Linggo, Pebrero 20, 2022

February 20, 2022

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-7 Linggo sa Karaniwang Panahon (K)
Patnubay sa Misa

Sa pagtugon sa mensahe ng Salita ng Diyos para ngayon, hilingin natin ang tulong ng Panginoon upang tayo’y magmahal na tulad ng Kanyang itinuro sa atin. Maging tugon natin ay:

Panginoon, turuan Mo kaming magmahal na tulad Mo!

Para sa Santo Papa at iba pang mga pinunong espirituwal: Nawa tuwina nilang ipahayag ang mahigpit na kahingian ng pagmamahal at pagpapatawad, at manguna sa pagsasabuhay nito. Manalangin tayo!

Para sa lahat ng Kristiyanong tinatawagang magtaguyod ng kabihasnan ng buhay at pagmamahal: Magpunyagi nawa silang magpahalaga sa buhay, igalang, at itaguyod ito nang buong ingat sa kanilang sarili at sa kanilang kapwa. Manalangin tayo!

Para sa lahat ng mga biktima ng karahasan at kawalan ng katarungan: Makahango nawa sila – sa halimbawa ni Kristo at sa kapangyarihan ng biyaya ng Diyos – ng lakas para magpatawad sa mga nang-aapi sa kanila. Manalangin tayo!

Para sa lahat ng magulang at mga nagtuturo: Pagtibayin nawa ng kanilang kahandaang magpatawad ang ipinangangaral nilang pagmamahal maging sa mga nagkasala sa kanila. Manalangin tayo!

Para sa lahat ng Pilipinong nagsisikap alang-alang sa ikabubuti ng bayan: Matuto nawa silang tumanggi sa kasamaan at magpahalaga sa katapatan at pagmamahal sa kapwa. Manalangin tayo!

Tahimik nating ipanalangin ang ating mga sariling kahilingan. (Tumigil sandali.)
Manalangin tayo!

Panginoon ng habag at pagpapatawad, tibayan nawa ng Iyong pagpapala ang aming puso upang mapatunayan namin sa aming pang-araw-araw na buhay ang pagmamahal na ipinahahayag namin sa Eukaristiyang ito. Isinasamo namin ito sa pamamagitan ni Hesukristong Iyong Anak na nagmamahal at naghahari nang walang hanggan.

Amen!

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 9 comments… read them below or add one }

Melba G. De Asis February 25, 2019 at 12:37 am

Ipinakikita sa atin ng Diyos na kung ang lahat ng hindi magandang bagay na ginagawa sa atin ng ating kapwa ay mapapatawad natin, may nakalaan Siyang pagpapala para sa atin. Mahirap ang magpatawad pero ito ang Kanyang iniuutos ss atin, isipin na lang natin ang ibang kabutihan ng taong nagkasala sa atin para magawa natin ang pagpapatawad. God bless everyone!

Reply

Reynald Perez February 12, 2022 at 4:52 am

PAGNINILAY: Ang tawag sa atin ay mga “Kristiyano”. Ibig sabihin nito ay “Without CHRIST, I Am Nothing.” At nanalig tayo na si Hesus ay ang “Kristo” dahil siya’y hinirang ng Diyos Ama upang ipadala ang Mabuting Balita ng kaligtasan. At ang mensahe nito ay ang ating pagkakilanlan bilang mga Kristiyano, ang pag-ibig. Bago pa man siya lumisan, ibinilin niya sa atin na magmahalan tayo katulad ng pagmamahal niya sa atin ang ng dakilang pagmamahal ng Diyos. Subalit sa punto na nakapiling niya ang napakalaking pagtitipon sa kapatagan, ayon sa Ebanghelyo ngayon, dito itinuro niya sa atin ang isa sa mga realidad ng buhay bagamat mahirap. At iyan ay ang pagmamahal sa ating mga kaaway. Siguro ito ay isa sa mga mahihirap na hangaring hindi nating alam kung paanong tuparin ito, ngunit ito talaga ang realidad ng buhay. Ang basehan ng pagkasabi nito ng Panginoon ay dahil sa umiiral noon na batas na “lex tallionis”. Ibig sabihin nito ay batay sa Kodigo ni Hamurabi: “Mata sa mata, ngipin sa ngipin.” Ang paniniwala noon ay kung ang tao ay gumawa sa iyo ng masama, maaari mong iputol ang anumang bahagi ng katawan. Subalit ibang tunguhin ang ipinakita ni Hesus. Makikita natin ang pagkasalungat sa pahayag ng Panginoon doon sa umiiral na paniniwala noon. Pero kahit sinabi na ito ni Hesus, bakit ganyan pa rin ang pag-uugali ng iilang tao at lipunan sa mundo? Siguro parang kutob natin na dahil sa napakaraming pagkakasala ng ating mga kaaway sa atin, paano kaya tayo’y makikipagtagpo sa kanila? Ngunit ipinapakita sa atin ni Kristo ang realidad na tayo’y mga nilalang sa larawan at kaanyuan ng Ama ay may tungkuling kilalanin ang bawat isa bilang anak ng Diyos.

Kaya kung tayo ay nagiging mabuti at mabait sa ating mga kaibigan at mahals a buhay, paano pa kaya sa ating mga kaaway? Minsan naiinis po tayo kung ang ibang tao ay nandadaya at/o kaya nang-aagaw sa atin. Kaya ang turo ng Panginoon ay huwag nang pigilin sila. Hindi ito’y ibig sabihin na sang-ayon si Hesus sa ginagawa nilang masasama, kundi upang gawin natin ang Krisityanong paraan ng pagmamahal at pagtatama ng mali ng ating kapwa tao. Kaya ang pinakabuod ng Ebanghelyo ngayon ay ang Gintuang Aral na gawin natin ang mga magandang bagay na siya namang ibabalik sa atin ng ibang tao. Kaya ang buhay-Kristiyano ay ang pag-uugnay ng ating sarili kay Kristo. Ang hangarin natin ay tularan siya sa pagiging “maawain katulad ng Diyos Ama”.

Ang pagmamahal natin sa isa’t isa ay dapat bukas kahit sa ating mga kaaway upang dumaloy pa ang mas maraming grasya sa lahat, at ang mga ito ay siksik, liglig, at umaapaw.

Reply

Dorie February 15, 2022 at 4:43 pm

Kailangan ng Tao magpakabanal “Huwag humatol, Magpatawad at magbigay Sapagkat may gantimpala ang Diyos sa bawat sumusunod sa kanyang salita. Amen

Reply

ruel arcega February 16, 2022 at 3:19 pm

Sa linggo ito nais paalalahanan tayo ni Hesus na ang mga tunay na alagad Niya at sumusunod sa kalooban ng Diyos Ama, ay may katangian ng pag-ibig tulad sa Diyos. Ipinakita at pinaramdam ni Hesus sa kanila ang pagmamahal nang tawagin sila maging alagad, Dito ay ipinadadama na ni Hesus ang tunay na pagmamahal ng Diyos sa kanila, na kahit gumawa sila ng paglabag sa Diyos ay inibig pa rin sila at binigyan ng pagkakataon na mabagong buhay. Ang pagmamahal ng Diyos ay hinidi nagdudulot ng galit sa halip ay paghilom. hindi ng makinabang na personal sa halip ay tunay na makapaglingkod para makilala ang Diyos na mapagmahal. Kaya dapat tumatak sa mga alagad ang pag-ibig ng Diyos sa puso natin bilang alagad at anak ng Diyos. Dahil kung iibigin mo laman ang umiibig sa iyo, bakit ang Diyos inibig ka kahit makasalanan ka, Dahil ang pag-ibig ng Diyos ay nagbibigay ng panibagong buhay at pagkataon.

Reply

Alvin Jimenez February 18, 2022 at 10:47 am

Panginoon buong kababaang loob nawa namin yakapin ang krus ng buhay bilang pagpapahalaga sa Pag-ibig namin sa iyo. Maging biyaya nawa sa mga makasalanan naming kapwa marunong magpatawad sa kanilang kapwa. Amen.

Reply

Michelle Villocero February 19, 2022 at 9:06 pm

Nakaka inspired Ang mga nababasa ko sa mga pag ninilay,infact ibinabahagi ko po sa mga friend ko , God bless you po ?

Reply

Joseph B. Sta. Maria February 20, 2022 at 8:00 am

Very inspiring po ang pagninilay at naibabahagi ko po ito sa mga nagpapadasal sa akin, God Bless po sa inyo?

Reply

Ferdy Baetiong Parino February 20, 2022 at 8:22 am

Sa Unang Pagbasa mapupulot ang aral ng katapatan sa Diyos. Katulad ni David, may mga pagkakataong maari nating magawa ang isang bagay na inaasam natin ngunit hindi sa tamang paraan. Katukso tukso ito sapagkat abot kamay na natin ang ating minimithi. Pero tularan natin si David na nanatiling tapat sa Diyos. Isa pang aral nito ay ang pagkakaroob ng takot sa Diyos. Makakamit natin ang ating minimithi maging ito ay materyal, kaligayahan o kapayapaan sa mabuting paraan basta’t wag lang tayong bibitiw at ituloy lamang ang pananampalataya.

Ang ebanghelyo ngayon ay maliwanag pa sa sikat ng araw, hindi sta talinghaga kaya’t madali nating mauunawaan at magagamit natin sa pang araw araw na buhay. Simple lamang ngunit malaman. Kung paano mo trinato ang iyong kapwa ay ganoon ka rin tatratuhin. Magpatawad ka upang mapatawad. Magamahal ka ng kapwa upang mahalin. Tumulong ka ng walang kapalit upang tulungan ka din ng walanv kapalit. Magbigay ka upang mabigyan.

Reply

Roberto S. Desiderio February 21, 2022 at 12:52 am

Pagsikapan natin na magpakumbaba, matiisin at tapat sa Diyos na nagbigay sa atin ng buhay. Maging matatag tayo at ipakita natin ang pagmamahal ng lubusan sa Diyos. Ibigin natin ang ating kapwa maging masama o mabuti, mahirap o mayaman, o kahit duha, sila rin ay anak ng Diyos.

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: