Linggo, Mayo 22, 2022

May 22, 2022

PANALANGIN NG BAYAN
Patnubay sa Misa

Nananalig na ang kapayapaan ay kaloob ng Diyos at bunga ng pagsisikap ng tao, idalangin natin ang mahalagang kaloob na ito:

Panginoong Hesus, ipagkaloob mo sa amin ang iyong kapayapaan!

Para sa Simbahan, ang Katawan ni Kristo: Nawa maging daan siya ng pakikipagkasundo at pakikipagtulungan ng mga tao. Manalangin tayo!

Para sa Santo Papa, mga obispo, at pari: Nawa sila ang maging kinatawan ng pagmamahal ni Kristo sa ating mundong nababalot ng pagkamakasarili at kawalang-malasakit. Manalangin tayo!

Para sa mga bansang nahaharap sa digmaan: Nawa maisip ng mga pinuno nila ang kawalang- saysay ng labanan at magsimula ng tapat na pakikipag-ayos para sa ikabubuti ng lahat. Manalangin tayo!

Para sa mga mag-anak na pinaglalayo ng inggitan at iringan: Nawa maunawaan nilang tanging pagpapatawaran ang makapagbabalik ng mahalagang kapayapaan. Manalangin tayo!

Para sa bawat isa sa atin at sa mga mahal natin sa buhay: Nawa, tulad ni San Francisco ng Assisi, tayo’y maging kasangkapan ng kapayapaan ni Kristo habang nagsisikap tayong magsabuhay ng Ebanghelyo. Manalangin tayo!

Tahimik nating ipanalangin ang ating mga sariling kahilingan. (Tumigil sandali.) Manalangin tayo!

Panginoong Hesus, ipaunawa mo sa amin na sa pagtalima sa iyong salita, kami’y magiging kasangkapan ng iyong kapayapaan sa mundo at sa gayo’y magmana ng Kaharian ng Kapayapaan kung saan ka nabubuhay at naghahari nang walang hanggan. Amen!

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 7 comments… read them below or add one }

Mark Jefferson Criste April 24, 2022 at 6:50 pm

Salamat sa Diyos!

Reply

Reynald Perez May 13, 2022 at 6:14 am

Pagninilay: Ngayong Ika-6 na Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay, habang tayo’y papalapit sa mga Dakilang Kapisatahan ng Pag-akyat ng Panginoon sa Langit at Linggo ng Pentekostes, ipinaalala ni Hesus sa ating Ebanghelyo (Juan 14:23-29) ang kanyang mga tagubilin na kailanman hindi niya tayo pababayaan sa takot, dilim, at kasamaan kahit wala na siya sa lupa.

Tatlong mahalagang bagay ang gusto niyang ibilin sa atin:
1.) PAGIGING MATAPAT SA KANYANG SALITA. Siya na mismo ang nagsabi na sinunmang nais magamahal sa kanya ay dapat maging tapat sa kanyang mga utos at turo. At ang pagsusunod at pagmamahal sa kanya ay pagsusunod at pagmamahal din sa Diyos Ama at ang kanyang kalooban dahil si Kristo bilang Anak ng Diyos ay hindi lang tao, kundi may likas din ng pagka-Diyos.

2.) ANG PANGAKO NG ESPIRITU SANTO. Ang Espiritu Santo ay ang Ikatlong Persona sa Banal na Santatlo. Siya ang nagsisilbing Patnubay sa atin upang maintindihan, maunawaan, at maisabuhay natin ang mga aral ni Kristo. At ang mga aral na ito ay nagmula sa kalooban ng Ama.

3.) ANG KAGALAKAN AT KAPAYAPAAN NI KRISTO. Nalulungkot ang mga Apostol dahil aalis si Hesus sa kanilang mga piling. Ngunit ibinigay niya sa ating lahat ang kapayapaan at ipinangako niya ang kagalakan sa kanyang Muling Pagbalik sa Parousia (Ikalawang Pagdating). At habang tayo’y namumuhay sa mundong ito, kailangan nating sumampalataya sa kanya at isabuhay ito sa ating araw-araw na pamumuhay.

Sa ating paglakbay sa daan ng Pasko ng Muling Pagkabuhay, nawa’y mapuspos tayo ng Espiritu Santo upang tayo’y gabayan sa pagiging mapagmahal at matapat sa Diyos at sa kanyang Anak na si Hesukristo hanggang sa ating kamatayan.

Reply

ruel arcega May 18, 2022 at 7:00 am

Tayo ay nasa huling linggo ng Pasko ng Pagkabuhay at ating ipagdidiwang ang Pag-akyat ni Hesus sa langit. Kaya’t ang huling linggo po ito ay muling pinaala sa atin ni Hesus ang mga huling habilin niya sa atin sa kanyang pag-akyat sa langit. At ito ay ang makasama niya ang Ama muli at mga taong banal na kayang nilinis at naging mabuti. Dalawang paalala ang ibinigay muli ni Hesus ang Ang Umiibig sa akin ay sumusunod sa kanyang mga Salita. At ang pagbaba ng Espiritu Santo na siyang gagabay sa atin. At ito’y magkaugnay. Kaya’t ang ating mga ebanghelo ito mga nakaraan araw ay patungkol sa Puno ng Ubas at mga sanga.. Dahil ang tunay na umiibig sa Diyos ay dapat ay nakikinig sa kanynag salita at tinutupad ito Ang ginawa gawa niya ay mula sa pagtupad sa Salita ng Diyos, ang ginawa niyang pag-ibig ay dahil sa pagtupad niya sa narinig niya mula sa salita ng Diyos, upang manatili tayong nakaugnay sa puno ng Ubas , kay Hesus, At ang gampanin ng Espiritu Santo ay patnubay natin upang tulungan tayo ay matupad natin ;lubusan ang umibig. Dahil ito rin ang dahilan na siya mag-uugnay sa kanya para maging banal ang ating pag-ibig.

Reply

Daisy Esplana May 22, 2022 at 6:14 am

Pinupuri ka namin Panginoon Hesuskristo.Amen.

Reply

Marian Uy May 22, 2022 at 8:28 am

Salamat sa Diyos at Pinuputi ka namin Panginoon Hesukisto.

Reply

Marian Uy May 22, 2022 at 8:29 am

*Pinupuri

Reply

Jane Mendoza May 22, 2022 at 4:38 pm

Pipuri ka namin Panginoong Hesukristo. Salamat sa Diyos.

Salamat po sa patuloy na pagpapahayag ng Salita ng Diyos. Pagpalain nawa ng kayo Panginoon Diyos.

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: