Linggo, Disyembre 5, 2021

December 5, 2021

PANALANGIN NG BAYAN
Patnubay sa Misa

Sa ating pang-Adbiyentong paglalakbay, lalo nating nauunawaang kailangan ang paghahanda ng daan para sa Panginoon sa pamamagitan ng puspusang pansariling pagpapakabuti. Hilingin natin ang kanyang tulong dito habang isinasamo nating:

Panginoon, gawin mo kaming dalisay!

Para sa Simbahan at mga namumuno rito: Gaya ni Juan Bautista, matagumpay nawa nilang maihanda ang mga puso ng mga tao sa pagsalubong sa Panginoon sa pamamagitan ng kanilang turo at mabuting halimbawa. Manalangin tayo!

Para sa lahat ng napariwara sa kanilang buhay: Nawa dinggin nila ang panawagan ni Juan na sila’y magsisi sa Adbiyentong ito at magkamit ng bunga ng tapat na pagbabalik-loob. Manalangin tayo!

Para sa nag-aakalang nakaa-angat sila sa iba: Nawa magamit nila ang kanilang talino sa pagtulong sa mahihina alang-alang sa diwa ng paglilingkod at pakikiisa sa kapatid. Manalangin tayo!

Para sa mga taong natatangay ng pagkamuhi, kapusukan, at kasakiman: Nawa, alang-alang sa diwa ng Adbiyento, manunton sila sa landas tungo sa katarungan at kapayapaan. Manalangin tayo!

Para sa mga may HIV/AIDS: Nawa, patuloy silang umasa kay Hesus, sa kabila ng kanilang karamdaman, at sila nawa ay bigyan ng pangangalagang tulad ng kay Kristo ng mga taong nagmamalasakit sa kanila. Manalangin tayo!

Sa mga nasa panganib na magkaroon ng HIV dahil sa kanilang uri ng pamumuhay: Mapagtanto nawa nila na ang mga utos ng Diyos ay upang sila ay pangalagaan at bigyan ng buhay na tunay na malaya sa mga mapang-alipin. Manalangin tayo!

Para sa ating lahat: Sa paghahanda natin sa pagtatapos ng Taon ni San Jose, nawa mas maging pursigido tayong purihin siya sa pamamagitan ng pagtulad sa kanyang mga katangian. Manalangin tayo!

Tahimik nating ipanalangin ang ating mga pansariling kahilingan. (Tumigil saglit.)
Manalangin tayo!

Panginoong Hesus, tibayan mo ang aming kalooban sa paghahawan ng matuwid na daan para sa iyo. Punuin mo ang mga lambak ng aming pagkasiphayo, patagin ang mga bundok ng aming pagmamataas, at iayos ang aming baku-bakong daan. Isinasamo namin ito sa pamamagitan ni Hesus na aming Panginoon. Amen!

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 7 comments… read them below or add one }

Mark Jefferson Criste October 3, 2021 at 7:19 pm

Salamat sa Diyos!

Reply

Reynald Perez November 28, 2021 at 3:17 pm

PAGNINILAY: Tayo ngayon ay nasa Ikalawang Linggo ng Paghahanda para sa Pagdating ng Panginoon. At tuwing sumasapit ang Linggong ito, ang pinakabida ng ating pagdiriwang ay si San Juan Bautista, ang pinsan ng ating Panginoon. Sinasabi ni San Lucas sa panimula ng Ebanghelyo na si San Juan ay namuhay sa ilang samantala namumuno si Emperardor Tiberio sa Roma, Poncio Pilato bilang gobernador ng Judea, Herodes Antipas bilang hari ng Galilea, sina Annas at Caiafas bilang mga pinakapunong saserdote ng Sanhedrin, at iba pang mga malalakas at maimpluwensiyang larawan ng kapangyarihan sa Israel at Palestina. Makikita natin dito na sa kabila ng mga pinakimpluwensiyang pinuno, nagpakilala pa rin ang salita ng Diyos sa pangangaral ni San Juan Bautista. Sinasabi nina San Mateo at San Marcos na siya ay nagsuot ng mga damit galing sa kamelyo, at ang tanging kinain niya lamang ay matamis na pulot at mga mababangis na balang. At di akalaing ang ganitong kaanyuan ng kababang-loob ay siyang magiging impluwensiya sa pagpapahayag ng paghahanda para sa daraanan ng Panginoon.

Si Juan Bautista ay mismong nangaral sa ilang na ang tao ay maghanda sapagkat darating ang Panginoon, bilang katuparan sa propesiya ni Isaias (Cf. Isaias 40). At ang kaligtasang ipinahayag ni Juan ay sinasabing masusulyapin ng lahat ng tao. Kaya para kay San Lucas, ang planong pangkaligtasan ng Diyos ay para sa lahat, kahit sila’y Hudyo o Hentil man. Subalit upang makamtan ito, ang hamon ng Ebanghelyo ay pakikinig sa mensahe ni San Juan Bautista ukol sa panunumbalik ng kalooban tungo sa Panginoong Diyos. At sinasabi rin ni San Pablo sa Ikalawang Pagbasa na ang Panginoong nagbiyaya sa atin ng kaligtasan ay hinahangad na maganap ito sa atin sa huling hantungan ng buhay sa daigdig. Kaya hinihiyakat tayo ng Apostol na maging mapagmahal at mabuti sa ibang tao, alang-alang sa mga aral ng Mabuting Balita ni Kristo.

Kaya nawa’y paghandaan natin ngayong Adbiyento ang Pagdating ng Panginoon sa ating mga buhay sa pagpapakumbaba ng mga bundok sa pakikipagkapwa-tao, pagpupuno ng mga lambak ng kabutihan, at pagdidiretsyo ng mga baluktot ng daan sa pagtuturo at pamumuhay sa katuwiran at katotohanan.

Reply

Ferdy Baetiong Pariño December 5, 2021 at 11:56 am

Ikalawang linggo ng Adviento, ano ang ginawa nati ng nakaraang buong unang linggo ng Adviento? Inumpisahan mo na ba kapatid? O liko liko pa din ang iyong daan?

Ang ating ebanghelyo ngayon ni San Lucas ay tungkol kay San Juan na nagsabing “Pagsisihan nyo at talikdan ang inyong mga kasalanan upang tayo ay kaawaan at patawarin ng Diyos”. Ikalawang linggo, wag mong isipin na huli na, umpisahan mo ngayon kapatid, manikluhod at kausapin si Hesus, magsisi ka, yung wagas na pagsisi sa mga kabalastugan na nagawa mo laban kay Hesus. Pagkatapos ay ihingi mo ito ng kapatawaran, mahabagin ang Diyos, patatawarin nya tayo at muling lilinisin. At sikapin ng matalikuran ang paggawa ng hindi kalugod lugod sa Panginoon katulad ng pagnanasa sa pita ng laman, pandaraya, kadamutan, paninirang puri sa kapwa, tsismosa, pakikipag away, kayabangan, panlalait at pangmamaliit ng kapwa. Umpisahan mo na ding pag aralang patawarin ang nagkasala sa iyo, mahalin natin ang ating kapwa. Sabayan natin ang adviento, samantalahin natin ito. Unti unti na nating linisin ang ating mga sarili, kung nanaisin mo lamang ay tutulungan tayo ni Hesus na tuwirin ang ating daang liko-liko, sasamahan nya tayo na patagin ang daang baku-bako. Ihanda natin ang mga sarili sa pagdating nya. Amen

Reply

Edward C Ramirez December 5, 2021 at 1:52 pm

Salamat sa diyos

Pinupuri ka namin panginoong hesukristo!!

Reply

Ma. Johanna L. Carvajal December 5, 2021 at 3:58 pm

Maraming salamat Panginoon sa laging pagpapaalala sa amin na kami ay magbalik loob sa iyo. Maraming salamat Panginoon sa inyong pagmamahal sa amin sa kanila ng aming mga kasalanan at pagkukulang.

Reply

Bonns Umali December 6, 2021 at 7:51 am

REPLEKSYON NI KUYA BONNS
Marcos 1:1-8
Daraanan ng Panginoon, Nilinis ko na ba?

Sa ikalawang Linggo ng Adbiyento, si San Juan Bautista ang pumasok sa eksena; siya ang pinsan ng ating Panginoong Hesus, isa sa mga huwaran ng paglilingkod nang may kababaang loob. Alamin natin ang kanyang kaibang katayuan sa buhay, nanirahan sa ilang at nagsusuot ng damit na yari sa balat ng kamelyo. Siya’y may senturong yari sa balat. Balang naman at pulot-pukyutan ang kanyang kinakain. Ang kanyang misyon ay linisin ang daraan ng Panginoon, magbalik loob ang tao sa Diyos at talikdan ang mga kasalanan. Si Juan nga ang siyang tinutukoy ng Propetang Isaias nang kanyang sabihin, “Merong isang nagsisisigaw sa ilang, ihanda ang daraanan ng Panginoon”. Sa kanyang pangangaral hindi kaylanman nagpakita ng pagmamalaki o kayabangan sa halip ay ipinakita niya ang abang paglilingkod at ipinahayag niya na hindi man lang siya karapat-dapat na magkalag ng panyapak ng Panginoon. Iisa ang misyon ng magpinsan, ang ilapit ang tao sa Diyos, isang naglilinis ang daraanan sa pamamagitan ng pagbabautismo sa tubig at isang naman ay magbabautismo sa Espiritu. Ano nga ba ang kahalagahan ng tubig sa buhay ng tao, panglinis di po ba? Inaalis ang dumi upang maibalik sa dati kaanyuan, tulad ng ating mga kasalanan nililinis sa tuwing tayo ay lalapit at magsisisi (contrition) sa mga nagawang kasalanan sa pamamagitan ng Sakramento ng Pakikipagkasundo upang tayo ay maging karapatdapat tumanggap ng Katawan ng ating Panginoon sa anyong tinapay (Eukaristiya). Ganyan po ang isinisigaw ni San Juan ang paglilinis ng daraanan ng Manunubos, ang tanong? Nilinis ko na ba?
PAGNINILAY. Sa pagdating ni Hesus, ano kayang paghahanda ang ating gagawin at anong regalo ang ating maiihandog. Mas mainam na maglinis tayo ng ating sarili, alisin natin ang mga dumi ng ating pagkatao at maghandog ng isang natatangi at kaiba, hindi ang mga mamahaling regalo kundi ang magmahal at maglingkod sa kapwa ng may kababaang loob at gawing inspirasyon si San Juan Bautista! nagsasagawa ng misyon na kasuutan ay hinabing balat ng kamelyo ngunit tapat at totoo sa sinabi at isinasabuhay ng mula puso. Sabi nga po, “Walk what you preached!”. At ang pinakamabisang pamamaraan ay ang maging huwaran tayo ng ating kapwa hindi man tayo nagpapahayag ng Salita ng Diyos verbally, pero nakikita naman sa ating pamumuhay kung paano natin naisabuhay ang kanyang mga Salita. Hindi nasusukat sa ating kasuutan o katayuan sa buhay kundi kung papaano natin naipadama ang tunay at wagas na pag-ibig sa kapwa sa pagbibigay at pagkalinga sa mga nangangailangan (Generosity). Sabi nga po ni Mother Teresa ng Calcutta, “Evangelization is not preaching the Word of God, but being Christ to others”. Nakikita ba natin si Kristo sa ating kapwa? Naalala tuloy noong household head pa kami sa Couples for Christ (CFC), tinanong ko ang mga member namin kung bakit nag-join sila sa CFC, ang sagot ng isa, “dahil po nakita sa nag-sponsor sa amin ang katapatan at kababaang loob, na dati po’y magulo ang kanilang pamumuhay, nagiging flying saucer ang mga plato at pugad po ng sigawan at di pagkakasundo, ngayon po’y may kapayapaan at katahimikan na, kaya po kami naririto at nakiisa”. Ako kaya naging mabuting halimbawa ng aking kapwa? Kapatid, darating na ang Panginoon, nilinis mo ba ang kanyang daraanan? Umpisahan natin sa ating sarili? Amen…
God bless po…. Kuya Bonns

Reply

Awit at Papuri Communications December 6, 2021 at 3:52 pm

Maraming salamat po sa inyong pagbahahagi ng pagninilay! God bless you!

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: