Lunes, Hulyo 4, 2022

July 4, 2022

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-14 Linggo sa Karaniwang Panahon
Lunes

Hindi ninais ng Diyos ang ating kamatayan. Nilikha niya tayo para sa buhay ngunit mas pinili natin ang kamatayan sa bawat pagkakasala natin. Si Kristong Tagapagligtas ang nagbabalik sa atin sa buhay, at lumalapit tayo sa Ama sa pamamagitan niya.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Ama ng buhay, pakinggan Mo kami.

Ang Simbahan nawa’y maging tanda ng gawaing mapagpagaling ni Kristo sa pamamagitan ng pagmamalasakit sa mga may karamdaman sa katawan, isip, at diwa, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga doktor at mga naras, at yaong mga nag-aalaga ng mga maysakit nawa’y magpakita ng habag at kahinahunan ni Kristo sa pag-aaruga sa mga maliliit nating mga kapatid, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga taong nagdurusa sa kahirapan nawa’y lumapit kay Jesus na naging hamak para sa atin, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga pusong wasak nawa’y mapaghilom natin sa pamamagitan ng ating mabubuting gawa at salitang nagdudulot ng kasiyahan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga namayapa nawa’y masiyahan sa makinang na bukang-liwayway ng buhay na walang hanggan, manalangin tayo sa Panginoon.

Diyos Ama, patuloy mo kaming hilumin sa lahat ng masama, at hayaan mong ang iyong kabutihan ang magliwanag sa amin sa pamamagitan ng kapangyarihan ni Jesu-Kristong aming Panginoon. Amen.

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 5 comments… read them below or add one }

Reynald David Perez July 3, 2022 at 4:17 pm

PAGNINILAY: Ang Unang Pagbasa ngayon ay mula kay Propeta Oseas. Ito ang propetang inatasan ng Diyos upang ipanumbalik ang bayang tumalikod sa kanya. Ito ang kwento ng isang mahabagin at mapagmahal na Diyos na hindi susuko upang ang mga taong sumuway at tumalikod ay bumalik sa kanyang mga bisig na yumayakap nang mahigpit. Makikita natin sa buong aklat ang pagkumpara kay Oseas bilang ang Diyos. At sa isang kwento, naroon ang isang masasamang babaeng nangangalang Gomer, na kumakatawan sa bayang Israel, na hindi kailanma’y bibitawan ang isang taong gumawa ng malaking kasalanan.

Ang Ebanghelyo ngayon ay 2 kababalaghan ni Hesus na katumbas ng iisang tema: pananampalataya. Narinig natin kung paanong namatay ang 12 taong gulang na anak ng isang opisyales ng sinagoga na si Jairo at ang babaeng dumudugo ng 12 taon. Ang simbolo ng bilang na 12 sa Banal na Kasulatan ay kaganapan. Parang nagkataon na makalipas ang 12 taon, pinaggaling ni Hesus ang babaeng sumusunod sa kasagsagan ng mga tao at hinawakan ang kanyang damit. At narinig naman natin ang pagbubuhay ni Hesus sa 12 taong gulang na anak ni Jairo. Subalit ang nais ituro ng Ebanghelyo ngayon ay pananampalataya. Kahit anumang sakit na ating nararamdaman o kaya pagsubok na ating pinagdadaanan, patuloy tayong manalig sa kanya. At makikita natin mula sa kamay ng Panginoong nagpapagaling ang malasakit. Kaya nawa’y magkaroon tayo ng habag at malasakit sa ating kapwa, lalung-lalo na sa mga nangangailangan.

Reply

Edwin July 3, 2022 at 9:10 pm

AMEN!!

Reply

Angelita S. Maramba July 3, 2022 at 11:50 pm

Thanks a lot for providing us an updated readings for the day. It is really very useful for me as a Comre in our parish in proclaiming the Words of the Lord.

Reply

Awit at Papuri Communications July 4, 2022 at 7:05 am

We appreciate your kind words. May God continue to bless you and your ministry.

Reply

Ferdy Baetiong Pariño July 4, 2022 at 8:56 am

Tinutuligsa ang Katolilko ng dahil sa pagsamba sa mga santo o rebulto na gawa sa bato o kahoy na imahe ni Hesus, ni Maria o ng iba pang santo. Ginagawa ito mga tao lalo na kung may hinihiling o di kaya’y may dalangin na mabigat na alam ng tao na Diyos lamang ang kayang gumawa.

Marami ang gumagawa nito sapagkat marami na din ang milagrong nangyari ata marami an din ang nagpatotoo nito.

Pero ang katotohanan ay hindi ang paghalik sa rebulto, hindi mag pagpunas ng panyo sa imahe, hindi ang pagsasayaw katulad ng sa obando, hindi ang paglalakad na pasan pasan ang mga imaheng ito ang tumupad ng kanilang dinadalangin, kundi ang pananampalataya nila sa Diyos, it is the faith that saves them, that heals them, that gave them what they asking for.

Kahit maglakad lka pa ng paluhod araw araw kung mahina ang iyong pananampalataya ay walang mangyayari sa iyong dalangin.

Matibay na pananalig, pananampalataya, ibigay ang buong tiwala at sundin ang kalooban ni Hesus, sureball darating ang iyong hinhiling. Proven and tested na yan. Tandaan sabayan mo ng paggawa ng mabuti ang paghiling kay Hesus.

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: