Linggo, Disyembre 12, 2021

December 12, 2021

PANALANGIN NG BAYAN
Patnubay sa Misa

Sa gabay ng mga pangaral ni Juan Bautista, napagtanto natin nang malinaw ang pangangailangan sa pagbabalik-loob at sa ating kahinaang magkaroon nito. Hilingin natin ang tulong ng Panginoon sa taimtim nating panalanging:

Panginoon, bigyan Mo kami ng bagong kalooban!

Para sa Simbahang Panlahat, sa Santo Papa at iba pang mga pinuno nito: Nawa matagumpay nilang maitaguyod sa ating panahon ang misyon ni Juan na akayin ang mga tao para magbalik-loob. Manalangin tayo!

Para sa mga natutuksong maghanap ng kaligayahan nang malayo sa Panginoon: Nawa alalahanin nilang nasa pagtupad lamang ng kalooban ng Diyos ang kagalaka’t kalayaang walang hanggan. Manalangin tayo!

Para sa mga Kristiyanong inuusig dahil sa kanilang pananampalataya: Nawa ay tumindig sila ng matatag at hindi panghinaan ng loob, pinatatatag ng pagpapala ng Diyos at mga panalangin at suporta ng lahat ng bansa. Manalangin tayo!

Para sa mga malapit ng mamatay: Nawa ay maging handa silang harapin ang Banal na Hukom na may tapat na pagsisisi sa kanilang mga kasalanan at pakumbabang pagtitiwala sa kanyang awa. Manalangin tayo!

Tahimik nating ipanalangin ang ating mga pansariling kahilingan. (Tumigil saglit.) Manalangin tayo!

Diyos ng liwanag, itulot Mong ang aming asal ay maging laging alinsunod sa Ebanghelyo ng buhay naming ipinahahayag at pagpapatotoo kay Hesus, na siyang bukal ng aming kagalakan, at siyang nabubuhay at naghahari magpakailanman Amen!

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 4 comments… read them below or add one }

Reynald Perez December 13, 2018 at 11:52 pm

Pagninilay: Ang Ebanghelyo ay patuloy na ipinapakilala sa atin ang katauhan ni San Juan Bautista ngayong Panahon ng Adbiyento hindi lang bilang pinsan ng Panginoon, kundi bilang tagapaghanda ng kanyang daraanan. Ang mga tao ay namangha sa kanyang pahayag na tuwirin ang mga landas, patagin ang mga burol, at punuin ang mga lambak. Kaya tinanong nila si Juan kung ano ang kanilang gagawin, at ang naging tugon niya ay magbahagi ng mga pagkain at damit lalung-lalo sa mga nangangailangan. Pati rin mga mangingil ng buwis hinikayat niyang huwag mandaya, at pati rin mga sundalong Romano hinikayat niyang huwag mangotong. Sa kabuuan, pinatotoo ni San Juan Bautista sa mga tao sa Ilog Jordan na siya ay isang dakilang propeta, ngunit may mas dakila pang kaysa sa kanya ang darating, at hindi siya karapat-dapat na ikalas ang sandalyas nito. Makikita natin ang kababang-loob ni Juan na ipahayag na ang kanyang pinsan na si Hesukristong Anak ng Diyos ay darating bilang Tagapagligtas ayon sa katuparan ng plano ng Diyos. Kaya ang paanyaya ng tinig sa ilang ay magsisi at magbalik-loob sa Panginoon. Ito yung ating ginagawa ngayong Adbiyento bilang paghahanda sa Pagdating ni Kristo. Ipinahayag din ni Propetang Sofonias na kailangan nating magalak sa pagdating ng kaligtasan na para sa lahat. At ngayong Linggo ay tinatawag na “Linggo ng Katuwaan” o “Gaudete”. Makikita po natin sa Antipona sa Pagpasok na hango sa Ikalawang Pagbasa ngayon na tayo ay palaging magalak sa Panginoon sapagkat siya ay malapit nang dumating. Sa ating mga simbahan, makikita po natin ang Pari ay minsan nagsusuot ng kulay-Rosas na kasulya, at ang kulya-Rosas na kandila sa Korona ng Adbiyento ay sinsindihan. Ang panawagan ng Linggo ng Gaudete ay sa kabila ng ating pagsisisi at paghihingi ng tawad ngayong Adbiyento, kailangan nating magalak sapagkat tayo’y nasa kalagitnaan ng panahon, at malapit na ang Kapistahan ng kaligtasan ng Diyos na dumating sa ating noong unang Kapaskuhan ng Pagsilang. At tayong mga Pilipino ay talagang naghahanda upang maging masaya ang bawat pagdiriwang ng Pasko, kaya tayo ay nagtitipon upang sa loob ng siyam na araw ay idaraos ang Simbang Gabi bilang pananabik sa Pagsilang ni Hesus. At mahalaga rin dito sa liturhiya ngayon na ang kagalakang iyon ay kinakailangan ibahagi sa ibang tao. Sabi nga ni Christopher Mccandless sa huling hantungan ng kanyang buhay, “Happiness is only real when shared.” Nawa’y pakinggan natin ang mensahe ni San Juan Bautista na gumawa ng katuwiran at kabutihan sa bawat tao upang patuloy nating ibahagi ang kagalakan ng Panginoon sa isa’t isa.

Reply

Melba G. De Asis December 15, 2018 at 8:35 pm

Nawa’y makagawa ako ng kabutihan sa aking kapwa sa lahat ng oras. Panginoon gabay Mo po at patnubay nawa’y mapasaamin at puspusin mo po kami ng Iyong kabanal banalang Ispiritu Santo at pagpapala. Ang lahat ng ito-‘y hinihiling at itinataas ko sa Pangalan ng Panginoon ng may pasasalamat. Amen

Reply

Reynald Perez December 5, 2021 at 5:57 am

Pagninilay: Ang Ebanghelyo ay patuloy na ipinapakilala sa atin ang katauhan ni San Juan Bautista ngayong Panahon ng Adbiyento hindi lang bilang pinsan ng Panginoon, kundi bilang tagapaghanda ng kanyang daraanan. Ang mga tao ay namangha sa kanyang pahayag na tuwirin ang mga landas, patagin ang mga burol, at punuin ang mga lambak. Kaya tinanong nila si Juan kung ano ang kanilang gagawin, at ang naging tugon niya ay magbahagi ng mga pagkain at damit lalung-lalo sa mga nangangailangan. Pati rin mga mangingil ng buwis hinikayat niyang huwag mandaya, at pati rin mga sundalong Romano hinikayat niyang huwag mangotong. Sa kabuuan, pinatotoo ni San Juan Bautista sa mga tao sa Ilog Jordan na siya ay isang dakilang propeta, ngunit may mas dakila pang kaysa sa kanya ang darating, at hindi siya karapat-dapat na ikalas ang sandalyas nito.

Makikita natin ang kababang-loob ni Juan na ipahayag na ang kanyang pinsan na si Hesukristong Anak ng Diyos ay darating bilang Tagapagligtas ayon sa katuparan ng plano ng Diyos. Kaya ang paanyaya ng tinig sa ilang ay magsisi at magbalik-loob sa Panginoon. Ito yung ating ginagawa ngayong Adbiyento bilang paghahanda sa Pagdating ni Kristo. Ipinahayag din ni Propetang Sofonias na kailangan nating magalak sa pagdating ng kaligtasan na para sa lahat. At ngayong Linggo ay tinatawag na “Linggo ng Katuwaan” o “Gaudete”. Makikita po natin sa Antipona sa Pagpasok na hango sa Ikalawang Pagbasa ngayon na tayo ay palaging magalak sa Panginoon sapagkat siya ay malapit nang dumating. Sa ating mga simbahan, makikita po natin ang Pari ay minsan nagsusuot ng kulay-Rosas na kasulya, at ang kulya-Rosas na kandila sa Korona ng Adbiyento ay sinsindihan. Ang panawagan ng Linggo ng Gaudete ay sa kabila ng ating pagsisisi at paghihingi ng tawad ngayong Adbiyento, kailangan nating magalak sapagkat tayo’y nasa kalagitnaan ng panahon, at malapit na ang Kapistahan ng kaligtasan ng Diyos na dumating sa ating noong unang Kapaskuhan ng Pagsilang. At tayong mga Pilipino ay talagang naghahanda upang maging masaya ang bawat pagdiriwang ng Pasko, kaya tayo ay nagtitipon upang sa loob ng siyam na araw ay idaraos ang Simbang Gabi bilang pananabik sa Pagsilang ni Hesus. At mahalaga rin dito sa liturhiya ngayon na ang kagalakang iyon ay kinakailangan ibahagi sa ibang tao. Sabi nga ni Christopher Mccandless sa huling hantungan ng kanyang buhay, “Happiness is only real when shared.”

Nawa’y pakinggan natin ang mensahe ni San Juan Bautista na gumawa ng katuwiran at kabutihan sa bawat tao upang patuloy nating ibahagi ang kagalakan ng Panginoon sa isa’t isa.

Reply

Analyn Mangona December 12, 2021 at 2:00 am

Ang Papuri at pasasalamat ay sayo PANGINOON DIYOS AMA at PANGINOON HESUKRISTO. Amen???

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: