Linggo, Marso 13, 2022

March 13, 2022

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-2 Linggo ng Kuwaresma
Patnubay sa Misa

Sa paggunita natin sa pagbabagong-anyo ni Hesus at sa pagpapanibagong-sigla ng ating pangakong makinig sa kanya, pakumbaba nating idulog ang ating mga kahilingan at manalanging:

Anak ng Diyos, dinggin mo kami!

Para sa Simbahan, ang tahanan ng lahat ng sumasampalataya: Nawa liwanagan niya ang sangkatauhan sa pamamagitan ng kabanalan ng kanyang mga kasapi. Manalangin tayo!

Para sa Santo Papa at lahat ng ating mga pinuno: Nawa matagpuan nila sa Pagbabagong-anyo ni Hesus ang lakas na kailangan nila upang magpunyagi sa kanilang mabuting gawa. Manalangin tayo!

Para sa mga walang pagpapahalaga sa panalangin: Nawa maging pampalakas-loob sa kanila ang halimbawa ni Hesus upang masuyo nilang itaas ang kanilang isipan sa Diyos. Manalangin tayo!

Para sa mga umaasal bilang “mga kaaway ng krus ni Kristo”: Nawa mapagtanto nila ang kanilang pagkakamali at sa halip ay tularan si Hesus. Manalangin tayo!

Para sa ating lahat: Nawa buong-tapang nating labanan ang “kultura ng kamatayan” na nagbabanta sa ating bayan at itaguyod ang “kultura ng buhay at pag-ibig.” Manalangin tayo!

Tahimik nating idulog ang mga sarili nating kahilingan. (Tumahimik sandali.) Manalangin tayo!

Panginoong Hesus, sa Bundok ng Tabor ipinakita mo ang kaningningan ng iyong dakilang kabanalan at pinuspos mo ng kagalakan ang iyong mga disipulo. Ipamalas mo sa amin ang iyong sarili sa pagdiriwang ng Eukaristiyang ito at puspusin mo kami ng iyong kapayapaan upang tapat kaming makapaglingkod sa iyo sa lahat ng araw ng aming buhay. Amen!

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 4 comments… read them below or add one }

Reynald Perez March 11, 2019 at 11:22 am

Pagninilay: Mapapansin po natin na tuwing Ika-2 Linggo ng Kuwaresma, ang Ebanghelyo sa araw na ito ay palagi tungkol sa Pagbabagong-Anyo ni Hesus sa Bundok ng Tabor. Makikita po natin ang isang “paradigm shift” mula noong si Hesus ay tinukso ng Diyablo sa disyerto subalit lumabas na tagumpay. Ang kanyang Pagbabagong-Anyo naman ay isang maluwalhating pangyayari na ang Anak ng Diyos bagamat may mataas na kalagayan ay naging masunurin sa dakilang kalooban ng Diyos Ama. Nakita si Hesus ng tatlong alagad na nangungusap kina Moises at Elias. Si Moises ay sumasagisag sa Kautusan, habang si Elias ay sumasagisag sa mga Propeta. Kaya ang kanilang presensiya sa Bundok ng Tabor ay nagpapatunay na si Hesukristo ay ang katuparan ng Kautusan at mga Propeta. At makikita na ang katuparang ito ay mangyayari sa magaganap kay Hesus na ating ipagdiwang sa Semana Santa: ang kanyang Pagpapakasakit, Pagkamatay, at Muling Pagkabuhay na itinuturing na “bagong exodus”. Kaya ang pagkasalaysay nito ni San Lucas ay nagpapahayag na ang kaligtasan ng Diyos ay para sa lahat ng tao. Nakatulala ang 3 Apostol sapagkat hindi nila naunawaan ang nangyayari, kaya’t hiniling ni Pedro na gumawa sila ng tatlong tolda para kina Hesus, Moises, at Elias. At dito’y makikita natin ang pagpapalibot ng isang ulap sa bundok at ang tinig ng Ama’y nagpapahayag na si Kristo ay ang kanyang kinalulugdang Anak. Kaya makikita natin sa Pagbabagong-Anyo ang presensiya ng pagmamahal ng Diyos sa pamamagitan ng Banal na Santatlo: Ang Ama ang lumikha ng mabuting bagay, ang Anak ang nagligtas mula sa ating mga kasalanan, at ang Espiritu ang patuloy na nagpapahiwaga ng mensahe ng pag-ibig sa atin. Makikita natin dito na tunay ngang natutupad ang pangako ng Diyos na kaligtasan sa pamamagitan ng pagiging masunurin ni Kristo sa dakilang kalooban. At ipinapakita sa atin ang kahalagahan ng pagiging masunurin sa kalooban ng Panginoon, lalung-lalo na sa patuloy na pakikinig sa kanyang Anak sa pagsasabuhay natin sa Banal na Salita. At ang maluwalhating pangyayaring ito ay isang magandang paalala na ayon nga kay San Pablo sa Ikalawang Pagbasa, ang ating pagiging mamamayan ay walang hangganan sa kalangitan kahit lahat po tayo ay papanaw balang araw sa daigdig na ito. Kaya ang hamon dito ay maging matapat sa plano at kalooban ng Diyos katulad ni Abraham sa Unang Pagbasa, upang mas biyayaan pa tayo at tumulad ang ating mga susunod na henerasyon. Sa gayon natin magagawa ang tunay na pagbabago mula sa ating mga puso’t isipan hanggang makamit natin ang kaligayahan ng buhay na walang hanggan sa langit.

Reply

Reynald Perez March 4, 2022 at 12:06 pm

PAGNINILAY: Mapapansin po natin na tuwing Ika-2 Linggo ng Kuwaresma, ang Ebanghelyo sa araw na ito ay palagi tungkol sa Pagbabagong-Anyo ni Hesus sa Bundok ng Tabor. Makikita po natin ang isang “paradigm shift” mula noong si Hesus ay tinukso ng Diyablo sa disyerto subalit lumabas na tagumpay. Ang kanyang Pagbabagong-Anyo naman ay isang maluwalhating pangyayari na ang Anak ng Diyos bagamat may mataas na kalagayan ay naging masunurin sa dakilang kalooban ng Diyos Ama. Nakita si Hesus ng tatlong alagad na nangungusap kina Moises at Elias. Si Moises ay sumasagisag sa Kautusan, habang si Elias ay sumasagisag sa mga Propeta. Kaya ang kanilang presensiya sa Bundok ng Tabor ay nagpapatunay na si Hesukristo ay ang katuparan ng Kautusan at mga Propeta. At makikita na ang katuparang ito ay mangyayari sa magaganap kay Hesus na ating ipagdiwang sa Semana Santa: ang kanyang Pagpapakasakit, Pagkamatay, at Muling Pagkabuhay na itinuturing na “bagong exodus”. Kaya ang pagkasalaysay nito ni San Lucas ay nagpapahayag na ang kaligtasan ng Diyos ay para sa lahat ng tao. Nakatulala ang 3 Apostol sapagkat hindi nila naunawaan ang nangyayari, kaya’t hiniling ni Pedro na gumawa sila ng tatlong tolda para kina Hesus, Moises, at Elias. At dito’y makikita natin ang pagpapalibot ng isang ulap sa bundok at ang tinig ng Ama’y nagpapahayag na si Kristo ay ang kanyang kinalulugdang Anak. Kaya makikita natin sa Pagbabagong-Anyo ang presensiya ng pagmamahal ng Diyos sa pamamagitan ng Banal na Santatlo: Ang Ama ang lumikha ng mabuting bagay, ang Anak ang nagligtas mula sa ating mga kasalanan, at ang Espiritu ang patuloy na nagpapahiwaga ng mensahe ng pag-ibig sa atin.

Makikita natin dito na tunay ngang natutupad ang pangako ng Diyos na kaligtasan sa pamamagitan ng pagiging masunurin ni Kristo sa dakilang kalooban. At ipinapakita sa atin ang kahalagahan ng pagiging masunurin sa kalooban ng Panginoon, lalung-lalo na sa patuloy na pakikinig sa kanyang Anak sa pagsasabuhay natin sa Banal na Salita. At ang maluwalhating pangyayaring ito ay isang magandang paalala na ayon nga kay San Pablo sa Ikalawang Pagbasa, ang ating pagiging mamamayan ay walang hangganan sa kalangitan kahit lahat po tayo ay papanaw balang araw sa daigdig na ito. Kaya ang hamon dito ay maging matapat sa plano at kalooban ng Diyos katulad ni Abraham sa Unang Pagbasa, upang mas biyayaan pa tayo at tumulad ang ating mga susunod na henerasyon. Sa gayon natin magagawa ang tunay na pagbabago mula sa ating mga puso’t isipan hanggang makamit natin ang kaligayahan ng buhay na walang hanggan sa langit.

Reply

ruel arcega March 9, 2022 at 10:47 am

Ang Ebanghelo sa ikalawang linggo ng kuwaresma, ay tungkol sa pagbabagong anyo ni Hesus. Ngunit at nais ipahayag ng tema dito ay ang pabgagagong anyo ni Hesus na kalakip ay ang kanyang pagdurusa, at kamatayan. Dadaan ni Hesus bilang tao nag kamatayan. Ngunit ito ay tinggap ni Hesus dahil ang bunga naman nito ay buhay na walang hanggan ng Tao at kaligtasan. Salamat Hesus sa iyong pagdurusa para sa amin. Salamat sa mga taong nagsasakripisyo para sa kapakanan ng iba. At gayun di mag sakripisyo tayo sa ikakabuti ng iba.

Reply

Ferdy Baetiong Pariño March 13, 2022 at 10:01 am

Mga aral at hamon ng mga pagbasa ngayon:

Unang Pagbasa: Tapat ang Panginoon sa kanyang mga pangako. Umasa tayo dito kasabay ng pagsunod sa kalooban ng Ama. Katulad ng pagtalima ni Abram sa kautusan ng Diyos ang kapalit ay katuparan ng pangako at nag uumapaw na biyaya.

Pangalawang Pagbasa: Magpkatatag kayo sa inyong pamumuhay na kaugnay ng Panginoon. Mamuhay na tayo na bitbit palagian ang mga Salita ng Diyos, ang mga Mabuting Balita at ang mga kautusan. Sa ganitong paraan ng pamumuhay ay kailanman ay hindi tayo maliligaw. Walang pangamba at kalungkutan sapagkat alam nating kakampi natin ang Diyos.

Ebanghelyo: Ang pagbabagong anyo ni Hesus ay paanyaya sa ating ng pagbabagong anyo din natin. Pagababago tungo sa kabutihan. Pagsisi sa nagawang kasalanan, paghingi ng kapatawaran sa mga pagkakasala at pagsususmikap na matalikuran na ang baluktot qt kasuklam suklam na mga gawain. Iniintay lamang tayo ni Hesus, kunalulugdan ng Diyos ang makasalanang nagbabalik loob sa kanya. Matatandaang iniwan ng Mabuting Pastol ang 99 na tupa upang hanapin ang nawawalang isa. At ng masumpungan nya ito ay nagdiwang sya.

Samantalahin natin ang pnahon ng kwaresma upang magbagong anyo kaugnay ang Panginoon.

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: