Linggo, Nobyembre 21, 2021

November 21, 2021

PANALANGIN NG BAYAN
Patnubay sa Misa
Dakilang Kapistahan ng Pagkahari ni Hesukristo

Si Kristo ang Hari ng sanlibutan. Buhat sa kanya ang lahat ng mabubuti. Buong pananalig tayong manalangin:

Kristo, aming Hari, dinggin mo kami!

Kristo, aming Banal na pastol, tipunin mo sa iisang kawan ng Simbahang iyong itinatag ang iyong mga tagasunod buhat sa bawat bayan. Manalangin tayo!

Kristo, aming Tagapagligtas, gabayan mo ang Santo Papa sa kanyang misyong pagalingin ang mga maysakit, hanapin ang mga naliligaw at palakasin ang mga nanghihina. Manalangin tayo!

Kristo, hukom ng lahat ng tao, ilagay mo nawa kami sa iyong kanan, upang manahin namin ang Kahariang inihanda na para sa amin sa pagsisimula pa man ng mundo. Manalangin tayo!

Kristo, Prinsipe ng Kapayapaan, lipulin ang mga sandata ng digmaan, at turuan ang mga taong mamuhay nang maayos, at nang may paggalang at pakikipagtulungan sa isa’t isa. Manalangin tayo!

Kristo, na una sa mga yumao, ihatid mo nawa ang lahat ng namatay na nananalig sa iyong awa sa kaluwalhatian ng muling pagkabuhay. Manalangin tayo!

Tahimik nating ipanalangin ang ating mga pansariling kahilingan. (Tumigil saglit.) Manalangin tayo!

Panginoong Hesus, Hari ng sanlibutan, pagharian mo ang aming bayan, mga pamayanan, at mga pamilya. Nawa lahat ng aming sabihin, isipin, at gawin ay makatulong sa ikatutupad ng iyong plano ng pag-ibig. Ikaw na nabubuhay at naghahari magpakailanman.

Amen!

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 6 comments… read them below or add one }

Reynald Perez November 21, 2018 at 10:03 pm

Pagninilay: Ipinagdiriwang ngayon ng buong Simbahan ang huling Linggo ng Taong Pangliturhiya sa Dakilang Kapistahan ng Pagkahari ni Hesukristo sa Sanlibutan. Ito’y itinatag ni Papa Pio XI noong 1925 bilang tugon sa mga umuusbong na ideolohiya katulad ng sekularismo, kapitalismo, komunismo, sosyalismo, atbp. Ito’y pagpapahayag na sa kabila ng mga naghahari-harian sa pulitika, ekonomiya, at iba pang mga komunidad, si Hesus ay mananatiling tunay na Hari na ang kanyang kaharian, ang Kaharian ng Diyos Ama, ay mabubuhay kailanman. Dati ay ipinagdiriwang ang Kapistahan ni Kristong Hari tuwing huling Linggo ng Oktubre. Subalit nang sumapit ang Ikalawang Konseho ng Vatikano, inilipat ang pagdiriwang sa huling Linggo ng Kalendaryo ng Simbahan bilang pagpaparangal kay Kristo na Hari matapos pagnilayan ang kanyang buhay mula Adbiyento hanggang Karaniwang Panahon. Kaya makikita natin sa liturhiya ngayon ang paghahari ng ating Panginoong Hesukristo na ibinigay sa kanya ng Ama dahil sa kanyang pagiging masunurin sa dakilang kalooban. Ang Una at Ikalawang Pagbasa, pati na rin ang Salmo, ay nagsasabi na ang Kristong Hari ay maluwalhati, nakadamit na parang maharlika ang dating, at nakapiling ang mga anghel sa langit. Ang Ebanghelyo ay nagsasaad na si Kristo ay Hari ng Katotohanan. Katotohanan ay naging dahilan ng pagbibigay-saksi niya sa Mabuting Balita, na bagamat siya ay pinagbintangan ng mga pinuno ng mga Hudyo at idinala kay Poncio Pilato, siya pa rin ay may dalang katotohanan na ang kanyang Kaharian ay hindi nasa lupa, kundi ito ay nasa langit. Kaya mahalaga dito sa pagkilos ng Panginoon ang pagiging masunurin sa kalooban ng Ama kahit siya’y namatay sa Krus. Dahil sa kanyang kababang-loob, siya’y idinakila ng Diyos at ginawang Hari ng lahat ng mga bansa at lahat ng mga nilalang. Kaya ang ating buhay bilang mga Kristiyano ay napapabilang sa kaharian niya. Nang siya’y nabubuhay pa, nagkuwento siya ng mga talinghaga tungkol sa paglalago ng Kaharian ng Diyos. Sabi ni Hesus na ito’y katulad ng isang butil na mustasa na bagamat pinakamaliit ay nagbunga sa pinakamalaking punongkahoy ng paninirahan ng mga ibon. At marami pa ibang imahe na ginamit si Hesus upang ilarawan ang paglaganap ng kanyang Paghahari, na siya mismong Paghahari ng Diyos. Kaya ang hamon sa atin sa Dakilang Kapistahan ito na tanggapin natin si Hesukristo bilang Hari ng ating buhay. Tanggapin din natin ang ating Diyos Ama at ang kanyang kaharian sa pamamagitan ng pakikibahagi sa paglalago nito. Kung nasaan ang pag-ibig, katarungan, at kapayapaan, naroroon ang paghahari ng Panginoon dito sa lupa, at ito sana’y balang araw makikita natin sa langit. Hesus aming Hari, Guro’t Pari, maghari ka nawa sa aming mga puso.

Reply

Reynald Perez November 16, 2021 at 10:42 am

PAGNINILAY: Ipinagdiriwang ngayon ng buong Simbahan ang huling Linggo ng Taong Pangliturhiya sa Dakilang Kapistahan ng Pagkahari ni Hesukristo sa Sanlibutan. Ito’y itinatag ni Papa Pio XI noong 1925 bilang tugon sa mga umuusbong na ideolohiya katulad ng sekularismo, kapitalismo, komunismo, sosyalismo, atbp. Ito’y pagpapahayag na sa kabila ng mga naghahari-harian sa pulitika, ekonomiya, at iba pang mga komunidad, si Hesus ay mananatiling tunay na Hari na ang kanyang kaharian, ang Kaharian ng Diyos Ama, ay mabubuhay kailanman. Dati ay ipinagdiriwang ang Kapistahan ni Kristong Hari tuwing huling Linggo ng Oktubre. Subalit nang sumapit ang Ikalawang Konseho ng Vatikano, inilipat ang pagdiriwang sa huling Linggo ng Kalendaryo ng Simbahan bilang pagpaparangal kay Kristo na Hari matapos pagnilayan ang kanyang buhay mula Adbiyento hanggang Karaniwang Panahon.

Kaya makikita natin sa liturhiya ngayon ang paghahari ng ating Panginoong Hesukristo na ibinigay sa kanya ng Ama dahil sa kanyang pagiging masunurin sa dakilang kalooban. Ang Una at Ikalawang Pagbasa, pati na rin ang Salmo, ay nagsasabi na ang Kristong Hari ay maluwalhati, nakadamit na parang maharlika ang dating, at nakapiling ang mga anghel sa langit. Ang Ebanghelyo ay nagsasaad na si Kristo ay Hari ng Katotohanan. Katotohanan ay naging dahilan ng pagbibigay-saksi niya sa Mabuting Balita, na bagamat siya ay pinagbintangan ng mga pinuno ng mga Hudyo at idinala kay Poncio Pilato, siya pa rin ay may dalang katotohanan na ang kanyang Kaharian ay hindi nasa lupa, kundi ito ay nasa langit. Kaya mahalaga dito sa pagkilos ng Panginoon ang pagiging masunurin sa kalooban ng Ama kahit siya’y namatay sa Krus. Dahil sa kanyang kababang-loob, siya’y idinakila ng Diyos at ginawang Hari ng lahat ng mga bansa at lahat ng mga nilalang.

Kaya ang ating buhay bilang mga Kristiyano ay napapabilang sa kaharian niya. Nang siya’y nabubuhay pa, nagkuwento siya ng mga talinghaga tungkol sa paglalago ng Kaharian ng Diyos. Sabi ni Hesus na ito’y katulad ng isang butil na mustasa na bagamat pinakamaliit ay nagbunga sa pinakamalaking punongkahoy ng paninirahan ng mga ibon. At marami pa ibang imahe na ginamit si Hesus upang ilarawan ang paglaganap ng kanyang Paghahari, na siya mismong Paghahari ng Diyos. Kaya ang hamon sa atin sa Dakilang Kapistahan ito na tanggapin natin si Hesukristo bilang Hari ng ating buhay. Tanggapin din natin ang ating Diyos Ama at ang kanyang kaharian sa pamamagitan ng pakikibahagi sa paglalago nito. Kung nasaan ang pag-ibig, katarungan, at kapayapaan, naroroon ang paghahari ng Panginoon dito sa lupa, at ito sana’y balang araw makikita natin sa langit. Hesus aming Hari, Guro’t Pari, maghari ka nawa sa aming mga puso.

Reply

Ma. Gemma M. Ballera November 20, 2021 at 12:11 pm

Amen.

Reply

Nida enjada November 21, 2021 at 4:15 am

Amen

Reply

Ferdy Baetiong Pariño November 21, 2021 at 5:02 am

Viva Cristo Rey!!
Ipinagdiriwang ngayon ng buong sangkatoliko ang Kristong Hari.
Tuwing tayo ay nagdarasal ng Ama Namin ipinapanalangin natin na “Mapasaamin nawa amg kaharian, sundin ang loob mo dito sa lupa para ng sa langit”. Dinadalangin natin na nawa’y maghari sa atin ang Panginoon. Pero sa atin bang mga ikinikilos, sinasabi at iniisip ay nakikita ni Hesus na nais nating maghari sya sa buhay natin. “Sundin ang loob mo”, sinusunod ba natin ang kanayang kalooban, amg mga kautusan? Baka nman dasal tayo ng dasal ng Ama Namin pero taliwas ito sa ating gawain. Baka nman hanggang ngayon ay hindi mo napapatawad ang iyong kapatid, ipinagdarasal mo na may mangyaring masama sa iyong kapwa, hindi mo tinutulungang ang mga aba, nakikiapid ka at matakaw sa pita ng laman, chismosa at magilig pag usapan at husgahan ang iba, mandaraya at sinungaling. Ngayong Kristong Hari ay paghariin mo sa puso mo si Hesus, samantalahin mo ang parating na Adviento upang paghandaan ang kanyang pagdating. Magsisi, humingi ng kapatawaran at sikaping matalikuran na ang kasamaan.
Viva Cristo Rey!!!

Reply

VICTORIO A. CATAYLO November 21, 2021 at 6:27 pm

KRISTO TUNAY NA HARI SA TANANG PANAHON!
AMEN!

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: