Podcast: Download (Duration: 6:47 — 4.8MB)
Miyerkules sa Ika-2 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay
Mga Gawa 5, 17-26
Salmo 33, 2-3. 4-5. 6-7. 8-9
Dukhang sa D’yos tumatawag
ay kanyang inililigtas.
Juan 3, 16-21
Subscribe to Awit at Papuri Communications YouTube Channel
Wednesday of the Second Week of Easter (White)
UNANG PAGBASA
Mga Gawa 5, 17-26
Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Mga Apostol
Noong mga araw na iyon, inggit na inggit ang pinakapunong saserdote at ang mga kasamahan niya na kaanib na sekta ng mga Saduseo, kaya’t kumilos sila. Dinakip nila ang mga apostol at ibinilanggo. Ngunit kinagabiha’y binuksan ng anghel ng Panginoon ang bilangguan at inilabas ang mga apostol. Sinabi nito sa kanila, “Pumaroon kayo sa templo at mangaral tungkol sa bagong pamumuhay na ito.”
Sumunod naman ang mga apostol, kaya’t nang magbubukang-liwayway, pumasok sila sa templo at nagturo.
Nang dumating ang pinakapunong saserdote at ang mga kasama niya, tinawag nila ang lahat ng matatanda ng Israel sa pulong ng buong Sanedrin. Ipinakuha nila sa bilangguan ang mga apostol. Ngunit pagdating doon ng mga bantay, wala na ang mga iyon. Kaya’t nagbalik sila sa Sanedrin at ganito ang ulat: “Nakita po namin na nakasusing mabuti ang bilangguan at nakatayo ang mga bantay. Ngunit nang buksan namin, wala kaming nakitang tao sa loob!” Nabahala ang mga punong saserdote at ang kapitan ng mga bantay sa templo nang marinig ito, at di nila maubos-maisip kung ano ang nangyari sa mga apostol. Ngunit may dumating at nagbalita sa kanila, “Ang mga lalaking ikinulong ninyo ay naroon sa templo’t nagtuturo sa mga tao.” Kaya’t ang kapitan ay pumunta sa templo, kasama ang kanyang mga tauhan. Isinama nila ang mga apostol, ngunit hindi gumagamit ng dahas dahil sa pangambang sila’y batuhin ng mga tao.
Ang Salita ng Diyos.
SALMONG TUGUNAN
Salmo 33, 2-3. 4-5. 6-7. 8-9
Dukhang sa D’yos tumatawag
ay kanyang inililigtas.
o kaya: Aleluya!
Panginoo’y aking laging pupurihin;
sa pasasalamat di ako titigil.
Aking pupurihin kanyang mga gawa,
kayong naaapi, makinig, matuwa!
Dukhang sa D’yos tumatawag
ay kanyang inililigtas.
Ang pagkadakila niya ay ihayag
at ang ngalan niya’y purihin ng lahat!
Ang aking dalangi’y dininig ng Diyos,
nawala sa akin ang lahat kong takot.
Dukhang sa D’yos tumatawag
ay kanyang inililigtas.
Nagalak ang aping umasa sa kanya,
pagkat di nabigo ang pag-asa nila.
Tumatawag sa Diyos ang walang pag-asa,
sila’y iniligtas sa hirap at dusa.
Dukhang sa D’yos tumatawag
ay kanyang inililigtas.
Anghel yaong bantay sa may takot sa Diyos,
sa mga panganib, sila’y kinukupkop.
Ang galing ng Poon hanaping masikap;
yaong nagtiwala sa kanya’y naligtas
ay maituturing na taong mapalad.
Dukhang sa D’yos tumatawag
ay kanyang inililigtas.
ALELUYA
Juan 3, 16
Aleluya! Aleluya!
Kaylaki ng pagmamahal
ng Diyos sa sanlibutan
kaya’t Anak n’ya’y ‘binigay.
Aleluya! Aleluya!
MABUTING BALITA
Juan 3, 16-21
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan
Gayun na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan, kaya ibinigay niya ang kanyang bugtong na Anak, upang ang sumampalataya sa kanya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan. Sapagkat sinugo ng Diyos ang kanyang Anak, hindi upang hatulang maparusahan ang sanlibutan, kundi upang iligtas ito sa pamamagitan niya.
Hindi hinahatulang maparusahan ang nananampalataya sa bugtong na Anak ng Diyos; ngunit hinatulan nang parusahan ang hindi nananampalataya sa kanya. Hinatulan sila sapagkat naparito sa sanlibutan ang ilaw, ngunit inibig pa ng mga tao ang dilim kaysa liwanag, sapagkat masama ang kanilang mga gawa. Ang gumagawa ng masama ay ayaw sa ilaw, at hindi lumalapit dito upang hindi mahayag ang kanyang mga gawa. Ngunit ang namumuhay sa katotohanan ay lumalapit sa ilaw; sa gayun, nahahayag na ang kanyang mga ginagawa’y pagsunod sa Diyos.
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
Pages: 1 2
« Martes, Abril 26, 2022
Huwebes, Abril 28, 2022 »
{ 5 comments… read them below or add one }
Salamat sa Diyos!
REFLECTION: The Seasons of Lent and Easter can be summarized with our Gospel for today (John 3:16-21), at which part of it is our most favorite Biblical verse (Cf. John 3:16). During Lent, we prepared ourselves for forty days with sacrifice, penance, and charity for the celebration of the Paschal Mystery of our Lord Jesus Christ (Passion, Death, and Resurrection) on Holy Week and Easter Time. At the River Jordan, God revealed Jesus to be his beloved Son, in whom favor rests upon him. Filled with the Holy Spirit, Christ fasted for forty days and forty nights in a desert in Jericho and was tempted by the Devil, Satan himself. But he stood firm in times of this struggle and succumbed to the will of the Father.
This event prepared him for his Public Ministry and greatest act. And as we reach Holy Week, we deepen our faith in the Lord as we commemorate his ultimate sacrifice for our salvation through the Celebration of the Sacred Paschal Triduum. We tried to understand the importance and impact of Christ’s Suffering and Death on the Cross. Finally, from the Vigil of Holy Saturday night until this coming Pentecost Sunday, we continue to relish with joy Easter Time, that is to say, the Resurrection of Jesus from the dead. Through Christ’s Resurrection, he has defeated the power of sin and death; thus, giving us new life, new hope, new birth, and new living faith.
So my dear brothers and sisters, the three sacred periods mentioned and the whole Liturgical Calendar symbolizes God’s love for us, which is fulfilled in Jesus Christ. Yes, God loved the world, even though it was sinful, unfaithful, and disobedient, because his great plan was sending his Only Begotten Son. Although Jesus has already left the largest legacy, there are still some who choose to live in sin. That is why the Evangelist Saint John the Beloved said that whoever believes in the Son will be saved and not condemned, and whoever does not believe will be judged and condemned. And he mentioned the symbolisms of light and darkness. Light is when we have good and faithful lives because of our good works, while darkness is when we have evil and unruly lives because of our sins.
As we journey down this Easter road, let us put our faith in God and his Son, Jesus Christ, by living the commandments, doctrines, devotions, etc. through word and action.
Let us reflect meditatively on this Inspirational Song:
?For God so loved the world,
He gave us His Only Son,
Jesus Christ, our Savior,
His Most Precious One.
He has sent us His message of love
and sends those who hear,
to bring the message of everyone
in a voice loud and clear.
Let us tell the world of His love,
the greatest love the world has known.
Search the world for those who have walked astray
and lead them home.
Fill the world’s darkest corners
with His light from up above.
Walk ev’ry step, ev’ry mile, ev’ry road
and tell the world, tell the world of His love.?
Salamat sa Diyos. Amen. Aleluya
Ano ang hamon at aral sa atin ng mga pagbasa ngayon?
Sa Unang Pagbasa ay kapag tayo ay sumusunod sa kalooban ng Diyos ay panig sa atin ang Diyos at sya ang gagawa ng mga paraan na sa akala mo ay mahirap o imposible ng mangyari. Katulad ng ginawa ng Diyos sa dalawang apostol na naklabas ng kulungan kahit ito ay nakapinid. Sa kasalakuyang buhay natin, kung ikaw ay may hinihiling ay kailangan mong sumampalataya at sumunod sa klooban ng Diyos at magugulat ka na lamang na darating ang iyong dalangin ng hindi mo inaasahan.
Ang ating ebanghelyo naman na aral ay tungkol sa pananampalataya. Ang sumasampalataya sa Diyos ay hindi huhusgahan at magkakaroon ng buhay na walang hanggan.
Pero hindi porket naniniwala ka na may Diyos ay ibig sabihi’y sumasampalataya ka na. Kung sumasapampalataya ka kay Hesus dapt ay nakikita ito sayo. Hindi mo pwedeng sabihinh sumasampalataya ka kay Hesus pero tsismosa ka, mandaraya ka, nakikiapid ka, nangangalunya, ganid sa pera, madamot, mapagmataas, mayabang, bastos, palamura, pala-away, naninirang puri, inggitero at hindi marunong magpatawad ng kapatid o kaaway.
Sumampalataya ka, upang tayo ay pakinggan din ng Diyos, magsisi, humingi ng tawad at magsikap na hanapin ang ilaw at talikuran na ang kasamaan.
PINUPURI KA NAMIN PANGINOON JESUS KRISTO ALLELUIA!