Linggo, Pebrero 13, 2022

February 13, 2022

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-6 na Linggo sa Karaniwang Panahon (K)
Patnubay sa Misa

Sa gabay ng mga sipi ng Unang Pagbasa, Salmo at Ebanghelyo ngayon, hilingin natin sa Diyos ang biyayang gawin lagi ang tamang desisyon at pagsumikapan ang mga ito, habang dinadalanging:

Panginoon, dinggin Mo kami!

Na ang Simbahan ay hindi mapagod na himukin ang kalalakihan at kababaihan sa paggawa ng tamang desisyong na aayon sa kalooban ng Diyos. Manalangin tayo!

Na patuloy tayong gabayan at pukawin ng Santo Papa at iba pang mga pinuno ng simbahan na mamuhay ayon sa batas ng Diyos. Manalangin tayo!

Na ang ating mga pinunong pulitikal at kultural ay bumuo ng kapaligirang nagtataguyod at nagsusulong ng kung ano ang tama at karapat-dapat sa pagpapala. Manalangin tayo!

Na ang lahat ng mga media practitioners ay tunay na maging puno ng mga magagandang katanginan at pukawin ang kanilang mga tagapakinig na gawin ang tama at nararapat. Manalangin tayo!

Na ikintal ng mga magulang at guro sa kabataan ang taus-pusong pagmamahal sa katotohanan, katapatan, kalinisan, at pagmamahal sa Diyos at kapwa. Manalangin tayo!

Na lahat tayo ay kumilos ng may pagkakaisa at pagtutulungang makabuo ng pamayanang may tunay na katangiang Pinoy: maawain, mapagbigay, pantay-pantay, maka-Diyos, at may pagkakaisa. Manalangin tayo!

Tahimik nating ipanalangin ang ating mga sariling kahilingan. (Tumigil sandali.)
Manalangin tayo!

Panginoong Diyos, tulungan Mo kaming mahalin ang Iyong minamahal at tanggihan ang Iyong tinatanggihan, nang sa gayon ay makamit namin ang buhay na walang hanggan at kaligayan sa Iyong Kaharian kung saan Ka nabubuhay at naghahari magpakailanman.

B – Amen!

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 3 comments… read them below or add one }

MU Francisco February 14, 2019 at 10:30 pm

MagingMapalad sa Diyos
Pagninilay Lukas 6:17, 20-26
Kamusta ang araw ng mga puso ninyo? Meron ba kayong mga nagawa na bago para sa inyong mga minamahal na kaibigan, iniibig, mga magulang o buong pamilya? Naalala ko noong nasa ika-apat na baiting ako sa Elementarya noong una kung gumawa ng Valentines Card dahil sa Art project pero nagtuloy-tuloy ito hanggang matuto ako bumili ng rose flower para kay crush noong nasa Ika-anim na baiting. Habang tumatagal, nakakasawa rin pala dahil naghahanap na ako ng sagot na wala namang tanong at inaasa ko ang mga maliliit na bagay na ito para mapalait ako sa tao. Mga Kapatid, noong mga nahuling linggo ipinakita ni Hesus kung paano niya tinawag ang kanyang mga unang tagasunod. Sa kanyang mga ipinakita sila’y sumunod ng walang takot at pagtatanong kung san sila dadalhin ng ating Panginoon. Sa ating Ebanghelyo ating nakita si Hesus sa isang patag na lugar kasama ang labindalawa; ating napakingan ang kanyang mga turo o sermon sa bundok. Ito ay tinatawag na Beatitudes na ang ibig sabihin ay kasiyahan o pagiging mapalad dahil ito ay isang pagpapaalalang ating pagtitiwala sa ating Panginoon.
Ang mga kards, bulaklak, at mga tsokolate sa buwan ng Pebrero ay mga palamuti lamang upang lalo natin maramdaman ang pagpapahalaga sa atin ng ibang tao ganun pa , ipinapaalala sa atin ng ating Panginoon na maging masaya at mapalad tayo kung tayo’y dukha kung saan lalo tayong napapalapit sa ating Panginoon. Mapapalad tayo kung tayo’y nagugutom dahil papakainin tayo ng ating Panginoon ng Ispirituwal na pagkain na hindi nauubos; nandyan din ang ating mga kapitbahay kung matuto lang tayong magtiwala at kumatok. Mapapalad tayo kung tayo’y tumatangis dahil paliligayahin tayo ng ating Panginoon sa pamamagitan ng ating mga nakikita, naaamoy, nalalasahan at nahahawakan. Mapapalad tayo kung tayo’y inaapi dahil kasama natin ang ating Panginoon na unang nakaranas ng kapighatian.
Ngayong araw, pinapaalalahan din tayo ng ating Panginoon na gumawa at kumilos sa mga abang ito. Tulad ng tanong ko kanina, Meron ba kayong mga nagawa na bago para sa inyong mga minamahal na kaibigan, iniibig, mga magulang o buong pamilya? Kayo’y magugutom, magdadalamhati at magsisitangis dahil hindi natin ipinaramdam ang tunay na pagmamahal na ipinaparamdam sa ating Panginoon. Nawa’y ang mga bagay na ating ibinibigay sa ibang tao ay lalong magpapalapit at pagtitiwala sa ating Panginoon;hindi pagpapalayo. Pagpalain tayong lahat sa ngalan ng Ama, Anak, at Ispiritu Santo. Amen.

Reply

Reynald Perez February 9, 2022 at 12:45 am

PAGNINILAY: Magkaiba po ang “kapalaran” doon sa “pagpapala”. Alam po natin na ang Ingles ng kapalaran ay “luck”, samantala ang Ingles ng pagpapala ay “blessing”. Minsan tinatrato natin ang buhay na parang kapalaran na itinataya natin ang ating sarili sa iba’t ibang kultura. At sa tingin natin na madali lang ilarawan ang magiging kinabukasan natin. Ngunit kung tayo ay naniniwala sa pagpapala, alam natin na hindi sa lahat ng pagkakataon ay parang magtitiwala tayo sa salamangka. Kaya minsan iniisip natin ang Diyos ay parang “magician” na awtomatikong akala natin may himala. Subalit hindi ganyan ang pamamaraan ng Diyos sa pagkakaloob sa atin ng pagpapala.

Ipinapahayag ni Propeta Jeremias sa Unang Pagbasa na palagi tayong magtiwala sa Panginoon na siya lamang ang makapagbibigay ng kaganapan ng buhay. Sa gayon ay tayo’y magiging mga halamang itinanim katabi ng batis dahil palaging umaapaw ang grasya ng Diyos sa bawat isa. Ang ating Ebanghelyo ngayon ay ang pasimula ni Hesus sa kanyang pangangaral sa kapatagan. Ang Ika-6 na kabanata ni San Lucas ay halos kasingtulad ng ika-5 kabanata ni San Mateo na kung saan ito ay ang pangangaral ni Hesus sa bundok. Kung sinimulan ni Mateo ang salaysay sa pamamagitan ng mga “Eight Beatitudes”, halos parehas ang pagsasalysay ni Lucas, subalit ang nakalagay dito ay hindi lang mga pagpapala, kundi mayroon ring mga sumpa. Ang mga itinuturing na “anawim” ay sila ang mga ititipon ng Diyos bilang kanyang Sambayanan. Kaya tinawag silang mapalad ni Kristo na sa kabila ng mga hindi kanais-nais na pangyayari, patuloy silang umasa sa kaginhawaan sa pamamagitan ng kanilang kabutihan. Subalit may mga taong isinumpaan ni Hesus taliwas sa mga nahihirapan, kundi sila ay ang mga taong napupuno sa kanilang buhay. Akala natin na si Kristo ay tutol sa mga taong mayaman at marangal ang buhay. Hindi siya tutol sa mga iyan sapagkat alam ni Hesus ang iilan na ikinamit iyan mula sa kanilang pagsisikap. Ang nais niyang puntuhin ay ang mga bagay na napupuno sa atin ay dapat gamitin upang makapagpakinabang sa ibang tao, at hindi makapaabala sa kanila.

Kaya sa ating buhay, dapat itrato natin ito hindi bilang isang “kapalaran”, kundi bilang isang “pagpapala”. At ang pinakadakilang pagpapala ay bagong buhay na ipinagkaloob sa atin ng Diyos Ama sa pamamagitan ng kanyang Anak na si Hesukristo. Kaya ipinapahayag ni San Pablo sa Ikalawang Pagbasa na sa pamamagitan ng Muling Pagkabuhay ni Hesus ay nagkaroon tayo ng katibayan ng pananalig sa kanya. Sabi nga kung si Kristo’y hindi muling nabuhay, ang ating buhay ay parang hindi nakukumpleto. Kaya noong si Hesus ay muling nabuhay, minarapat tayong tawaging mga saksi upang patuloy natin isabuhay ang kabutihan at pagmamahal ng Diyos sa kapwa.

Reply

Ferdy Baetiong Pariño February 13, 2022 at 12:07 pm

Marahil maiisip natin na paanong naging mapalad ang mga dukha gayong naghihirap sila. Mahabagin ang Panginoon at patas, kung ay dukha ngayon at magsisi sa mga kasalanan, humingi ng kapatawaran, at nagsusumikap na matalikuran ang kasalanan ay mag naghihintay na gantimpala sa iyo. Pauunlarin ka ng Panginoon na parang isang halamang nakatanim malapit sa batisan. Ngunit kung ay dukha ngayon at lalo mo pang ibinabaon ang iyong sarili sa paggawa ng kasalanan ay matatapos ang buhay mo na isang dukha hanggang sa kabilang buhay.

Kung ikaw naman ngayon ay komportable ang buhay, hindi salat, mayaman, may mg ari arian, busog at nagsisitawa, subalit nabubuhay din sa kadamutan, kahalayan, ganid, mapagmataas at makamundo ay anumang oras ay kayang bawiin iyan ng Panginoon mula sayo. Kaya’t kung ikaw ay nasa kaginhawahan ngayon ay magsimula magsisi sa kasalanan, tumulong sa mga dukha, mamahagi ng biyaya, talikuran ang kamunduhan upang manatili ang iyong pag-unlad at makamit ang gantimpala mula sa langit.

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: