Lunes, Pebrero 7, 2022

February 7, 2022

Lunes ng Ika-5 Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

1 Hari 8, 1-7. 9. 13
Salmo 131, 6-7. 8-10

Poong Makapangyarihan,
kami’y iyong panahanan.

Marcos 6, 53-56


Subscribe to Awit at Papuri Communications YouTube Channel

Monday of the Fifth Week in Ordinary Time (Green)

UNANG PAGBASA
1 Hari 8, 1-7. 9. 13

Pagbasa mula sa unang aklat ng mga Hari

Noong mga araw na iyon, ang matatanda ng Israel at ang mga puno ng mga angkan ay ipinatawag ni Solomon sa Jerusalem upang kunin ang Kaban ng Tipan sa Sion, ang kuta ni David. Kaya nagpunta kay Solomon ang mga pinuno sa Israel noong kapistahan ng buwan ng Etanim, ikapitong buwan ng taon. Nang naroon na ang lahat, binuhat ng mga saserdote ang kaban ng Tipan. Tinulungan sila ng mga Levita sa pagdadala ng Tolda, at mga kagamitang naroroon. Hindi mabilang ang mga baka at tupang inihandog ni Solomon at ng buong Israel sa harap ng Kaban ng Tipan. Pagkatapos, ipinasok ng mga saserdote ang Kaban ng Tipan sa Dakong Kabanal-banalan, at inilagay sa ilalim ng mga pakpak ng mga kerubin. Nakabuka ang pakpak ng mga kerubin, kaya’t nalulukuban ng mga iyon ang Kaban ng Tipan at ang mga pasanan nito. Walang ibang laman ang Kaban kundi ang mga tablang bato na kinasusulatan ng Tipan ng Panginoon sa bayang Israel. Ang mga tablang bato ay inilagay roon ni Moises nang sila’y nasa Horeb, matapos silang ilabas sa lupain ng Egipto.

Pagkalabas ng mga saserdote, ang Templo’y napuno ng ulap; anupat hindi sila makapagpatuloy ng gawain sa loob. Ang Templo’y napuno ng kagila-gilalas na kaningningan ng Panginoon.

Kaya nga’t sinabi ni Solomon:
“O Panginoon, kayo ang naglagay ng araw sa langit
ngunit minabuti ninyong manirahan sa makapal na ulap.
Ipinagtayo ko kayo ng isang magarang Templo,
isang bahay na titirhan ninyo habang panahon.”

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 131, 6-7. 8-10

Poong Makapangyarihan,
kami’y iyong panahanan.

Aming nabalita
na nasa Betlehem ang Kaban ng Tipan,
sa bukid ng Jaar namin nasumpungan.
Ang aming sinabi,
“Ang templo ng Poon ay puntahan natin
sa harap ng trono siya ay sambahin!”

Poong Makapangyarihan,
kami’y iyong panahanan.

Sa iyong tahanan,
Poon, pumasok ka kasama ng kaban,
ang kabang sagisag ng kapangyarihan.
Ang mga saserdote
bayaang maghayag ng ‘yong pagliligtas,
ang mga hinirang sumigaw sa galak!
Sa lingkod mong David,
may pangako ikaw, Panginoon namin,
ang piniling hari, ay huwag mong itakwil.

Poong Makapangyarihan,
kami’y iyong panahanan.

ALELUYA
Mateo 4, 23

Aleluya! Aleluya!
Ipinangaral ni Hesus
ang paghahari ng Diyos.
Sakit ay kanyang ginamot.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Marcos 6, 53-56

Noong panahong iyon, sina Hesus at ang kanyang mga alagad ay tumawid ng lawa, at pagdating sa Genesaret ay isinadsad nila ang bangka. Paglunsad nila, nakilala siya agad ng mga tao kaya’t nagmamadaling nilibot ng mga ito ang mga pook sa paligid; at ang mga maysakit, na nakaratay na sa higaan ay dinala nila kay Hesus, saanman nila mabalitaang naroon siya. At saanman siya dumating, maging sa nayon, lungsod, o kabukiran, ay dinadala sa liwasan ang mga maysakit, at isinasamo sa kanya na pahipuin sila kahit man lang sa palawit ng kanyang kasuutan. At lahat ng makahipo nito ay gumagaling.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 6 comments… read them below or add one }

Mark Jefferson Criste December 8, 2021 at 6:42 am

Salamat sa Diyos!

Reply

Reynald Perez February 6, 2022 at 1:14 pm

PAGNINILAY: Ang Unang Pagbasa ngayon ay isa sa mga pinakatanyag na gawain ni Haring Solomon: ang pagtatayo sa templo, na kung saan dito nanirahan ang Kaban ng Tipan. Pinasok ang Kaban sa Dakong Kabanal-banalan dahil sa pinakasagradong lugar na iyon ay naninirahan ang Kataas-taasang Diyos na nagkaloob ng Kautusan sa kanyang bayang Israel. At katulad ng panalangin ni Solomon na ang Templo ay sagisag ng pangmagpakailanman na paninirahan ng Diyos sa banal na lugar na iyon. Sa katuparan ng Kasulatan, si Hesus ay ang Kaban ng Bagong Tipan na kung saan naghahari siya magpakailanman sa Kaharian ng Diyos Ama, na bagamat ay hindi pa ito dumadating ay ang Kahariang ito ay nagpapakita ng kanyang presensiya sa atin kapag naroroon ang pag-ibig, katarungan, at kapayapaan.

Ang ating Ebanghelyo ay ang iba’t ibang pagpapagaling ng ating Panginoong Hesus sa bayan ng Genesaret. Anumang uri ng sakit o kaya anumang kahilingan ng tao ay tinutugon ni Hesus ang mga ito. Bagamat siya ay may likas ng Diyos, nagpakababa siya upang maranasan at damayan ang abang pagkatao natin (maliban sa pagkakasala). Ito’y nagpapatunay sa gawain ng Diyos na umaabot ng kamay at puso sa bawat tao, lalung-lalo na sa mga nangangailangan. At kahit sikat ang Panginoon sa bawat bayan at nayon ng Israel at Palestina, siya ay patuloy na naging mapagkumbaba sapagkat ang mahalaga sa kanya ay ang pagtupad ng kalooban ng Diyos Ama. Gayundin tayo’y tinatawag upang maging mga instrumento ng pagpapagaling ng Panginoon hindi lang sa pisikal na anyo, kundi pati na rin sa mga espirituwal at emosyonal na lunas upang tulungan ang mga taong naghihirap sa buhay at nabibigatan ng maraming pasan.

Reply

Francisco Azupardo February 7, 2022 at 8:22 am

Salamat sa Diyos. Amen. Aleluya

Reply

Ferdy Baetiong Pariño February 7, 2022 at 10:00 am

Ano ang aral at hamon ng ebanghelyo ngayon?

Manampalataya at ikaw ay gagaling.

Ang kwento ng Mabuting Balita ngayon ay ang wagas na pananalig ng mga tao kay Hesus, na kahit mahawakan lamang nila ang laylayan ng damit ni Hesus ay gagaling na sila. Sa pangkasalukuyang panahon, manalig tayo na matatapos din ang pandemyang ito, pagagalingin ni Hesus ang mga maysakit na naniniwala sa kanya. Magtiwala tayo na ibabalik ni Hesus ang ating buhay, ang malayang nakalalaro at nakakapapasyal ang mga bata, nagkakasama sama ang mga magkakamag-anak at magkaka-ibigan. Makalalanghap ng hangin ng walang pangamba, makababalik sa trabaho ang mga nawalan, makakaahon ang mga negosyanteng tumaob, at hindi na muki magsasara ang mga simbahan at bahay dalanginan. Unti unti nang dinirinig ang pagdarasal natin ng Oratio Emperata. Ang kailnganan lamang ay manalig tayo sa Diyos ng walang kahit anumang alinlangan at lahat tayo ay gagaling hindi lang sa Covid19, hindi lang sa anumanh sakit pero pati na rin sa ating ispiritwal.

Reply

Celine loveko February 7, 2022 at 3:49 pm

PINUPURI KA NAMIN PANGINOON JESUS KRISTO ALLELUIA!

Reply

Rosalinda Jubilado February 8, 2022 at 8:21 am

Ang Panginoon ay sumasaatin at kasakasama natin.

Sa unang pagbasa tunay na sinamahan sila ng Amang Yahweh sa pamamagitan ng pagpapakita ng kapuspusan ng Diyos sa Dakong Kabanal-banalan at nakakausap nila si Yahweh sa pamamagitan ng mga propeta at mga kababalaghan ipinspakita ng Diyos.
Sa katuparan ng mga ipinahayag ng mga propeta at ni San Juan Bautista ang Diyos ay nagkatawang tao sa pamamagitan ng ating Inang Maria. Nakasalumuha nila si Jesus, nangaral tungkol sa Kaharian ng Diyos at nagpagaling sa pisikal at spiritual nating kalagayan.
Sa ating kapanahunan pagkatapos na umakyat si Jesus sa piling ng Ama , ay higit na napakapalad natin sapagkat PINALIIT NIYA ANG KANYANG SARILI SA ANYONG TINAPAY UPANG SIYA MAKAPASOK SA ATING KATAWAN UPANG SIYA AY SUMASAATIN SA LAHAT NG PANAHON NA SIYANG PATULOY NA NAGPUPURIFY SA ATING KATAWAN,KALULUWA AT ESPIRITU. Imagine, God is within us, united with us pero patuloy natin itong binabalewala kung kayat hindi natin naiingatan ang ating puso, isipan at bibig sa maruruming bagay. Jesus is our greatest treasures. Kung paninindigan lang natin that Jesus is within us, that His WORDS IS ACTIVE AND ALIVE AND THAT HIS SPIRIT IS our spirit sino pa ang laban sa atin? No evil can touch us or come near us because God is with us, within us and He us our God Emmanuel. And demonyo ay nangangatal sa takot mabanggit lang natin ang Banal na Pangalan Niya , e ano pa kaya na Siya ay sumasaatin. Anumang tiisin o karamdaman tayo nasa kalalagayan ngayon, declare your faith sa pamamagitan ngHoly Word of God. Maging bukang-bibig natin ang Salita ng Diyos tiyak mararanasan natin ng Kaluwalhatian ng Diyos . Every Word of God we declare is a prayer. TO GOD BE THE GLORY. Amen.

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: