Linggo, Setyembre 19, 2021

September 19, 2021

PANALANGIN NG BAYAN
Patnubay sa Misa
Ika-25 Linggo sa Karaniwang Panahon (Taon B)

Nananalig sa kabaitan ng Diyos sa mga dumudulog sa Kanya, tayo’y pakumbabang magharap ng ating mga kahilingan para sa lahat ng nangangailangan. Manalangin tayo:

Bukal ng lahat ng kasiyahan, dinggin Mo kami!

Para sa buong Simbahan, at lalo sa mga pamayanang Kristiyano na hinahamak o pinag-uusig: Nawa maging bukal ng kanilang lakas ang pag-asa sa gantimpalang walang hanggan. Manalangin tayo!

Para sa Santo Papa at lahat ng iba pangmga Espirituwal na pinuno ng Simbahan: Nawa pahalagahan nila ang kababaang-loob at ang diwa ng paglilingkod sa pagtulad kay Hesus, na siyang Lingkod ng lahat. Manalangin tayo!

Para sa mga laikong kaanib ng Simbahan na bumubuo sa 99% ng mananampalataya: Nawa sila ay makatalos sa kanilang karangalan at tumupad sa tungkulin nilang maging mga tagapagtatag ng kaharian sa ating lipunan. Manalangin tayo!

Para sa mga kumakalinga sa mga batang palaboy, may kapansanan, at lulong sa droga: Nawa masigasig nilang maipagpatuloy ang paglilingkod kay Kristo sa kanilang kapwa. Manalangin tayo!

Para sa ating lahat: Nawa maiwaksi natin ang pagkainggit, pagkaganid, at pagkamakasarili na siyang sanhi ng ating pagkakahatihati, at mapalitan ito ng kabutihan, pagbibigayan, at malasakit sa kapwa. Manalangin tayo!

Tahimik nating ipanalangin ang ating mga pansariling kahilingan. (Tumigil saglit.) Manalangin tayo!

Panginoong Hesus, pagkalooban mo kami ng kababaang-loob at paglilingkod nang kami’ y maging mga kasangkapan ng iyong pagmamahal sa lahat ng aming mga kapatid, lalo na sa mga nagdurusa. Ikaw na nagpakasakit at patuloy na kumakalinga nang walang hanggan.

Amen!

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 4 comments… read them below or add one }

Reynald Perez September 22, 2018 at 5:24 pm

Pagninilay: Maraming pangarap ang tao patungo sa tagumpay ng kadakilaan. Lahat naman ay ninanais na sa kinabukasan ay maging matagumpay ang kanilang buhay. Ngunit ano nga ba dapat ang tamang disposisyon ng isang tao upang makamit niya ang isang pangarap? Ang ating Ebanghelyo ay nagsisimula na kung saan ikalawang beses na pinahayag ni Hesus tungkol sa kanyang Pagpapakasakit, Pagkamatay, at Muling Pagkabuhay, subalit hindi ito naunawaan ng kanyang mga alagad. Makikita sila’y nakikipagtalo sa isa’t isa kung sino sa kanila ang pinakadakila sa Kaharian ng Langit. Hindi nila itong pinahalata kay Hesus, ngunit napansin naman niya ang kanilang mainit na pagtatalo. Kaya’t pinagtapat niya sa kanila at sa lahat ng taong natitipon sa lugar na iyon na ang sinumang nagnanais na maging dakila ay kinakailangang maging huli sa lahat at maglingkod. At tinawag niya ang kanyang bata upang tumayo sa kanilang harap at sinabi na ang sinumang tatanggap sa Paghahari ng Diyos katulad ng isang bata ay tumatanggap sa kanya, at sinumang tumatanggap sa kanya ay tumatanggap sa Diyos Amang sumugo sa kanya. Noong mga lumang panahon, ang mga bata ay binansagang mga walang kwenta. Tingin ng tao ay sila ay marunong lang sa paglalaro at kaharutan. Ngunit ang nakita ni Hesus ay ang mga positibong katangian mayroon ang isang bata, at iyan ay ang kababang-loob at pagkamasunurin. Karaniwan kapag ang mga bata ay inutusang sumunod sa payo ng mga nakakatanda, kaugali’y susunod agad. Kapag may nakita silang tataong nangangailangan. Ito yung sinasabi ni Hesus na pagiging katulad ng mga bata (childlike). Iba po ito sa pagiging isip-bata/childlike na pwedeng maging mapaglaro at maharot ang pamumuhay. Kaya’t ang pinakadakila sa Kaharian ng Diyos ay ang taong nagpapakumbaba at naglilingkod. Makikita natin sa Unang Pagbasa na ang Karunungan ng Diyos ay tinangkang patayin upang makita ng kanyang mga kaaway kung siya’y ililigtas ng Diyos. Si Hesus ay ang Karunungan ng Diyos na hindi kinilala ng mga Pariseo, eskriba, at mga iilang pinuno ng Judaismo bilang Mesiyas ng Panginoon. Kaya’t sa huling sandali ng kanyang buhay, dito’y parang nagtagumpay sila sa pagpapahuli at pagpapakondena kay Hesus tungo sa kanyang kamatayan sa Krus. Ngunit ito’y natupad ayon sa plano ng Ama upang ipagkaloob ang kaligstasan sa sangkatauhan. Kaya’t si Kristo ay Diyos, ngunit siya’y nagpakababang-loob at naging katulad natin na hindi kailanma’y nagkasala. Inialay ang kanyang buhay upang tayo’y mailigtas mula sa pagkakasala at tapat na tawaging mga anak ng Diyos Ama. Kaya’t inaanyayahan tayo ni Apostol Santiago sa Ikalawang Pagbasa na huwag maghasik ng pagkainggit at pagkaalitan sa bawat isa, ngunit mamuhay sa landas ng kapayapaan at kabutihan. Kaya nawa’y patatagin natin ang ating relasyon sa Diyos at sa ibang tao sa pagiging magpakumbaba at masunurin sa kanyang kalooban at sa paglilingkod sa ating kapwa, dala ang katuwiran at kabutihan sa isa’t isa.

Reply

Reynald Perez August 27, 2021 at 10:12 pm

PAGNINILAY: Maraming pangarap ang tao patungo sa tagumpay ng kadakilaan. Lahat naman ay ninanais na sa kinabukasan ay maging matagumpay ang kanilang buhay. Ngunit ano nga ba dapat ang tamang disposisyon ng isang tao upang makamit niya ang isang pangarap?

Ang ating Ebanghelyo ay nagsisimula na kung saan ikalawang beses na pinahayag ni Hesus tungkol sa kanyang Pagpapakasakit, Pagkamatay, at Muling Pagkabuhay, subalit hindi ito naunawaan ng kanyang mga alagad. Makikita sila’y nakikipagtalo sa isa’t isa kung sino sa kanila ang pinakadakila sa Kaharian ng Langit. Hindi nila itong pinahalata kay Hesus, ngunit napansin naman niya ang kanilang mainit na pagtatalo. Kaya’t pinagtapat niya sa kanila at sa lahat ng taong natitipon sa lugar na iyon na ang sinumang nagnanais na maging dakila ay kinakailangang maging huli sa lahat at maglingkod. At tinawag niya ang kanyang bata upang tumayo sa kanilang harap at sinabi na ang sinumang tatanggap sa Paghahari ng Diyos katulad ng isang bata ay tumatanggap sa kanya, at sinumang tumatanggap sa kanya ay tumatanggap sa Diyos Amang sumugo sa kanya.

Noong mga lumang panahon, ang mga bata ay binansagang mga walang kwenta. Tingin ng tao ay sila ay marunong lang sa paglalaro at kaharutan. Ngunit ang nakita ni Hesus ay ang mga positibong katangian mayroon ang isang bata, at iyan ay ang kababang-loob at pagkamasunurin. Karaniwan kapag ang mga bata ay inutusang sumunod sa payo ng mga nakakatanda, kaugali’y susunod agad. Kapag may nakita silang tataong nangangailangan. Ito yung sinasabi ni Hesus na pagiging katulad ng mga bata (childlike). Iba po ito sa pagiging isip-bata/childlike na pwedeng maging mapaglaro at maharot ang pamumuhay.

Kaya’t ang pinakadakila sa Kaharian ng Diyos ay ang taong nagpapakumbaba at naglilingkod. Makikita natin sa Unang Pagbasa na ang Karunungan ng Diyos ay tinangkang patayin upang makita ng kanyang mga kaaway kung siya’y ililigtas ng Diyos. Si Hesus ay ang Karunungan ng Diyos na hindi kinilala ng mga Pariseo, eskriba, at mga iilang pinuno ng Judaismo bilang Mesiyas ng Panginoon. Kaya’t sa huling sandali ng kanyang buhay, dito’y parang nagtagumpay sila sa pagpapahuli at pagpapakondena kay Hesus tungo sa kanyang kamatayan sa Krus. Ngunit ito’y natupad ayon sa plano ng Ama upang ipagkaloob ang kaligstasan sa sangkatauhan. Kaya’t si Kristo ay Diyos, ngunit siya’y nagpakababang-loob at naging katulad natin na hindi kailanma’y nagkasala. Inialay ang kanyang buhay upang tayo’y mailigtas mula sa pagkakasala at tapat na tawaging mga anak ng Diyos Ama.

Kaya’t inaanyayahan tayo ni Apostol Santiago sa Ikalawang Pagbasa na huwag maghasik ng pagkainggit at pagkaalitan sa bawat isa, ngunit mamuhay sa landas ng kapayapaan at kabutihan. Kaya nawa’y patatagin natin ang ating relasyon sa Diyos at sa ibang tao sa pagiging magpakumbaba at masunurin sa kanyang kalooban at sa paglilingkod sa ating kapwa, dala ang katuwiran at kabutihan sa isa’t isa.

Reply

Ferdy Baetiong Pariño September 19, 2021 at 10:08 am

Humilty. Yan ang hamon at aral sa ating mga pagbasa at ng ebanghelyo ngayong Linggo. Sa aking buhay napakarami na ang nasaksihan kong mayayabang na nagsibagsak. Maraming mapagmataas na ang kinahantungan ay sa ilalim din. Piliin nating magpakababa kahit na nagkakamit tayo ng tagumpay, wag nating ipagmalaki ang ating kalakasan, kagandahan ng pisikal, katapangan, ari arian, posisyon, at kayamanan. Anuman ang meron tayo ngayon ay kaloob ng Diyos at anumang oras sa isang iglap ay kayang bawiin ito ng Panginoon sa atin. Kung ikaw naman mayron ng mga ito at sinisikap pa ding magpakababa ay lalo ka pang itataas ng tao at bibigyan ng Panginoon. Huwag din tayong maghangad na maluklok sa mas mataas na estado, piliin nating maging mapagpasalamat sa kung ano ang iponagkaloob sa atin. Isa oang hamon ay maging mapagpatawad tayo kagaya ng mga bata. Ang mga bata kapag nag away ay maya maya lamang ay bati na at naglalaro na ulit. Kapag tayong mga magulang ay nakiaalam sa away ng mga bata ay nauuwi sa mas malalim na alitan. Magpakababa at Magpatawad.

Reply

Francis Dela Cruz September 19, 2021 at 11:40 pm

“Ang sinumang nagnanais maging una ay dapat maging huli sa lahat, at maging lingkod ng lahat.” Napakadaling sabihin pero napakahirap tupdin, pagpapakumbaba ng walang halong hinanakit at bukal sa kalooban, ito ang pinaliwanag ni Hesus sa kanyang mga alagad nung silay nagtatalo kung sino ba sa kanila ang pinakadakila. Akin ding pong maihahambing ito sa loob ng ating pamilya, sa ating mga trabaho at sa ating lipunan, kung tayo ay may gustong ituro o ipagawa sa ibang miyembro ng tahanan o sa mga katrabaho, o kababayan, ngunit minsan tayo mismo hindi natin nagagawa ang mga bagay n iyon, sapagkat nilalagyan natin ng “label” ang ating mga sarili, tayo ay nagtatangi sa ating mga sarili na para bagang mas mataas tayo kumpara sa iba. Magandang suriin ang ating mga sarili, halimbawa kung gusto natin turuan ng magandang asal ang ating mga anak pero kung tayo mismo nakikita nila ang ating mga kawalang hiyaan, sa tingin nyo ba rerespetuhin, maniniwala o gagawin b nila ang ating mga sinasabi? hindi po. “Lead by example”, ito po sana ang maisabuhay nating lahat. Dahil kung gusto nating mamuno dapat tayo mismo ang unang sumunod at handang maglingkod para sa lahat na walang halong pagiimbot.Amen

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: