Martes, Enero 4, 2022

January 4, 2022

PANALANGIN NG BAYAN
Martes Kasunod ng Pagpapakita ng Panginoon

Ang Diyos Ama lamang ang makatutugon sa pagkagutom ng puso at kaluluwa kaya’t idulog natin sa kanya ang ating mga pangangailangan.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Banal na Pastol, pakanin Mo ang iyong bayan./strong>

Ang Simbahan nawa’y maimulat sa mga kasapi nito ang pagkagutom at pagkauhaw sa Tinapay ng Buhay na walang hanggan, manalangin tayo sa Panginoon.

Atin nawang maunawaan na ang mga hinahanap ng puso ay hindi matutugunan ng paghahangad sa makamundong tagumpay o mga materyal na bagay, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga nagsasayang ng kanilang panahon sa walang silbing paghahanap ng kaligayahan sa maling paraan nawa’y matagpuan ang tamang landas at layunin nila sa buhay, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga may karamdaman at kapansanan nawa’y itaguyod at aluin ng kanilang pamilya at mga kaibigan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga namayapa na ay makasalo nawa sa walang hanggang piging sa Langit, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming makapangyarihan, ibinigay mo sa amin ang tinapay mula sa Langit bilang pagkain sa aming paglalakbay dito sa lupa. Gabayan mo ang aming mga hakbang sa daan ng katarungan at kapayapaan. Idinadalangin namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 3 comments… read them below or add one }

Mark Jefferson Criste November 2, 2021 at 10:27 pm

Salamat sa Diyos!

Reply

Reynald Perez January 2, 2022 at 9:57 am

PAGNINILAY: Patuloy tayo sa pagninilay ngayong “Epiphany week” tungkol sa pagpapahayag ng Panginoon sa ating katauhan. At ngayong araw na ito, tinutunghayan natin ang ating Diyos na marunong magbahagi.

Kaya nga ang Ebanghelyo ngayon ay nagpapakita sa ating Diyos bilang maawaain at mapagmalasakit. Pinapakain niya ang napakaraming tao ng kanyang mga salita at kababalaghan, at sa huli ng 5 tinapay at 2 isda na kanyang pinadami. Makikita dito sa salaysay na ito ang kapangyarihan ng Salita na magbigay-buhay tungo sa tamang pamumuhay ayon sa dakilang kalooban. At makikita din dito ang kapangyarihan ng Katawan na magbahagi sa mga nangangailangan.

Kaya ang “epipaniya”ay nakikita araw-araw sa Sakramento ng Eukaristiya dahil pinapabusog tayo ng maawaaing Panginoon ng kanyang Salitang buhay at Katawang banal. Ang Misa ay alaala ng kanyang paghahandog sa Krus upang tayo’y mailigtas at bigyan ng bagong buhay. Kung siya pa ay patuloy na nagbabahagi ng kanyang sarili sa pamamagitan ng kanyang presensiya sa atin, paano pa kaya kung mayroon din tayong mga biyaya at inaanyayahang ibahagi rin sa ibang tao ang mga natanggap na grasya?

Higit sa lahat, tayo ay inaanyayahan ni San Juan Apostol sa Unang Pagbasa na ibahagi natin ang ating pagmamahal sa kapwa, tulad ng ating Diyos na mapagmahal sa atin.

Reply

Ferdy Baetiong Parino January 4, 2022 at 12:15 pm

Ang Unang Pagbasa ay pagpapa-alala sa atin na ang Diyos ay Pag-ibig. Kung wala ang Diyos sa ating mga ouso ay wala ding Pag-ibig tayong maibibigay sa kapwa. Kung walang pag-ibig ay ano na lamang angbmangyayari sa ating mundo? Giyera, katakawan, Ganid, pagpatay, paninirang puri, kamunduhan, pagnanakaw, pagnanasa at iba pang kaguluhan. Ang pag ibig sa kapwa kagaya ng pagmamahal sa ating safili ang tanging susi ng kapayapaan at tunay na kaligayahan.

Ang ating ebanghelyo ay ang pagpapakain ni Hesus ng limang libong tao gamit ang limang tinapay at dalawang isda lamang. Ito ay isang pagpapatunay na walang imposible sa Panginoon.

Ang dala sa atin nito ay pag-asa. Humiling ka lamang at ipagkakaloob sa iyo basta’t sundin mo lamang ang hinihiling din sa atin ni Hesus… Ang sumampalataya sa kanya at sumunod sa kalooban nya. Walang hindi mapangyayari ang Diyos kunh ikaw lamang ay magtitiwala at tatalikdan ang kasamaan.

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: