Huwebes, Mayo 12, 2022

May 12, 2022

PANALANGIN NG BAYAN
Ikaapat na Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay
Huwebes

Habang nagkakatipon tayo ngayon bilang isang bayang nangangailangan, manalangin tayo nang may pusong nagpapakumbaba sa Diyos Ama taglay ang pagtitiwala sa kanyang dakilang habag.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Ama, pagpalain Mo kami kay Kristo.

Ang mga namumuno sa Simbahan nawa’y panatilihing buhay ang kanilang pagtatalaga ng sarili sa pangangaral ng Ebanghelyo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga pinagkatiwalaan ng pamumuno nawa’y mag-akay at maging gabay ng mga tao sa diwa ng paglilingkod, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga tumalikod sa kanilang pananampalataya nawa’y mahikayat pabalik sa pamilya ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga pinanghihinaan ng loob dahil sa pagdarahop at karamdaman nawa’y makatagpo ng lakas at ginhawa mula kay Jesus na nagtagumpay sa kasalanan at kamatayan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga namayapang tapat sa Panginoon nawa’y makatanggap ng kanilang walang katapusang gantimpala, manalangin tayo sa Panginoon.

Amang makapangyarihan, tinawag mo kami upang makasama mo. Maging tapat nawa kami sa pagsunod sa iyong Anak sa daan patungo sa iyong Kaharian. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristo na aming Panginoon. Amen.

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 4 comments… read them below or add one }

Mark Jefferson Criste April 24, 2022 at 6:31 pm

Salamat sa Diyos!

Reply

Reynald Perez May 12, 2022 at 3:31 am

PAGNINILAY: Ang tagpuan ng ating mga Ebanghelyo simula ngayon hanggang sa mga susunod na araw ay base sa lugar kung saan naghapunan ang Panginoon kasama ang kanyang mga Apostol. Ito’y isang paghahanda bilang sa ating pagdiriwang ng ika-40 na Araw ng Pagkabuhay ni Kristo: ang Dakilang Kapistahan ng kanyang Pag-akyat sa Langit.

Tanyag sa Ebanghelyo ni San Juan ang mga diskurso ni Hesus sa Huling Hapunan. Nagsimula ito sa pahayag ng Panginoon tungkol sa paglilingkod. Matatandaan natin na bago itong kwento natin ngayon, hinugasan ni Hesus ang paa ng 12 Apostol, at hindi pa nila naunawaan noon ang ginagawa niya. Matapos silang hugasan, ipinaliwanag ng Panginoon na ginawa niya iyon sapagkat siya’y tinatawag nilang Panginoon at Guro ay naglilingkod sa kanila. Ganun rin ang dapat trato nila sa paghuhugas ng paa at higit pa diyan ay ang paglilingkod sa kapwa. Nagbigay ang Panginoon ng larawan ng alipin at panginoon, pati ang sugo at ang nagsugo. Sinasabi rito na hindi dakila ang ikalawa doon sa nauuna. Pero hindi rin ito nangangahulugang yung nauuna ay palaging dapat namumuno doon sa ikalawa. Sapagkat ang nais puntuhin ni Hesus ay kung paano nating tinatrato ang isa’t isa. Sa mata ng makapangyarihan at maimpluwensiyang mundo, ang mga mayayaman at marangya ay tinuturing na pag-asa ng isang lipunan. Samantala ang mga mahihirap naman ay magkakaroon lang daw ng “may kwenta” kung ito’y magsisikap sa pagtratrabaho. Subalit hindi ito ang tingin ng Panginoon sa tao, na parang may kinikilingan. Kaya binalaan na niya ang mga Apostol na hindi silang lahat ay makikinig sa kanyang mga salita, sapagkat alam na niya ang isa sa kanilang samahan ay ipagkakanulo siya [Hudas Escariote]. Ngunit ang 11 Apostol na hinirang ni Kristo ay may inihahandang misyon para sa kinabukasan.

Kaya nang maganap ang Kamatayan sa Krus, Muling Pagkabuhay, at Pag-akyat ni Hesus, ito yung nagpapatibay sa kanilang pagbibigay-saksi sa Panginoon. At nang bumaba nga ang Espiritu Santo sa kanila sa pamamagitan ng dilang apoy, nagkaroon sila ng lakas at katatagan na ipahayag ang Mabuting Balita. At noong panahong iyon, ang pinakabagong Apostol sa kanilang samahan ay walang iba kundi si San Pablo. Narinig natin sa Unang Pagbasa kung paanong ipinahayag ni San Pablo sa mga Israelita tungkol sa katuparan ng kaligtasan ng Diyos. Malakas ang kanyang kalooban na ipahayag na si Kristong namatay at muling nabuhay ay tunay ngang Panginoon na namamagitan sa tao tungo sa mabubuting relasyon kasama ang Ama. At ang nangyari kina Haring David at San Juan Bautista ay isang paghahanda sa pagtanggap ng mundo kay Hesus bilang Panginoon, Tagapagligtas, at Hari ng sanlibutan. Kaya makikita natin ang naging buhay ng mga Apostol na naglalakbay sa bawat lungsod, nayon, at probinsya upang ipahayag ang Mabuting Balita ng ating Panginoong Hesukristo. Bagamat wala na si Hesus sa kanilang tabi, alam nila na siya nga ay tunay na nabuhay na mag-uli upang ang tao ay balang araw makamtan ang buhay na walang hanggan. Ang kanilang mga kababalaghan at mabubuting gawain ay isang tanda ng pagsunod sa yapak ng Panginoon ukol sa pagmamahal at paglilingkod.

Kaya itong ministeryo ng mga Apostol ay ipinamana sa Simbahan upang patuloy na paglingkuran ng Santo Papa, mga Obispo, Pari, Diyakono, relihiyoso, at namamanta ang mabubuting halimbawa ni Kristo tungo sa atin, na kabilang sa mga Laiko. At ang Laiko ay inaatasan rin ng Panginoon na patuloy na magmahal at maglingkod sa kapwa. Buong puso nating isabuhay ang mga utos at gawain ni Kristo para ang lahat ay makadama ng pag-ibig ng ating Diyos Ama.

Reply

ruel arcega May 12, 2022 at 7:19 am

Ang Ebanghelyo ay nagpapaalala sa ating na ang tugkulin natin bilang taga-sunod ni Kristo. Ang ginawa ni Hesus na hinugasan niya ang paa nila, ay isang pagsasalarawan ng isang alipin ay dapat maglingkod. Na ipinakita ni Hesus. Ang paglilingkuran niya nang walang itinatangi . Dahil ang paglilingkod na ginawa ni Hesus ay may pagmamahal na tunay na kahit alam niya na ang isang hinugasan niya ay magkakanulo. o isa magtataksil. Pero dahil sa pagsunod niya sa Ama nang may pagmamahal ay susunod siya dahil siya’y isang alipin ng Ama na siyang kanyang ipinahayag at ginawa sa atin. Dahil ang isang alipin ay susunod lamang sa utos ng kanyang panginoon. kaya sabi ni ang alipin ay hindi dakila sa kanyang Panginoon. Naibig sabihin at unawain natin, na nag tungkulin ng alipin ay gagawin niya ang ipinaguutos sa kanyang ng kanyang panginoon, hindi ang gusto nag alipin ang dapay gawin. Meron ba kayong nakita na ang Amo ang naglilionis at pinalilinkuran ang kasambahay. Wala. At ito’y dapat nating tularan. Dahil tayo ay alipin ng atin Panginoon at sinusunod lang natin siya. Kaya’t magandang suriin ang ating paglilingkod sa Diyos ang ating pagsunod sa Diyos. Ito ba’y katulad ng kanyang ginawa, na minsan naitatanong natin makatarungan pang paglingkuran ang isang taong alam mo na kaaway mo, anu ang dapay kong gawin kung ang tayo gumawa sa iyo ng masama ay paglingkuran mo , ang sagot , OO dahil iyan ang sabi ni Hesus, lalo na sa simbahan. Minsan mahirap sa aming mga pari pagdumadating ito, minsan may nag kwentong sa akin na pari alam padre, masakit pala. nang minsan nang nagbibigay ako ng kumonyon , pumila sa akin isang parishoner ko na alam ko siya ang nagkakalat n
ng chisimis sa akin, at kaaway nang mga aking parishoner, hindi ko alam ko dapat ko bang bigyan ang komunyon. pero naalala ko na pari pa ala at hindi ako ruel at biniyan ko pa rin, nahindi ko siya matingnan. pero pagkatapos noon napakahirap. sakit. Sabi ko lang kay kay Lord patawad. alisin mo ang kasalan ko. Pero alam ninyo iyon ang tawag doon ay kabanalan.

Reply

Ferdy Baetiong Pariño May 12, 2022 at 9:22 am

Ang puntonng ebanghelyo ngayon ay ang paglilingkod.

Napapanahon ang ebanghelyo ngayon sapagkat katatapos lamang ng halalan aa ating bansa at may mga bago tayong pinuno simula Presidente hanggang sa lokal na posisyon. Ipanalangin natin na ang mga bagong upong mga pinuno ng ating lugar na kinasasakupan at ng bansa ay maglingkod. Ipanalangin natin na hindi sila masilaw aa salapi. Ipnalangain natin hindi sila lamunin ng kapangyarihan. Ipnalangin natin sila ay maglingkod at hindi paglingkuran

Sa atin nmang mga mamamayan, isipin din natin kung pano tayo makakatulong sa bansa at hindi lng ang sarili natin. Mag move on tayo kung natalo ang ating napiling kandidato, huwag tayong maging sanhi ng kaguluhan. At sumunod tayo sa batas at sundin natin ang kalooban ni Hesus.

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: