Podcast: Download (Duration: 5:30 — 5.4MB)
Sabado ng Ika-2 Linggo sa Panahon ng Pagdating ng Panginoon
o kaya Paggunita kay San Damaso I, papa
Sirak 48, 1-4. 9-11
Salmo 79, 2ak at 3b. 15-16. 18-19
Akitin mo, Poong mahal,
iligtas kami’t tanglawan.
Mateo 17, 10-13
Subscribe to Awit at Papuri Communications YouTube Channel
Saturday of the Second Week of Advent (Violet)
or Optional Memorial of St. Damasus I, Pope (White)
UNANG PAGBASA
Sirak 48, 1-4. 9-11
Pagbasa mula sa aklat ni Sirak
Noong mga araw na iyon, lumitaw si Elias na parang apoy,
parang sulong nagliliyab ang kanyang mga salita.
Dahil sa alab ng kanyang galit sa kanilang kasamaan,
pinadalhan niya sila ng taggutom, at marami sa kanila ang nangamatay.
Sa pangalan ng Diyos, pinigil niya ang ulan,
at tatlong ulit siyang nagpaulan ng apoy.
Kagila-gilalas ang iyong mga kababalaghan, Elias!
Sino ang makatutulad sa mga ginawa mo?
Sa wakas, iniakyat ka sa langit ng isang ipo-ipo,
lulan ng isang karwaheng hila ng mga kabayong nag-aapoy.
Nasusulat na ikaw ay babalik sa takdang panahon,
upang paglubagin ang galit ng Diyos bago sumapit ang takdang araw;
para pagsunduin ang mga magulang at mga anak,
at muling tipunin ang mga lipi ng Israel.
Mapapalad ang mga makakakita sa iyo
at yaong mga namatay na umiibig sa Diyos,
sapagkat kami rin ay mabubuhay.
Ang Salita ng Diyos.
SALMONG TUGUNAN
Salmo 79, 2ak at 3b. 15-16. 18-19
Akitin mo, Poong mahal,
iligtas kami’t tanglawan.
Pastol ng Israel, kami ay pakinggan;
mula sa trono mong may mga kerubin, kami ay tulungan.
Sa taglay mong lakas, kami ay iligtas, at tubusin sa hirap!
Akitin mo, Poong mahal,
iligtas kami’t tanglawan.
Ika’y manumbalik,
O Diyos na Dakila!
Pagmasdan mo kami mula sa itaas,
at ang punong ito’y muling pagyamanin, at iyong iligtas.
Lumapit ka sana,
ang puno ng ubas na itinanim mo ay iyong iligtas,
yaong punong iyon na pinalago mo’t iyong pinalakas!
Akitin mo, Poong mahal,
iligtas kami’t tanglawan.
Ang lingkod mong mahal
ay iyong ingatan, yamang hinirang mo ay iyong ipagsanggalang,
iyong palakasin bilang isang bansang makapangyarihan!
At kung magkagayon,
magbabalik kami’t di na magtataksil sa ‘yo kailanman,
kami’y pasiglahi’t aming pupurihin ang iyong pangalan.
Akitin mo, Poong mahal,
iligtas kami’t tanglawan.
ALELUYA
Lucas 3, 4. 6
Aleluya! Aleluya!
Daan ng Poong nar’yan na
t’wiri’t ihanda sa kanya
Pagtubos n’ya’y makikita.
Aleluya! Aleluya!
MABUTING BALITA
Mateo 17, 10-13
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo
Habang bumababa sila sa bundok, tinanong si Hesus ng mga alagad, “Bakit po sinasabi ng mga eskriba na dapat munang pumarito si Elias?” Sumagot siya, “Paririto nga si Elias upang ihanda ang lahat ng bagay. Sinasabi ko sa inyo na pumarito na si Elias, ngunit hindi siya nakilala ng mga tao. At kanilang ginawa sa kanya ang gusto nila. Gayon din naman, pahihirapan nila ang Anak ng Tao.” At naunawaan ng mga alagad na si Juan Bautista ang tinutukoy niya.
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
Pages: 1 2
« Biyernes, Disyembre 10, 2021
Linggo, Disyembre 12, 2021 »
{ 10 comments… read them below or add one }
Salamat sa Diyos!
Pagninilay
Introduksiyon
PAGNINILAY: Ang Unang Pagbasa ay ang pangitain ni Sirak ukol kay Propeta Elias na nababalot sa isang ipo-ipo, na dumarating na nakasakay sa isang nagliliyag na karwahe. Ang misyon ni Elias sa kanyang pagbabalik ay ang pagwakas sa galit at kaguluhan upang tipunin ang lahat patungo sa Panginoong dumarating. Kaya naman ang Ebanghelyo AHY patungo sa tunay na Propeta Elias na dumating hindi lang bilang Hukom, kundi bilang isa ring pastol. Ayon sa mga manunulat ng Bagong Tipan, ganun na rin ng mga guwardiya ng patuloy na nagbabantay at nananabik sa pagdating ng Panginoon dahil sinasagisag ni propeta Elias si San Juan Bautista. Sa pamamagitan ng kanyang mensahe ng pagpapatawad at pagsisisi, inihanda ni Juan ang isang bayan para sa pagdating ng Panginoon.
Ngayong Adbiyento, tinatawag tayo na maging mga propeta ng Diyos katulad nina Elias at San Juan Bautista. Sa pagiging tunay na saksi ni Kristo sa paghahanda nang totoo ang daan para sa pagdating iyon, tayo rin nawa ay makibahagi sa kaligtasang ipinagkaloob sa atin ng Diyos, lalung-lalong malapit na tayong pumasok sa Kapaskuhan ng Pagsilang ng Panginoon.
Amen
Pinupuri ka namin Panginoon Hesuskristo. Amen. Aleluya
Ang ating ebanghelyo ngayon ay patungkol sa pinsan ni Hesus na si San Juan Bautista. Na ang layon ay ihanda ang daraan ni Hesus sa kanyang pagdating.
Ang daan ay nais linisin ni San Juan ay tayo, kailangan na maging handa tayo sa pgdating nya. Paano maging handa? Lahat tayo ay makasalan sapagkat tayo ay tao lamang subalit tayo ay kakayahang mamili kung sa tama o mali ang lahat ng ating iisipin, sasabihin at gagawin. Para maging handa ay kailangan na tayo ay magsisi sa ating mga gawang mali, ihingi ito ng kapatawaran sa Ama, at sikapin ng matalikuran ang kasamaan ng sa gayon ay maisakatuparan natin ang pagiging handa. Kung ito naman ay nagawa mo na at naramdaman ang tunay na kaligayahan ay tularan mo nman si San Juan na tumulong sa paghikayat ng ibang tao na maging handa din sa pamamagitan ng pagpapatotoo tungkol ka Hesus. Amen
Praise to you lord Jesus Christ…Amen
Salamat sa diyos
Pinupuri ka namin panginoong hesukristo!!
Ang Mga papuri at pasasalamat namin ay para sayo PANGINOON DIYOS AMA at PANGINOON HESUKRISTO. Amen???