Lunes, Enero 10, 2022

January 10, 2022

PANALANGIN NG BAYAN
Unang Linggo sa Karaniwang Panahon
Lunes

Bilang bayan na hinirang ng Diyos, iluhog natin sa ating Ama ang pangangailangan ng lahat ng tao:

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Amang humirang sa amin, pagpalain Mo ang aming buhay.

Ang mga pastol ng Simbahan na tinawag ng Diyos upang mamalakaya ng mga tao nawa’y makaharap sa mga hamon ng pagbabago sa pamamagitan ng pagpapahayag ng Ebanghelyo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga misyonero nawa’y maging mga mabisang tagapagpahayag ng Ebanghelyo sa pamamagitan ng pagsaksi sa kanilang buhay, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga hinirang ng Panginoon sa paglilingkod sa kanya nawa’y bukas-loob na makatugon sa kanyang tawag, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit, mga nalulumbay, mga nababagabag, at yaong mga naghihirap sa isip at kalooban nawa’y hipuin at pagalingin ng Panginoon, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang ating mga mahal na yumao nawa’y mabuhay sa kapayapaan ng Panginoon, manalangin tayo sa Panginoon.

Panginoong Diyos, gawin mo kaming karapat-dapat na isakatuparan ang alinmang gawaing nais mong gawin namin sa pamamagitan ng lakas ng aming Panginoong Jesu-Kristo. Amen.

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 7 comments… read them below or add one }

Mark Jefferson Criste November 2, 2021 at 10:30 pm

Salamat sa Diyos!

Reply

Reynald Perez January 9, 2022 at 3:05 pm

PAGNINILAY: Matapos ang ating masayang pagdiriwang ng Pagkakatawang-tao ni Hesus bilang Sanggol noong Kapaskuhan, sinisimulan natin ngayon ang mahabang paglalakbay ng Karaniwang Panahon. Bagamat ordinaryo ang Pampublikong Ministeryo ni Hesus, mayroong mga espesyal na pagpapala na matutunghayan natin mula sa mga pangangaral at kababalaghan ni Kristo.

Ang Unang Pagbasa ay ang simula ng aklat ni Propeta Samuel, ang huling hukom ng Israel bago pa man napasailalim ang bayan sa paghahari ng isang hari. Nagsisimula ang kwento sa talambuhay na Ana, isang babaeng baog na mas kinalulugod pa ng kanyang aswang si Elcana kaysa kay Penina, ang isa pang asawa na nagdalang-tao ng dalawang anak na lalaki. Tuwing sila’y naglalakbay nang taimtim papuntang Silo, bibigyan ni Penina ng pagkain si Ana, subalit tumanggi lang ito. Kahit tanungin pa ni Elcana kung bakit hindi kumakain nito, wala mang isinasagot si Ana. Makikita natin sa kwento na parang kahihiayan sa mata ni Ana na siya’y baog at hindi pa manganganak. Subalit matutunghayan natin sa susunod na araw kung paano siyang naging matapat sa Panginoong Diyos sa kabila ng kanyang pinagdadaanang sakit. At si Ana ay magluluwal din ng isang batang sanggol, na kamakailang makalipas ay makikila bilang Samuel, ang huling hukom ng Israel.

Ang Ebanghelyo ngayon ay nagpapahiwatig ng unang ministeryo ni Hesus sa Galilea. Dito ipinahayag niya na ang Paghahari ng Diyos ay pumarito na, at ang paanyaya ay pagbabalik-loob mula sa mga kasalanan at pagsasampalataya sa Mabuting Balita. Makikita natin ang Paghahari ng Diyos na kapiling natin kapag lumalago ito sa pamamagitan ng pag-ibig, katarungan, at kapayapaan. At upang ipahayag ang mga values na ito, tayo’y tinatawag ni Hesus katulad ng mga unang 4 na alagad na maging mga “mamalakaya ng tao”. Madalas ito ay ginagawa ng SImbahan sa pamumuhay ng mga pastol at pastor sa pagpaparangal ng Mabuting Balita at pakikiisa sa mga pangangailangan ng mga tao sa bawat komunidad/parokya. Tayo rin ay inaanyayahang tumugon sa tawag ni Kristo na ipahayag ang Mabuting Balita sa ibang tao at maging mga saksi para sa kanya sa paggawa ng katuwiran at kabutihan sa ibang tao.

Ngayong nasa makabagong panahon tayo, may mga epektibong paraan upang ipalaganap ang Kaharian ng Diyos sa lahat. Kahit ang plataporma ng social media ay maaring gamitin upang ipalaganap ang mga tamang impormasyon tungkol sa mga nangyayari sa paligid natin, at hindi ipagkalat ang mga pekeng balita upang makapagpanakit at makapanira ng ibang tao. Nawa’y alalahanin natin na ang Paghahari ng Panginoon ay patuloy na lalaganap kung tayo’y tutugon sa misyon ng “Evangelization” upang dumaloy ang pagmamahal, kapayapaan, at katarungan sa isa’t isa.

Reply

Nenenn January 11, 2022 at 7:07 am

Pinupuri ka namin Panginoon ! Sa bawat araw nga aming paglakakbay. Aleluya. Purihihin and salita ng Dyos. Aleluya.

Reply

Jinnel January 10, 2022 at 7:03 am

Panginoon ko sa lang araw araw kung paglalakbay, indi man ako naging pare o lemenester, naway makatugon ako sa iyong pagtawag, lalo n sa aking pamlya at sa aking kumunidad. Amen. Purihin ang Diyos. Dinggin mo ang aking panalangin at panalangin ng buong mundo. In the mighty name of your aon Jesus Christ our saviour. Amen

Reply

Densil January 11, 2022 at 3:55 am

Amen

Reply

Ferdy Baetiong Pariño January 10, 2022 at 9:12 am

Ano ang aral at hamon ng ating ebenghelyo ngayon?

Tahasang sinabi ni Hesus na “Pagsisihan nyo at talikdan ang mga kasalanan at maniwala sa Mabuting Balita”.

Kamusta ang iyong pamumuhay ngayon? Naaayon ba sa kalooban ng Diyos? O tayo ay nanatiling walng takot sa Panginoon sa paggawa ng masama? Katulad ng: Katakawan sa laman at kamunduhan, pangangalunya, pakikiapid, pagnanasa sa hindi asawa o pag aari, pagiging ganid, mukhang pera, madamot sa mahihirap, naninirang puri o tsismosa, nagnanakaw, nandaraya, palamura, lulong sa bisyo, pala-away, mayabang, mapagmalaki at hindi marunong magpatawad ng kapatid, ng kapwa at ng kaaway.

Nanawagan sa atin si Hesus sa ebanghelyo ngayon, pagsisishan na natin ang mga gawaing ito, humingi ng kapatawaran at sikapin ng matalikuran ang gawang palalo. Matakot tayo sa Diyos, huwag tayong magmalaki porket tayo ay pera ngayon, hindi nagugutom, may ari arian, may posisyon, may kapanhyarihan, malakas at walang sakit. Sapagkat anumang oras at sa isang iglap lamang ay kayang bawiin ng Diyos kung ano ang meron ka ngayon maging ang buhay mo at mga mahal sa buhay.

Magbalik loob kay Hesus at magbago.

Reply

Guendolyn Chiong January 10, 2022 at 10:18 pm

Salamat sa Diyos!

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: