Linggo, Oktubre 24, 2021

October 24, 2021

PANALANGIN NG BAYAN
Patnubay sa Misa
Ika-30 Linggo sa Karaniwang Panahon (B)

Sa pagdiriwang natin sa Linggo ng Misyong Pandaigdig, alalahanin natin ang lahat ng ating kapatid sa mga misyon, at ipahayag natin ang ating pakikiisa sa kanila sa pamamagitan ng ating mga tapat na kahilingan. Maging tugon nati’y:

Amang butihin at mapangalaga, dinggin Mo ang Iyong mga anak!

Para sa Simbahang Katolika at mga namumuno rito: Nawa huwag nilang pabayaan ang kanilang bokasyon na mangaral ng Ebanghelyo sa lahat ng bansa. Manalangin tayo!

Para sa lahat ng misyonero: Nawa gantimpalaan ng Panginoon ang kanilang dedikasyon sa paghahatid ng liwanag ng Mabuting Balita sa lahat sa pama- magitan ng maraming pagpapaniwala sa Diyos at pagpupunyagi sa mabuting gawa. Manalangin tayo!

Para sa lahat ng mga pinuno ng ating pamahalaan: Nawa matanto nila na kasama ng kapangyarihan ang responsibilidad na maglingkod sa bayan nang buong katapatan, kalinisan, at dedikasyon. Manalangin tayo!

Para sa ating parokya: Nawa tayo’ y maging isang tunay na mapag-arugang sambayanan na handang magbigay-saksi sa pag-ibig ng Diyos sa pamamagitan ng pakikibahagi ng ating nampalataya at pagtulong sa ating kapwa. Manalangin tayo!

Para sa ating lahat: Nawa huwag tayong maghangad ng katungkulan upang magtamo ng karangalan, kundi upang higit na makapaglingkod sa ating mga kapatid nang buong kababaang-loob at pagkabukas- palad. Manalangin tayo!

Tahimik nating ipanalangin ang ating mga pansariling kahilingan. (Tumigil saglit.) Manalangin tayo!

Panginoong Diyos, nawa palakasin ng Iyong biyaya ang aming mga misyonero, aliwin sila sa kanilang pagdadalamhati, at magbunga nawa ng kaligtasan ang kanilang mga pagsisikap para sa lahat. Isinasamo namin ito sa pamamagitan ni Kristo na aming Panginoon.

Amen!

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 1 comment… read it below or add one }

Reynald Perez October 17, 2021 at 3:59 pm

PAGNINILAY: Tayo ay binibiyaan ng Panginoon ng mga pagpapala sa ating araw-araw ng Panginoon. Higit sa lahat, tayo ay binibigyan niya ng paningin hindi lang sa pisikal, kundi pati na rin sa espirituwal na aspeto, upang makita natin ang kalagayan ng ating komunidad/lipunan at ang mga pangangailangan ng ibang tao.

Sa ating Ebanghelyo (Marcos 10:46-52), binibigyang-pansin ni San Marcos ang isang pagtatagpo ni Hesus sa isang bulag na nagmamalimos sa tabi ng daan, at ang lalaking ito ay si “Bartimeo” na mula sa wikang Hebreo ay isinasalin bilang “Anak [Bar] ni Timeo”. Nang marinig niya si Hesus ay nasa tabing daan ng Jerico papuntang Jerusalem, sumigaw siya ng panawagan na kaawaan siya ng Anak ni David. Para kay Bartimeo, naniniwala siya na si Hesus na mula sa lahi ni Haring David ay ang Mesiyas na magbibigay hindi lang ng kaligtasan, kundi pati na rin ng kaganapan ng pangangailangan ng mga tao. Kahit siya’y pinapatahimik ng tao, patuloy lang siya sa pagsisigaw hanggang sa pinalapitan siya kay Hesus. At dito tinanong sa kanya ng Panginoon kung anong gusto niya, at isa lang ang ninanais ni Bartimaeo, na makakita muli. At dahil sa tindi ng kanyang pananampalataya, nabiyayaan siya ng paningin at sumunod sa mga yapak ni Hesus.

Tayo’y mga binyagan na kabilang sa pamilya ng Diyos ay nakikibahagi sa misyon ng pagpapalaganap ng Mabuting Balita tungkol sa Paghahari ng Diyos. Sa Unang Pagbasa (Jeremias 31:7-9), makikita natin ang pangako ng Diyos sa kanyang bayang binihag ng mga taga-Babilonia na sila’y ipapanumbalik niya. Kaya nga ang propesiya ni Jeremias ay hindi lang tungkol sa pagpapalaya ng mga Hudyo mula sa pagkabihag sa Babilonia, kundi ito rin ay patungo sa gawain ni Hesus na tuparin ang kaligtasan ng tao sa pamamgitan ng pag-aalay ng kanyang buhay sa Krus. Kaya sa Ikalawang Pagbasa (Hebreo 5:1-6), si Hesukristo ay ang dakilang saserdote na naghandog ng isang alay na pinakaganap, at hindi na kailanma’y kinakailangan ng pisikal na handog. Bagamat siya ay Diyos ay pinili niyang magpakumbaba at maging masunurin sa dakilang kalooban ng Diyos. At ito’y kanyang tinupad nang siya’y mamatay sa Krus upang mailigtas tayo mula sa pagkakasala at bigyan tayo ng bagong buhay at mas matatag na pananampalataya.

Kaya nga ang biyaya ng pananamapalataya ay ang ating espirituwal na paningin upang makilala natin ang tunay na kaligayahan ng ating buhay na mismong Panginoon lamang ang maibibigay. Ngunit tayo rin ay parang si Bartimeo na hindi namang pisikal na bulag, kundi hindi pa rin nakikita ang ibang realidad ng ating buhay. At minsan ang mga realidad na ito ay masakit sa punto na naroroon pa rin mga problemang hinaharap ng iba’t ibang tao. Kaya sa pagkakataon ito, tularan natin ang tamang dispisyon ni Bartimeo na tayo’y mamulat sa mga kaganapan ng ating buhay at ng buhay mayroon dito sa mundong ito. At nawa’y tularan din natin higit sa lahat si Hesus na maging maawain at mapagmalasakit sa pisikal at espirituwal na pangangailangan ng ibang tao.

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: