Lunes, Enero 3, 2022

January 3, 2022

PANALANGIN NG BAYAN
Lunes Kasunod ng Pagpapakita ng Panginoon

Lumapit tayo ngayon sa Ama na tumupad sa kanyang pangako nang isugo niya sa atin ang kanyang Anak upang ihatid ang Kaharian ng Diyos dito sa lupa.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Ama ng Liwanag, sumikat ka nawa sa amin./strong>

Ang Santo Papa, ang mga obispo, at ang kaparian nawa’y maipahayag sa kanilang salita at gawa ang presensya ng Kaharian ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga pinuno ng pamahalaan nawa’y magbigay ng liwanag sa “mga taong nabubuhay sa dilim” sa pamamagitan ng kanilang tapat na paglilingkod sa mga ito, manalangin tayo sa Panginoon.

Atin nawang tanggapin ang presensya ng Diyos sa ating piling sa pamamagitan ng pagmamahalan at pagpapatawad sa isa’t isa, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mensahe ng pag-ibig ng Diyos nawa’y patuloy na maramdaman sa buhay ng mga dukha at maysakit sa kabila ng mga paghihirap na kanilang dinaranas, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga tapat sa Panginoon na yumao na ay makatagpo nawa ng walang hanggang kapahingahan, manalangin tayo sa Panginoon.

Diyos na aming Ama, ang pagdating ng iyong Anak ay nagbigay sa amin ng liwanag at pag-asa. Gawin mo kaming mga kasangkapan upang ang liwanag na iyon ay sumikat din sa iba sa pamamagitan ng aming mga salita at gawa. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 2 comments… read them below or add one }

Reynald Perez January 2, 2022 at 9:57 am

PAGNINILAY: Tayo ngayon ay nasa “linggo ng Epipanya” o tinatawag na “Epiphany weeks”. Patuloy nating ipinagdiriwang ang kadakilaan ng Diyos ngayong Kapaskuhan sa pagkatawang-tao ng kanyang Anak na si Hesukristo hanggang sa pagtatapos nito sa Kapistahan ng Pagbibinyag (Enero 10, 2021). Ngunit kung titignan natin ang mga Ebanghelyo, hindi na ito tungkol sa pagsilang o kaya sa pagiging bata ng Sanggol, kundi ito ay ang Pampublikong Ministeryo ng ating Panginoong Hesukristo. Subalit may kaugnayan ito sa Pasko at Epipanya sapagkat ipinapakita dito ang katuparan ng plano ng Diyos nang mangaral si Kristo at gumawa ng iba’t ibang kababalaghan.

Ang Ebanghelyo ngayon ay ang pagsisimula ng ministeryo ni Hesus sa Galilea. Una niyang ipinahayag ang pagbabalik-loob sapagkat narito na ang Kaharian ng Diyos. Ito ay tumutukoy sa Mabuting Balita tungkol sa paghahari ng Diyos sa ating buhay, na dapat ang maghari sa atin ay kapayapaan, katarungan, at pag-ibig. Kaya si Hesus ay ang Liwanag ng mundo na nagpapalibot sa bayang naninirahan sa kadiliman.

Ang ilaw ng Pagsilang ni Kristo ay siyang naging ilaw ng kanyang pakikimayan sa buhay ng tao upang turuan ito tungkol sa Paghahari ng Diyos Ama. Kaya si Hesus ay nangaral tungkol sa kanyang Ama at gumawa ng mga kababalaghan ng pagpapagaling sa mga maysakit. Kaya ito ang kaharian nais ipakita ng Panginoon na kung saan naroroon ang pagmamahalan, pagiging mapayapa, at matuwid na pamumuhay.

Kaya si San Juan Apostol sa Unang Pagbasa ay naghihikayat sa atin na magmahalan at manalig kay Kristo upang hindi tayo kailanma’y maligaw ng landas. Kung gagawa natin ang tama at mabuti, hindi mananaig ang kasamaan sa ating mga buhay. Tayo ngayon ay bumabalik na sa kanya-kanyang trabaho at ordinaryong gawain matapos ang mahabang bakasyon noong Pasko at Bagong Taon. Ngunit patuloy nating isinasariwa ang diwa ng Kapaskuhan sa pagdaan sa liwanag ng Panginoon at pamumuhay ayon sa turo at aral niya.

Reply

Ferdy Baetiong Pariño January 3, 2022 at 10:47 am

Sa ating ebanghelyo ngayon ay naglinot si Hesus, nangaral at nagpagaling ng mga maysakit. Ang sakit ay hindi lamang literal na karamdaman. Sinabi nga ni Hesus na na hindi nangangailanagn ng manggagamot ang walang sakit. Ang ibig sabihi’y hundi lamang ang mga banal ang ipinunta ng Diyos dito. Ang mga makasalan ang sadya ni Hesus. Kinalulugdan ng Diyos ang taong nagbabalik loob sa kanya na dating naligaw ng landas. Matatandaan na iniwan ng Mabuting pastol ang 99 na tupa upang hanapin ang isang nawawala. At nang matagpuan nya ito ay nagdiwang sya.

Nais iparating ng Mabuting Balita na hindi pa huli ang lahat para sa mga makasalanang tao. Sinabi ni Hesus sa ebanghelyo ngayon na: “Pagsisihan nyo na at talikdan ang inyong mga kasalanan sapagkat malapit ng maghari ang Diyos”. Ang Diyos ay mahabagin at mapagpaptawad, binibigyan tayo ng pagkakataon na magbago at sikapin ng matalikuran ang kasamaan.

Samantalahin natin ang panibagong taon na ito upang masimulan ang pamumuhay alinsunod sa kautusan ng Diyos at gawin nating gabay ang mga aral ng Mabuting Balita, sa ganitong paraan ay hinding hindi tayo maliligaw at mapapahamak, pawang kapayapaan at tunay na kaligayahan lamang ang ating mararamdaman.

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: