhin. Manalangin tayo!

Para sa bawat isa sa atin: Nawa makahangotayonginspirasyonat kasiglahan sa pangaral ni Kristo para tayo maging tapat sa ating mga pangako. Manalangin tayo!

Tahimik nating ipanalangin ang ating mga sariling kahilingan. (Tumigil sandali.) Manalangin tayo!

Panginoong Hesus, nais mong maging panauhin namin upang palaguin kami ng kayamanan ng iyong pananatili at ng iyong salita. Ipagkaloob mo sa amin ang matamang pakikinig ni Maria at ang masiglang pag-aasikaso ni Marta upang mabuhay kaming kapiling mo at para sa iyo sa bawat saglit ng aming buhay. Ikaw na nabubuhay at naghahari nang walang hanggan. Amen!

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 3 comments… read them below or add one }

Reynald Perez July 17, 2019 at 9:40 am

This Sunday, we are given the opportunity to realiZe that the Lord is in our midst. In the Gospel (Luke 10:238-42), Jesus entered a village called Bethany and stayed with two sisters of man called Lazarus (not mentioned in this event), and they are Martha and Mary. We could see the different cultures present in welcoming guests. Martha serves the needs, while Mary sits at Jesus’ feet and listens. Martha commands him to let her sister serve, but the Lord tells her that in the midst of her anxieties, Mary has chosen “the one thing important”. That is why when she went to the Lord to announce that Lazarus has died, Christ told her that he is the resurrection and the life, and Martha’s response is: “I believe that you are the Christ, the Son of God, the one who is coming into the world” (John 11:27). As for Mary, when he visited them again six days before Passover, she anointed his feet with the oil made from costly pure nard, then wiped them with her hair and kissed them. Jesus called this an act of love that will be remembered before his burial. This is what we call the Bethany Experience. Aside from the Apostles, Lazarus, Martha, and Mary were also close friends of our Lord. When he visited them, they comforted him because they knew that he has been preaching to the crowds and performing miraculous signs. Likewise, the Lord is in our midst wherever we go and whatever we do. Despite the work we have either in school or office, we should always ask him to guide us and at the end of the day, thank him. That is why we have the Lauds (morning) and Vespers (evening) in the Liturgy of the Hours. And Sundays are opportune days to rest physically and spiritually by going to Mass, spending time with family, friends, and loved ones, and doing acts of charity and kindness to others. So as we journey down this road, may we always recognize that the Lord is with us, and our response should be faith and it’s manifestation in thoughts, words, and actions. May the Bethany experience help us to welcome him in our hearts and also to see and reach out to him in the faces of our brothers and sisters.

Reply

Mark Jefferson Criste May 27, 2022 at 9:34 pm

Salamat sa Diyos!

Reply

Reynald David Perez July 16, 2022 at 1:24 am

PAGNINILAY: Ngayong Linggong ito, pinagninilayan natin ang dakilang presensiya ng Diyos at ang nararapat na pagtugon sa pagdanas ng kanyang presensiya sa atin.

Ang Unang Pagbasa ay ang pagtatagpo nina Abraham at Sara sa tatlong manlalakbay sa tolda ng Mamre. Agad inasikaso ng mag-asawa ang pangangailangan ng tatlo, pinatuloy niya sa kanyang tinitirahan, at pinaglutuan ng masasarap na pagkain. Matapos iyan, narinig natin sa pagbasa kung paanong isa sa mga lalaki ay nangakong babalik sa Mamre, sa panahaong magkakaanak na si Sara (matapos ang napakahabang taon ng pagiging baog). Makikita rito ang pagdalaw ng Panginoong Diyos sa tolda ng Mamre, at doon siya’y natanggap ang biyaya ng magkakaroon ng anak na ang pangalan ay Isaac. At ang Pagbasang ito ay nagbibigay-inspirasyon sa Banal na Santatlo, na kung saan ang pagdalaw ng bawat Persona sa Iisang Diyos ay nagsisilbing paalala na kasama natin ang Panginoon kung tayo’y magiging tapat sa kanyang pag-ibig.

Ang Ebanghelyo ay nagpapahiwatig sa dalawang magkapatid na taga-Betania, na nag-anyaya si Hesus upang maghapunan sa kanilang tahanan. At narinig nga natin ang pagkakaiba: si Marta ay mas aligaga sa paglilingkod sa pangangailaga ng iba, samantala si Maria naman ay nakaupo sa paanan ni Hesus. At narinig nga natin ang reklamo ni Marta kung bakit nakaupo ang kanyang kapatid, subalit ang tugon ng Panginoon ay ang pag-aalala na ang pinakamahalagang bagay ng kanyang pagdalaw ay ipinakita ni Maria. Sa kabila nito, humanga rin si Hesus sa kusang-loob na paglilingkod ni Marta para sa kanyang pangangailangan. Ang Ebanghelyong ito ay nagsisilbing inspirasyon sa mga nais pumasok sa buhay-relihyoso, lalung-lalo na sa mga magpapari. Katulad ni Marta, ito ang mga taong nais magkaroon ng aktibong buhay sa paglilingkod at pagtulong sa kapwa. At katulad naman ni Maria, ito ang mga taong nais maging taimtim ang kanilang pananalangin at pagninilay sa pagkakaroon ng kontemplatibong buhay. Kaya ang kwento ay nagpapakita kung paanong naipapakita ang pananampalataya na pinakikinggan, pigninilayan at isinasabuhay.

Ang Diyos ay kapiling natin, at patuloy siyang dumadalaw sa atin. Ang paalala sa atin ay ang lubos ng pagtanggap sa kanya sa pamamagitan ng paggawa ng kabutihan at pagkakaroon ng matatag na relasyon sa pananalangin, katulad ng ipinakita ng magkapatid na sina Marta at Maria. Sila rin ay naranas na mawalan ng kapatid na si Lazaro, ngunit dahil sa kanilang pananampalataya kay Hesus bilang Buhay at Muling Pagkabuhay, naibangon muli si Lazaro apat na araw matapos itong pumanaw. At nagpasalamat din ang dalawang magkapatid: si Marta ang naghanda ng mga pagkain, samantala si Maria naman ay ang nagbuhos ng langis sa paa ni Kristo, at pinunasan ang mga ito sa pamamagitan ng kanyang buhok. Kaya ipinapaalala ni San Pablo sa Ikalawang Pagbasa ang pagkakaroon ng katatagan sa Panginoon kahit sa mga oras ng pagdurusa, na ang mahalaga ay ang pagpapatuloy ng kabutihan, sapagkat haharap tayo sa kanya balang araw nang walang kapinstasan sa kaluluwa. Kaya nawa’y tumugon tayo sa tawag ng pananamapalataya sa mataimtim na pagninilay/pananalangin at buhay na paggawa ng mabuti/paglilingkod sa Diyos sa pamamagitan ng ibang tao.

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: