Miyerkules, Oktubre 27, 2021

October 27, 2021

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-30 Linggo sa Karaniwang Panahon
Miyerkules

Hindi tayo makakasalo sa Hapag ng Panginoon kung aasa lamang tayo sa sarili nating gawain. Tumugon tayo nang may pananalig sa kanyang paanyaya sa lahat ng tao na pumasok sa kanyang paghahari. Mayroong kababaang-loob, manalangin tayo.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Panatilihin mo kaming mababa ang kalooban sa iyong paningin, O Panginoon.

Ang mga miyembro ng banal na Simbahan ng Diyos nawa’y makisalo sa masayang Hapag ng Kaharian, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga gobyerno ng mga bansa nawa’y igalang ang kalayaang pang-relihiyon at hayaan ang mga taong makinig at tumugon sa paanyaya ni Kristo, manalangin tayo sa Panginoon.

Tayo nawa’y maging seryoso sa ating mga Kristiyanong tungkulin at magsumikap na walang kapaguran na pumasok sa makipot na pintuan na mag-aakay sa atin sa buhay na walang hanggan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga nagdurusa sa isip at katawan nawa’y matanggap ang kanilang krus nang may pagitiis, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga tapat na yumao nawa’y tanggapin sa Kaharian ng Langit, manalangin tayo sa Panginoon.

Panginoon at Ama ng lahat ng bansa, itinataas namin ang mga panalanging ito nang may pananalig na naghahangad na tumugon sa paanyaya ng iyong Anak, aming tanging Tagapagligtas na nabubuhay at naghahari magpasawalang hanggan. Amen.

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 5 comments… read them below or add one }

Reynald Perez October 27, 2019 at 11:11 pm

Pagninilay: Ang kaloob ng kaligtasan ay inihanda ng Diyos para sa mga taong nakahandang tanggapin ito. Kaya ang hantungan nitong kaligtasan ay buhay na walang hanggan sa kalangitan. Sa ating Ebanghelyo (Lucas 13:22-30), si Hesus ay itinanong kung kakaunti lang ang maililigtas. Ang tugon niya ay isang paanyaya na pumasok sa makipot na pintuan, sapagkat maraming nag-iisip na makakapasok sila, ngunit hindi sila’y makapasok diyan. Sa maraming pagkakataon, inaakala ng marami na awtomatik lamang ang buhay. Maraming gustong mawalan ang mga pagdurusa at paghihirap upang mas maging maginhawa ang pamumuhay. Siguro araw-araw tayo’y napapagod matapos ang isang araw ng pagtratrabaho, pag-aaral, at iba pang gawain. Ngunit tayo’y inaanyahan ni Hesus na pumasok sa makipot na pinto, at siya ang pintong ito na Daan patungo sa Diyos Ama. Kung tatanggapin natin siya bilang Panginoon ng ating buhay nang may pananampalataya, tayo rin ay tumulad sa kanya sa pagsunod sa kalooban ng Ama kahit sa mga pagdurusa at paghihirap sa buhay. Hindi naman ninanais ng Diyos na tayo’y pahirapan, sapagkat natural na pangyayari ang mga ganitong pagdurusa. Subalit ang dapat mas pahalagahan natin ang ating pananampalataya na patuloy tayong tutupad sa misyong itinakda sa atin sa pagpaparangal ng Mabuting Balita. At kung mayroon tayong matatag na relasyon sa Panginoon ay ganun rin sa ating kapwa. Sa ating Unang Pagbasa (Roma 8:26-30), ipinapahayag ni San Pablo ang papel ng Espiritu Santo sa ating buhay. Ang Espiritu ang nagsisilbing lakas sa mga panahong mahina tayo hindi lang sa pisikal na paraan, kundi pati na rin sa ating pananampalataya sa Diyos. Kaya ang Espiritu mismo ang tumutulong sa atin na manalangin sa Panginoon dahil tayo ay binigyang karapatan na tawagin ang Diyos bilang ating “Ama”. Nawa tayo’y makamtan ng kaligtasang inilaan sa atin ng Diyos sa pagsunod sa kanyang dakilang kalooban at pagiging matapat sa kanya sa kabila ng ating mga paghihirap sa buhay. At nawa’y patuloy nating pailaliman ang ating relasyon sa kanya at sa kapwa-tao.

Reply

Mark Jefferson Criste August 27, 2021 at 5:51 pm

Salamat sa Diyos!

Reply

Reynald Perez October 26, 2021 at 7:04 pm

PAGNINILAY: Ang kaloob ng kaligtasan ay inihanda ng Diyos para sa mga taong nakahandang tanggapin ito. Kaya ang hantungan nitong kaligtasan ay buhay na walang hanggan sa kalangitan. Sa ating Ebanghelyo (Lucas 13:22-30), si Hesus ay itinanong kung kakaunti lang ang maililigtas. Ang tugon niya ay isang paanyaya na pumasok sa makipot na pintuan, sapagkat maraming nag-iisip na makakapasok sila, ngunit hindi sila’y makapasok diyan.

Sa maraming pagkakataon, inaakala ng marami na awtomatik lamang ang buhay. Maraming gustong mawalan ang mga pagdurusa at paghihirap upang mas maging maginhawa ang pamumuhay. Siguro araw-araw tayo’y napapagod matapos ang isang araw ng pagtratrabaho, pag-aaral, at iba pang gawain. Ngunit tayo’y inaanyahan ni Hesus na pumasok sa makipot na pinto, at siya ang pintong ito na Daan patungo sa Diyos Ama. Kung tatanggapin natin siya bilang Panginoon ng ating buhay nang may pananampalataya, tayo rin ay tumulad sa kanya sa pagsunod sa kalooban ng Ama kahit sa mga pagdurusa at paghihirap sa buhay. Hindi naman ninanais ng Diyos na tayo’y pahirapan, sapagkat natural na pangyayari ang mga ganitong pagdurusa. Subalit ang dapat mas pahalagahan natin ang ating pananampalataya na patuloy tayong tutupad sa misyong itinakda sa atin sa pagpaparangal ng Mabuting Balita. At kung mayroon tayong matatag na relasyon sa Panginoon ay ganun rin sa ating kapwa.

Sa ating Unang Pagbasa (Roma 8:26-30), ipinapahayag ni San Pablo ang papel ng Espiritu Santo sa ating buhay. Ang Espiritu ang nagsisilbing lakas sa mga panahong mahina tayo hindi lang sa pisikal na paraan, kundi pati na rin sa ating pananampalataya sa Diyos. Kaya ang Espiritu mismo ang tumutulong sa atin na manalangin sa Panginoon dahil tayo ay binigyang karapatan na tawagin ang Diyos bilang ating “Ama”. Nawa tayo’y makamtan ng kaligtasang inilaan sa atin ng Diyos sa pagsunod sa kanyang dakilang kalooban at pagiging matapat sa kanya sa kabila ng ating mga paghihirap sa buhay. At nawa’y patuloy nating pailaliman ang ating relasyon sa kanya at sa kapwa-tao.

Reply

Cora Galang Orense October 27, 2021 at 6:38 am

Si Jesus ang daan at ang katotohanan.Ang sino mang nanalig at sumusunod sa kanya ay makakadama Ng kapayapaan at kaligtasan sa buhay.Amen

Reply

Ferdy Baetiong Pariño October 27, 2021 at 7:31 am

Tila ang sagot sa tanong na “Ginoo kakaunti lang po ba ang maliligtas” ay OO. Sapagkat mas pinili natin ang dumaan sa maluwag na daan, yung makinis ang kalye, walang lubak lubak, at masaya ang mga tao sa madadaanan, nagtatawanan, nagchichismisan, nag iinuman, nagpapasarap sa pita ng laman, nagmumurahan, pwedeng manakit o pumatay at kung anu ano pang pagapapkasarap at kabalastugan. Pero ano ang nasa dulo ng daan?

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: