Sabado, Hulyo 2, 2022

July 2, 2022

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-13 Linggo sa Karaniwang Panahon
Sabado

Manalangin tayo sa ating Diyos Ama upang mailapit niya tayo sa kahalagahan ng Ebanghelyo at mapanibago ang Simbahan at ang sandaigdigan.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Panginoon ng hapag, basbasan Mo kami.

Ang Simbahan, ang sambayanan ng Diyos, at ang mga pinuno nito nawa’y makasunod sa bulong ng Espiritu Santo na ipahayag sa mga tao ng makabagong panahon ang walang kupas na lengguwahe ng Ebanghelyo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang ating puso nawa’y buksan natin sa makapangyarihang pagliligtas ng Diyos kay Kristo na higit na mas mahalaga kaysa sa pagsasagawa ng mga sinaunang relihiyosong gawain, manalangin tayo sa Panginoon.

Atin nawang mapagtanto na laging mangyayari ang himala ng pagbabago sa mga nagnanais na makamit ito sa tulong ni Kristo, manalangin tayo sa Panginoon.

Sa mga maysakit, tayo nawa’y maging mga daan ng kalinga ng Diyos sa ating pagpapadama sa kanila ng pag-ibig at malasakit, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumao nawa’y tumanggap ng walang hanggang kapahingahan sa piling ni Kristong Muling Nabuhay, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming nasa Langit, pakinggan mo ang aming mga panalangin at turuan mo kami ng pamamaraan upang mamuhay bilang iyong bagong bayan na pinalaya sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 2 comments… read them below or add one }

Reynald David Perez June 29, 2022 at 11:37 pm

PAGNINILAY: Lubos na ipinapagalala ni Hesus sa Ebanghelyo tungkol sa mga bagay na lilipas at mga bagay na mabubuhay kailanman. Tinanong ng mga Pariseo at mga alagad ni San Juan Bautista kung bakit hindi nag-aayuno sina Hesus at ang mga Apostol. Kaya ang naging tugon ng Panginoon ay isang parabula tungkol sa piging ng isang kasalan, na kung saan ang mga panauhin ay hindi nag-aayuno hanggang nakapiling nila ang lalaking ikinasal. At kapag nakaalis na ang lalaking iyon ay saka sila maaring mag-ayuno. Ang talinghagang ito ay patungkol sa presensiya ni Hesus bilang Mesiyas ng Diyos na siyang isinugo upang tipunin ang tao sa iisang Simbahan, ang Sambayanan ng Diyos. Kaya ipinapaalala sa atin na sa Panginoo’y nagmumula ng mga bagong bagay, mga bagay na kinakailangan natin talaga sa buhay at hindi kailanma’y lilipas. Kaya nawa’y mapanibago ang ating puso’t isipan na maging matapat sa Diyos at sa kanyang dakilang kalooban.

Reply

ruel arcega June 30, 2022 at 7:29 am

Ang Pag-aayuno ay isang paraan ng pagsisi at pagbabago ng buhay. Sila’y nag aayuno dahil gusto nila humingi nang kapatawaran sa kanilang nagawang kasalanan sa Diyos. Sila’y nagkasala sa Diyos. Kaya’y hindi nakita na ang mga taong nagtanong kay HEsus kung sino siya. Siya’y anak ng Diyos, kaya’t pagkasama mo na ang Diyos hindi na pag aayuno kailanga kung hindi ang ang pagbabagong buhay na. at paraan nang kasiyahan. Kaya’t kasunod nito’y sinabi ni Hesus na hindi na kailangan magtagpi sa bagong kayo dahil siya bago na at pag nagtagpi ng luma ito’y masasayang ;ang at puputol. Bagong kayo sa bagong balat. Nais ipahiwatig sa atin ni Hesus na ang ating pakikiisa kay Kristo ay nagdudulot sa atin na tayo ay binago na ni Hesus. At hindi na tayo dapat mabuhay pa sa lumang paguugali na makakasama sa atin bagong buhay. dahil kapag bumalik tayu sa dating pag uugali masisira uli ang takbo ng buhay natin.

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: