Biyernes, Enero 28, 2022

January 28, 2022

PANALANGIN NG BAYAN
Ikatlong Linggo sa Karaniwang Panahon
Biyernes

Puno ng pag-asa at pananalig, manalangin tayo sa Diyos Ama na nagnanais na lumawak pa ang kanyang presensya sa ating buhay.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Banal na Manghahasik, gawin Mong mabunga ang aming buhay.

Ang ating Simbahan nawa’y patuloy na umunlad at maging simbolo ng katarungan, pag-ibig, at katotohanan sa daigdig, manalangin tayo sa Panginoon.

Bilang isang komunidad nawa’y hindi tayo maging pabaya sa ating buhay pananampalataya, bagkus asamin natin ang Diyos araw-araw maging sa mga pagsubok at paghihirap, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga pamilya, lalo na ang mga bata, nawa’y lumago at lumaki sa pamamaraan ng biyaya at umunlad na sinasalamin sa kanilang buhay si Kristo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit nawa’y lumakas sa pananampalataya sa pamamagitan ng kanilang pagbabahagi kay Kristo ng kanilang mga pagtitiis, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang ating mga mahal na yumao nawa’y anihin nila ang bunga ng kapayapaan, kaligayahan, at katahimikan sa Kaharian ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Makalangit na Ama, tulungan mo kaming maunawaan ang kahalagahan ng panahon ng aming pag-iral. Buksan mo ang aming puso sa iyong salita upang lagi kaming mamunga ayon sa iyong kasiyahan. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 6 comments… read them below or add one }

Erwin Cabrera January 27, 2022 at 10:19 pm

Inilalarawan sa ebanghelyo ang ating pananampalataya sa Diyos, inihalintulad sa nagtatanim at nag aani, anubat tayo ay mga aligaga sa buhay sa araw araw ngunit tuloy pa rin ang araw at buhay na biyaya ng Diyos, anuman ang ating ginagawa ay patuloy tayong manampalataya kahit ito ay gabutil ng mustasa, tayo ay patuloy na magtanim ng kabutihan sa mundo at huwag mawalan ng pag asa.

Reply

Reynald Perez January 27, 2022 at 11:10 pm

PAGNINILAY: Ang Unang Pagbasa ay ang realidad na kahit ang mga matutuwid na tao ay may kanya-kanyang kahinaan. Kilala si Haring David bilang isang matapat na puno ng bayang Israel, subalit pumasok ang tukso sa isang pagkakataon upang iakit siya nito. Narinig natin sa salaysay kung paanong nakita niya mula sa kanyang bintana ang isang magandang babaeng nagliligo, at nais niyang ligawan nito. Subalit nang marinig niya na ang babaeng iyon ay asawa ng isa sa kanyang mga heneral, pinasya niya na ang heneral na iyon ay ilagay sa harap ng mga kawal sa susunod na labanan ng Israel. Kaya nga nilagay si Urias sa harap dahil alam ni David na siya ang unang madadamay sa atake. At ganun na nga na napatay si Urias ng kalaban ng Israel para lang masolohan ng hari ang asawa nitong si Batseba. Kahit sinumang tao ay may kakayahang mahulog sa patibong ng tukso upang magkasala. Subalit hindi diyan nagtatapos ang kwento sapagkat dakila pa rin ang habag ng Diyos at banayad kung magalit at maghatol. Sa huli ay itutuos ni Natan kay Haring David ang kasalanan nito upang magsilbing pag-unawa kung gaanong kalala ang epekto ng kasalanan sa isang tao, at ang tao ay magsisi, magbalik-loob sa Diyos, at mangako araw-araw na gumawa ng kabutihan.

Ang ating Ebanghelyo ay isang parabula ni Hesus tungkol sa pagtubo ng isang butil na mustasang itinanim ng isang manghahasik. Naghihintay siya hanggang paglipas nang gabi, at ito’y tumubo. Ganito ang paglalarawan sa pagiging mahinahon ng Panginoon sa atin. Bawat Kristiyano ay may tungkuling gawing makabuluhan ang kanyang buhay para sa ikabubuti ng marami. Nais ng Diyos tumubo ang butil ng kabutihan at mamunga ito sa sangkatauhan. Kaya nga mahalaga ang misyon ng Simbahan na iparangal ang Mabuting Balita ni Kristo. Nawa’y matanggap ng lahat na si Hesukristo ang Panginoon at Tagapagligtas, at isabuhay ito sa pagbibigay-saksi kay Kristo. At sa tamang panahon, tayo’y tatawagin ng Diyos na makamtan ang kanyang kaluwalhatian sa langit kung tayo’y magiging matapat sa kanyang kalooban at sundin ang kanyang mga aral.

Reply

Gina J Lavarias January 28, 2022 at 5:46 am

Salamat s Diyos

Reply

ruel arcega January 28, 2022 at 7:20 am

Ang kapistahan ni Santo Tomas de Aquino, isang doctor ng simbahan , dahil sa kayamanan na ambag niya sa simbahan ,ang suma telohiya, gabay sa pagiging mabuting kristiano. Ay katulad ng talinghaya narinig natin kung saan maihahantulad ang paghahari ng Diyos. sa isang taong naghasik ng binhi sa bukid at sa isang butil ng mustasa na itinamin. Ang lahat nito ay lumago at nagdulot ng mabuting bunga at mabuti sa iba. Ang kabutihan ng Diyos ay naitatago sa bawat pagkatao at ito’y magbubunga ng hindi natin mamamalayan dahil ang Diyos ang gumagaw at sa Diyos tayo nakikipag ugnayan at ang Diyos ay gagawa ng paraan upang ito ay manatiling magbunga ng mabuti at manatiling buhay. Si santo Tomas habang isinusulat niya ang mga aklat na ito noon ay dumaan sa mahabang pagsubok at karanasan at ngayon ito ang isa sa pinakamagandang aklat ukol sa pagpapakabanal at pagkilala sa Diyos. Ganito ang paghahari ng Diyos….

Reply

Erwin Cabrera January 28, 2022 at 8:50 am

Sa unang pagbasa, pinakikita sa atin ang maling gawa ni haring david, gumawa ng pakikiapid, isang patunay na lahat tyo ay makasalanan, walang maitatago sa Diyos, kaya sikapin natin mabago ang ating sarili sa araw araw, maging tapat sa ating minamahal. Salita ng Diyos. Salita ng Buhay.

Poon, iyong kaawaan
kaming sa ‘yo’y nagsisuway.

Reply

Ferdy Baetiong Pariño January 28, 2022 at 9:17 am

Ano ang mga aral at hamon ng mga pagbasa ngayon?

Sa Unang Pagbasa, batid natin na si David ay taong matuwid at isang malakas na hari, subalit nabatid din natin ang kanyang kahinaan. At ang kahinaan ng isang tao ay batid din nu Satanas at dyan nya tayo sisiluin. At doon magsisimula na mararamdaman mo ang epekto ng pagawa ng masama lalo na ang pakiki-apid o pangangalunya, kapahamakan ang siguradong dulot nito. Huwag tayong pakahulog sa mga panandaliang sarap na alok ng demonyo. Kaya’t nararapat na ipanalangin natin sa Diyos na lukuban tayo ng espiritu santo na makayanan nating labanan ang tukso. Dasalin araw araw ang panalangin na itinuro mg ating Ama, “huwag nyo po kaming ipahintulot sa tukso , at iadya nyo kami sa lahat nga masama”.

Ang hamon ng ebanghelyo ngayon ay ang pagsasabuhay ng mga Salita ng Diyos. Huwag nating basta basahin o pkinggan ang mga Mabuting Balita, isapuso natin ito at isaisip. Ito lamang nag ating gawing batayan, gawin natin itong gabay sa lahat ng ating iisipin, sasabihin at gagawin at hindi tayo maliligaw ng landas. At kapag tyo namunga na ay hitik maging ang mga ibon ay gagawin pugad ang ating mga sanga, ibig sabihin ay may misyon din tayong magpatotoo kay Hesus upang katulad ng isang sanga ay maging kapaki pakinabang tayo sa iba.

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: