Linggo, Mayo 29, 2022

May 29, 2022

PANALANGIN NG BAYAN
Patnubay sa Misa

Ipinagugunita ng pag-akyat ng ating Panginoon na langit ang ating pangwakas na hantungan. Ipinaaalala rin nito ang ating tungkuling magsumikap na maitatag ang Kaharian ng Diyos sa lupa sa pamamagitan ng ating tapat na Kristiyanong pamumuhay. Sa ating kahinaan at mga kasalatan, manalangin tayo:

Panginoon, ikaw ang aming pag-asa!

Nawa tapat na magampanan ng Simbahan ang misyon niyang mag-akay sa sangkatauhan sa patuloy na moral at espirituwal na pagsulong. Manalangin tayo!

Nawa ang Santo Papa at lahat ng aming espirituwal na pinuno ay patuloy na maging mapagkukunan ng inspirasyon para sa amin sa paglalagak ng lahat ng aming pagtitiwala sa iyo. Manalangin tayo!

Nawa lahat ng nagkasalang mabigat ay maantig ng panawa- gang magbalik-loob at magsumi- kap sa mabubuting gawa. Manalangin tayo!

Nawa ang lahat ng nakarating sa ilalim ng kabuktutan ng tao ay makinig sa panawagan sa isang tapat na pagbabagong-loob at pagtitiyaga sa mabuting gawa. Manalangin tayo!

Nawa ang lahat ng kabahagi sa mundo ng komunikasyon ay maging tagapamalita ng Mabuting Balita ng Panginoon sa lahat. Manalangin tayo!

Nawa ang lahat ng paraan ng komunikasyong panlipunan sa ating bansa ay mabisang makapag-ambag sa paglikha ng isang bansang mas mapagmalasakit. Manalangin tayo!

Tahimik nating ipanalangin ang ating mga sariling kahilingan. (Tumigil sandali.) Manalangin tayo!

Panginoong Hesus, ituon mo ang aming mga puso sa “dakilang pag-asang” panawagan ng ating Ama. Pagsikapan nawa namin ang pagtataguyod dito sa lupa sa Kaharian ng katarungan, kapayapaan, at pagmamahalan kung saan ka nabubuhay at naghaharing walang hanggan. Amen!

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 6 comments… read them below or add one }

Belly p. gonzales May 8, 2016 at 1:18 pm

Isang Ilongga po ako at naging lecture po dito sa parokya namin, Malaking tulong po sa akin lalo na ang tamang pagbigkas ng mga salita. kaya Maraming salamat po sa bumubuo ng www. awitatpapuri. com GOD bless po

Reply

Reynald Perez May 27, 2019 at 11:40 am

Pagninilay: Ipinagdiriwang natin ngayong Linggo ang Dakilang Kapistahan ng Pag-akyat sa Langit ng Panginoon. Ang itinuturing na Ika-2 Misteryo ng Luwalhati sa Santo Rosaryo ay naganap 40 araw matapos ang Muling Pagkabuhay ng Panginoon. Makikita natin sa panunulat ni San Lucas sa Unang Pagbasa at Ebanghelyo na matapos muling mabuhay si Hesus at magpakita sa kanyang mga alagad ay nagpakilala siya at gumawa ng mga iilang kababalaghan sa loob ng 40 araw. Makikita natin dito na kahit patapos na ang kanyang misyon sa lupa, patuloy pa rin ang misyong ito upang ipalaganap sa buong mundo. Kaya ito ang pagkakataong isusugo niya ang mga Apostol upang ipahayag ang Mabuting Balita sa lahat ng mga bansa mula Jerusalem hanggang sa Palestina at Israel. At aabot din ang mensahe ng Diyos hanggang sa pinakahuling dako ng mundo. Ngayong Kapistahan ng Pag-akyat ay tinatawag ding Pandaigdigang Araw ng mga Komunikasyon. Ipinapanalangin ng Simbahan na ang bawat larangan ng media ay maging tapat sa pamamahayag ng totoong balita, at hindi magkalat ng “fake news” upang manira ng kapwa tao. Sa kabila ng mga balita ng kaguluhan, karahasan, kalungkutan, at hidwaan, patuloy pa rin ang pagpapalaganap ng Mabuting Balita. At kahit anumang mangyari sa ating buhay, magiging totoo ang pangako ni Hesus na sasamahan niya tayo hanggang sa katapusan ng panahon. Kaya ang kanyang maluwalhating pag-akyat ay tanda na gaya ng pagpunta ng Ulo patungo sa kanyang Kaharian, ang Katawang kumatawan sa atin ay susunod sa kanya upang makamtan ang lugar na pinaghandaan niya sa atin. Kaya nawa’y magkaroon tayo ng pag-asa na makakamit natin balang araw ang buhay na walang hanggan sa patuloy na pagiging saksi ng Mabuting Balita tungkol sa Paghahari ng Diyos sa ating pang-araw-araw na pamumuhay.

Reply

Reynald Perez May 19, 2022 at 6:32 pm

PAGNINILAY: Ipinagdiriwang natin ngayong Linggo ang Dakilang Kapistahan ng Pag-akyat sa Langit ng Panginoon. Ang itinuturing na Ika-2 Misteryo ng Luwalhati sa Santo Rosaryo ay naganap 40 araw matapos ang Muling Pagkabuhay ng Panginoon. Makikita natin sa panunulat ni San Lucas sa Unang Pagbasa at Ebanghelyo na matapos muling mabuhay si Hesus at magpakita sa kanyang mga alagad ay nagpakilala siya at gumawa ng mga iilang kababalaghan sa loob ng 40 araw. Makikita natin dito na kahit patapos na ang kanyang misyon sa lupa, patuloy pa rin ang misyong ito upang ipalaganap sa buong mundo. Kaya ito ang pagkakataong isusugo niya ang mga Apostol upang ipahayag ang Mabuting Balita sa lahat ng mga bansa mula Jerusalem hanggang sa Palestina at Israel. At aabot din ang mensahe ng Diyos hanggang sa pinakahuling dako ng mundo.

Ngayong Kapistahan ng Pag-akyat ay tinatawag ding Pandaigdigang Araw ng mga Komunikasyon. Ipinapanalangin ng Simbahan na ang bawat larangan ng media ay maging tapat sa pamamahayag ng totoong balita, at hindi magkalat ng “fake news” upang manira ng kapwa tao. Sa kabila ng mga balita ng kaguluhan, karahasan, kalungkutan, at hidwaan, patuloy pa rin ang pagpapalaganap ng Mabuting Balita. At kahit anumang mangyari sa ating buhay, magiging totoo ang pangako ni Hesus na sasamahan niya tayo hanggang sa katapusan ng panahon. Kaya ang kanyang maluwalhating pag-akyat ay tanda na gaya ng pagpunta ng Ulo patungo sa kanyang Kaharian, ang Katawang kumatawan sa atin ay susunod sa kanya upang makamtan ang lugar na pinaghandaan niya sa atin.

Kaya nawa’y magkaroon tayo ng pag-asa na makakamit natin balang araw ang buhay na walang hanggan sa patuloy na pagiging saksi ng Mabuting Balita tungkol sa Paghahari ng Diyos sa ating pang-araw-araw na pamumuhay.

Reply

Aira May 26, 2022 at 8:27 pm

Amen. Maraming salamat sa Diyos sa kanyang mabuting balita.

Reply

ruel arcega May 27, 2022 at 8:58 am

Ang Dakilang kapistahan ng Pag-ayat sa langit ni Hesus, ay may dalang dalawang kahulugan, una , pagbalik sa Ama, at ang ikalawa ay ang paghahari ni Hesus sa Langit at sa Lupa.
Pagbalik sa Ama, alam natin na ipinadala ng Ama si Hesus dito sa Lupa dahil sa isang misyon na iligtas tayo, at ibalik tayo uli sa Ama. At ang kayang pagbalik ay tunay na isinilarawan para sa atin na ang tunay nating tahanan ay sa piling na Ama. Tayo ay mula sa kanya at kapiling niya ngunit dahil kasalanan, tayo ay nailayo at lumayo tayo sa kanya dahil sa paggawa natin ng kasalanan. At ang Pag-akyat ni Hesus sa langit, at tanda na tayo ay muling makakauwi at makakabalik dahil sininulang ito ni Hesus na umakyat sa langit , dala ang kaluluwa at katawan. Napakaganda tingnan ang isang tagpo na muling pagsasama nila. Sabi hindi dito sa lupa dapat tayo nakatuon at laging mamalagi. Ang pagtingin natin kay Hesus habang umaakyat sa langit ay dapat din atin asamin araw- araw na muli tayo makabalik sa Ama at makapiling ang AMA.At ang ikalawal, ang paghahari niya bilang hari ng langit at lupa. na alam natin ito ay tinatawag nating dakilang kapistahan ng Kristong Hari. Pero sa tagpong ito ay ang malaking gantimpla ng Ama sa matagumpay na misyon na gawa ni Hesus ay ipinag-kaloob ng Ama sa kanya ng paghahari ng sanlibutan bilang malaking regao ng Ama kay Hesus dahil sa matagumpay niya pagsunod sa kalooban niya. At sinasabi na hindi pa tapos ang misyon ni Hesus sa halip ay pinalawak ang kanyang kapangyarihan dahil sa dakilang pagmamahal ng Ama kay Hesus. Kaya;t ito rin ay linggo ng pangdaigdigan araw nf kumunikasyon, Na nais ng simbahan na palawakin ang pagpapahayag ng atin nakitang katotohanan. Na misyon natin ipahayag sa buong mundo ang ating nakita at naranasang. katotohanan. Laganap ang mga fakenews, dahil bakit? Ang tao ay muling inililigaw ng kasalanan na huwag bumalik sa Ama. Kaya’t ang paghahari ni Hesus ay isang pagpapatuloy na maghari si Hesus sa buhay natin, upang makabalik tayo sa AMa. at gantipalaan tayo ng Ama sa ating pagsunod sa kanyang kalooban, Ang ginagawa ng fakenews tayo ay inilalayo sa Diyos, at ang ginagawa nating pagsabuhay ng pananampalataya ay ang pinakamabisang pagpapahayag ng dakilang araw ng kumunikasyon. “To live with God is to live with truth it is the besy means of communication.” dahil ito ay ipinakita ni Hesus sa atig bakit siya nagtagumpay at nakabalik sa Ama..

Reply

barnabitiroma May 29, 2022 at 5:50 am

Thank you for a very inspiring reflections. Godbless all of you who manage this wonderful and very informative website.

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: