Podcast: Download (Duration: 5:59 — 4.3MB)
Sabado kasunod ng Miyerkules ng Abo
Isaias 58, 9b-14
Salmo 85, 1-2. 3-4. 5-6
Ituro mo ang ‘yong loob
nang matapat kong masunod.
Lucas 5, 27-32
Subscribe to Awit at Papuri Communications YouTube Channel
Saturday after Ash Wednesday (Violet)
UNANG PAGBASA
Isaias 58, 9b-14
Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias
Sinasabi ng Panginoon:
“Kung titigilan ninyo
ang pang-aalipin at pagsuway sa akin,
at ang masamang salita’y iiwasan,
kung ang nagugutom
ay pakakainin ninyo at tutulungan,
ang kadilimang bumabalot sa inyo
ay magiging tila liwanag sa katanghalian.
At akong Panginoon
ang siyang sa inyo’y laging papatnubay,
lahat ng mabuting kailangan ninyo’y
aking ibibigay, at palalakasin ang inyong katawan.
Kayo’y matutulad sa pananim na sagana sa dilig,
matutulad sa batis
na di nawawalan ng agos ng tubig.
Muling itatayo ng mga lingkod ko ang kutang nadurog,
muling itatayo sa dating pundasyon,
makikilala kayo bilang tagapagtayo ng sirang muog,
mga tagapagtayo ng wasak na mga bahay.”
Sinabi pa ng Panginoon, “Inyong igagalang ang takdang Araw ng Pamamahinga,
huwag kayong gagawa ng inyong gawain sa araw na banal,
sa araw na ito’y mamamahinga kayo’t huwag maglalakbay
ni gagawa o maghuhunta nang walang kabuluhan.
At kung magkagayon,
ay madarama ninyo ang kagalakan sa paglilingkod sa akin.
Bibigyan ko kayo ng karangalan
sa harap ng buong daigdig
at lalasapin ninyo ang kaligayahan
sa paninirahan sa lupaing
ibinigay ko sa nuno ninyong si Jacob.
Mangyayari ito pagkat akong
Panginoon ang nagsabi nito.”
Ang Salita ng Diyos.
SALMONG TUGUNAN
Salmo 85, 1-2. 3-4. 5-6
Ituro mo ang ‘yong loob
nang matapat kong masunod.
Sa aking dalangin, ako’y iyong dinggin,
tugunin mo, Poon, ang aking pagdaing;
ako’y mahina na’t wala nang tumingin
yamang ako’y tapat, ingatan ang buhay,
lingkod mo’y iligtas sa kapahamakan
pagkat may tiwala sa ‘yo kailanman.
Ituro mo ang ‘yong loob
nang matapat kong masunod.
Ikaw ang aking Diyos, ako’y kahabagan,
sa buong maghapo’y siyang tinatawagan.
Poon, ang lingkod mo’y dulutan ng galak,
sapagkat sa iyo ako tumatawag.
Ituro mo ang ‘yong loob
nang matapat kong masunod.
Mapagpatawad ka at napakabuti;
sa dumadalangin at sa nagsisisi,
ang iyong pag-ibig ay mananatili.
pakinggan mo, Poon, ang aking dalangin,
tulungan mo ako, ako’y iyong dinggin.
Ituro mo ang ‘yong loob
nang matapat kong masunod.
AWIT PAMBUNGAD SA MABUTING BALITA
Ezekiel 33, 11
Sinabi ng Poong mahal:
“Di ko nais na mamatay
ang mga makasalanang
nagbabagong-kalooban
upang sila ay mabuhay.”
MABUTING BALITA
Lucas 5, 27-32
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas
Noong panahong iyon, nakita ni Hesus ang isang publikano na nagngangalang Levi, nakaupo sa paningilan ng buwis. Sinabi sa kanya ni Hesus, “Sumunod ka sa akin,” Tumindig si Levi, iniwan ang lahat, at sumunod kay Hesus.
Si Hesus ay hinandugan ni Levi ng isang malaking piging sa kanyang bahay. Nakasalo niya roon ang mga publikano at ang iba pang mga tao. Nagbulung-bulungan ang mga Pariseo at ang kanilang mga kasamang eskriba. Sinabi nila sa mga alagad ni Hesus, “Bakit kayo kumakain at umiinom na kasalo ng mga publikano at ng mga makasalanan?” Sinagot siya ni Hesus, “Hindi nangangailangan ng manggagamot ang walang sakit kundi ang may sakit. Naparito ako, hindi upang tawagin ang mga matuwid kundi ang mga makasalanan upang magsisi.”
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
Pages: 1 2
« Biyernes, Marso 4, 2022
Linggo, Marso 6, 2022 »
{ 7 comments… read them below or add one }
Isa ako sa mga taong naglilingkod sa aming parokya bilang tagabasa. Sa mga mata ng mga kamag-anak ng aking asawa isa akong banal na aso. Di ko sila pinapatulan sa husga nila sa akin dahil nasa isip ko, ‘ naglilingkod ako sa simbahan di para sa kanila kundi alam kong ako’y isang taong makasalanan na humihingi ng tulong ng Dyos upang ako’y maligtas. Dahil naparito Siya hindi upang tawagin ang mga matuwid kundi ang mga makasalanang nagsisisi.’
Reflection: In the Jewish times, tax collectors were considered to be sinners. They were sinners because they love to cheat and steal from their fellow men, and they were traitors because they worked for the Roman Empire, appointed by King Herod Antipas of Galilee. Thus, tax collectors were considered outcasts and never forgiven by God. In the Gospel (Luke 5:27-32), we see how our Lord Jesus Christ approached a tax collector in Capernaum named Levi, and called him to follow him. Then Levi threw a banquet and invited Jesus, the Apostles, different tax collectors and sinners, and the Pharisees and scribes. The Pharisees and scribes noticed that Jesus is eating with tax collectors and sinners, so they approached the Apostles and asked them of this act. The Jewish leaders knew that Jesus was breaking many protocols in religion and society, which is why there are many conflicts between them and him. That is why our Lord Jesus Christ is the universal spiritual doctor, who heals and forgives us our sins. From being a tax collector, Levi became part of the Twelve, at which he is known to be as Saint Matthew (Cf. Matthew 9:9-13). As we journey down this Lenten road, let us prepare our hearts to receive the loving mercy of the Lord by being truly sorry for all the sins we have committed. Unlike the Pharisees and scribes, let us not close our hearts and minds to him because truly his mercy endures forever.
Salamat sa Diyos!
PAGNINILAY: Ang Panahon ng Kuwaresma ay pagkakataong upang kilalanin natin ang Diyos sa kanyang dakilang habag, sa kabila ng ating mga pagkukulang at pagkakasala laban sa kanya at sa ating kapwa.
Narinig natin sa Ebanghelyo ang pagkatawag ni San Mateo sa kasamahan ni Kristo. Sa kapanahunan ni Hesus, ang mga publikano/nangongolekta ng buwis ay itinuturing ng lipunan mga mandaraya at traydor: mandaraya sapagkat mahilig silang kumuha ng pera mula sa kanilang kapwang Hudyo, at traydor naman sapagkat nagtratrabaho sila para sa mga Romano.
Ngunit nakita natin kung paanong naging malapit si Hesus sa mga makasalanang taong ito, at sa puntong pagtawag kay Mateo (o Levi) sa pagiging tagasunod niya. Kaya nagpahanda ang publikanong ito na parang despedida dahil siya’y lilisan na mula sa kanyang dating pinagsamahan ng mga kaibigan niya. At nakita natin ang eksenang nakisalo ang Panginoon sa bahay ng isang itinuturing na makasalanan. Kaya ang mga Pariseo ay nagtanim ng sama ng loob at kwinestyon ang mga Apostol sa ginagawa ng Panginoon. Subalit tugon ni Kristo ay ang larawan ng isang doktor na nag-aalaga sa mga maysakit, na ganun din ang kanyang misyon upang tawagin ang mga makasalanang tao tungo sa tunay na pagbabagong-loob.
Makikita natin ang habag at pagmamahal ng Diyos kahit anumang estado ng tao sa lipunan at ayon sa kanyang paningin. Kung ipapaabot natin ang ating kamay sa kanila, lalung-lalo na sa pagbabalik-loob ng mga makasalanan, napaparamdan natin sa kanila ang kagandahang-loob ng Panginoon at ang kanyang dakilang pagmamahal para sa lahat.
Hilingin natin sa Panginoong ngayong Kuwaresma na bigyan niya tayo ng kanyang awa at habag sa kabila ng ating mga pagkakamali, upang katulad ni San Mateo ay tumugon sa kanyang tawag na maging kanyang mga alagad, lalung-lalo na sa pagpapadama sa iba ang kanyang pagmamahal na kanyang inilaan para sa lahat.
Ame.
Napakaganda ng mga pagbasa ngayong ikaapat na araw ng kwaresma.
Sa Unang Pagbasa ay ang mga pangako ng Panginoon sa atin kung tayo ay tutupad sa kanyang mga kautusan. Ingatan natin ang ating mga salita na walang lalabas na masama. Ang paggalang sa araw ng pamamahinga. Hindi mang aalipin at tutulong at mamahagi sa mga nangangailangan. Huwag maghuhunta ng mga walang kabuluhan. Susundin natin ang kalooban nya at ang mga nasususlat na kautusan.
At ang kapalit ay masaganang buhay at malakas na katawan.
Ang ebanghelyo naman ay pag-asa ang dala. Pag-asa sa mga tulad nating makasalanan na nagsusumikap matalikuran na ang kasamaan. Ang simbahan ay hindi lamang para sa mga banal, mas kailangan ito ng mga maksalanang katulad natin upang ang espiritu natin ay magamot ni Hesus. Kaya’t kung tayo ay dumaranas ngayon ng mga kapighatian o paghihirap, kay Hesus tayo tumakbo, hinihintay lamang nya tayo na magbalik loob sa kanya at tayo’y yayakapin. Kinalulugdan ng Diyos ang taong makasalanan na inaamin ang kasalanan at nagsisi, ang himihingi ng kapatawaran at nagsisikap na tuluyan ng tapusin anh kadiliman ng kasalanan.
Poon namin mahal na hesuskristo nazareno kaawaan mo kami AMEN