Linggo, Agosto 22, 2021

August 22, 2021

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-21 Linggo sa Karaniwang Panahon (B)
Patnubay sa Misa

Si Hesus ay isang pinunong mahigpit, at hinahamon ng misteryo ng Eukaristiya ang ating nakasanayang pagtanggap sa mga nauunawaan lamang natin. Nakababatid sa ating kahinaan, manalangin tayo:

Panginoon naming tapat, maging tapat nawa kami sa iyo!

Nawa ang Simbahan, sa pamumuno ng kahalili ni Pedro, ay tuwinang manatiling tapat sa Pakikipagtipan sa Panginoon. Manalangin tayo!

Nawa sa pamamagitan ng tapat na pagmamahalan, ang mga mag-asawa’ y magpatotoo sa pagmamahal na nagbubuklod kay Kristo at sa Simbahan. Manalangin tayo!

Nawa isantabi ng mga di naniniwala sa presensiya ni Kristo sa Eukaristiya ang kanilang pangangatuwiran at pakumbabang tanggapin ang turo ni Kristo sa bagay na ito. Manalangin tayo!

Nawa lahat tayo ay manatiling tapat kay Hesus, kahit na marami ang tumatanggi sa kanyang turo at tumitiwalag sa Simbahan. Manalangin tayo!

Nawa igalang ng mga Kristiyano na natutuksong su- munod sa masamang halimbawa ng mga taong di-tapat ang kanilang mga pangako sa bautismo. Manalangin tayo!
Tahimik nating ipanalangin ang ating mga pansariling kahilingan. (Tumigil saglit.) Manalangin tayo!

Panginoon ng lahat ng katotohanan at kaaliwan, kahit na ikaw ay iwan ng lahat dahil sa iyong mga kahingian, ipagkaloob mo sa aming kami’y di tumigil na sambahin, mahalin ka at maglingkod sa iyo, pagkat ikaw lamang ang may salitang nagbibigay ng buhay na walang hanggan, na nabubuhay at naghahari magpakailanman. Amen!

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 5 comments… read them below or add one }

Mark Jefferson Magno June 13, 2021 at 8:16 pm

Salamat sa Diyos!

Reply

Reynald David Perez July 22, 2021 at 4:09 pm

PAGNINILAY: Apat na linggong nakalipas nang pagnilayan natin si Hesus bilang Tinapay ng Buhay [Ang nakaraang Linggo, Agosto 15, ay ang Dakilang Kapistahan ng Pag-aakyat kay Maria sa Langit]. Mula sa isang kababalaghan ng pagdami ng isda’t tinapay, naging aplikasyon ito nang ideklara niya ang kanyang sarili bilang pagkaing nagbibigay-buhay na walang hanggan. Kaya maraming mga Hudyo ay nadismaya sa kanyang sinabi dahil akala nila na literal na kainin ang kanyang laman at literal na inumin ang kanyang dugo.

Sa ating Ebanghelyo (Juan 6:60-69), dito tinatapos ni Hesus ang kanyang mga kasabihan tungkol sa Tinapay ng Buhay. Hindi lang ang mga tao ang nagduda sa kanya, kundi pati rin ang kanyang mga tagasunod. Kaya hinarap niya sila at sinabi na siya ay may salitang nagbibigay-buhay. Ipinaliwanag din niya kung bakit siya sinuyo ng Ama sa daigdig. Ngunit alam niya na marami sa kanila ay hindi nainiwala. At ganun nga nangyari na sila’y umalis at hindi nagsibalikan dahil hindi nila matanggap ang kanyang sinasabi. Subalit naiwan ang mga Apostol. Nang tanungin sila ni Hesus kung sila rin ay aalis, ito ang naging pahayag ni Apostol San Pedro: “Panginoon, kanino po kami pupunta? Nasa iyo ang mga salitang nagbibigay ng buhay na walang hanggan. Naniniwala kami at ngayo’y natitiyak naming kayo ang Banal ng Diyos” (Juan 6:68-69). Kaya nga sa Cesarea ng Filipos naging Unang Santo Papa ng Simbahan si Pedro dahil sa kanyang pahayag na si Hesus ang Tagapagligtas, ang Anak ng Diyos (Cf. Mateo 16:13-19).

Bumaba ang Diyos Anak bilang tao para ipahayag ang mensahe ng pag-ibig. At natuparan ito sa pag-aalay ng kanyang sarili sa altar ng Krus para sa ating kaligtasan. Kaya nga tuwing ipinagdiriwang natin ang Sakramento ng Banal na Eukaristiya, pinapalusog tayo ng Salita ng Diyos at ng Katawan ni Kristo. Sa Unang Pagbasa (Josue 24:1-2a, 15-17, 18b), nagpahayag si Josue sa mga lipi ng Siquem na tanging ang Diyos ang Panginoon ng buhay, at tugon naman ng mga tao ay ang tapat na pagsunod sa Panginoon at hinding pagtatalikod sa kanya. Sa Ikalawang Pagbasa (Efeso 5:21-32), hinimok ni San Pablo na magtatag ng mga komunidad ng pag-ibig ng Diyos. At makikita dito sa buhay mag-asawa na kung saan ang mga pangako ng Sakramento ng Kasal ay dapat tuparin ng bawat asawa sa isa’t isa na sila’y magmahalan katulad ng pagmamahal ni Kristo sa Simbahan, ang kanyang Katawan at tayo’y mga miyembro nito.

Ang hamon sa atin ay makinig kay Hesus, at isabuhay ang mga pagpapahalagang Kristiyano. Sa ating paglakbay sa daang ito, nawa’y manalig tayo sa Panginoon, tanggapin natin siya nang buong puso sa Banal na Komunyon, at ipalaganap ang kanyang Mabuting Balita sa ating araw-araw na pamumuhay.

Reply

Jojo Calderon August 22, 2021 at 7:08 am

O Diyos ikaw ang Diyos, aming tagapaglitas, ikaw ang hahango, sa pighating lubos, Ikaw lamang ang sasambahing malugod , walng diyos diyosan , ang syang magpapahiram ng buhay at buhay na walangahanggan.Ikaw nga ang tunay na Diyoa, akoy magpapatirapa at sasambahin Kang may galak na lubos.Tinuro mo kami ay umibig sa Iyo at sa kapwa na walang pagiibot.O Hesus namin , kanino pa kami magtitiwala, ngunit sa pagibig Nyo ay sapat na, bukod tanging turo mo ay buhay na walang kamatayan , ang syang hangad mo magpakailan man. Pupurihin Ka o Ama naming mapagmahal, ang paggaasawa ay pinagisa, sa puso at dandamin na kasama Ka, at hindi kailanman magasawa ay hindi mapaghihiwalay, adahil patuloy kami ay aalagaan. sa kamay ng Diyos ay lubos ang tiwala magpakailan man.

Reply

Jane Mendoza August 22, 2021 at 10:38 am

Salamat sa Diyos. Salamat pagkaing nagbibigay buhay at inuming naglilinis sa amin sa mga kasalanan. Patawarin nyo po sana kami sa aming mga pagkakasala at turuan nyo po kami magpatawad sa aming kapwa. Hilumin nyo po ang sangkatauhan at kayo nawa o Dyos ang maghari sa lahat. Pagpalain kayo magpakailanman. Amen!

Reply

Ferdy Baetiong Pariño August 22, 2021 at 12:08 pm

Kung ang lahat ng mag asawa ay mababasa at susundin ang mga isinasaad sa Ikalawanh Pagbasa, marahil ay maghihiwalay at walang mga anak na masasaktan at maapektuhan sa pagkakaroon ng broken family. Sa ating panahon ay hindi madali para sa mga babae ang magpasa ilalim sa kanilang asawa lalo nb kung ang lalaki at mabisyo, tamad, nambababae, walang hanapbuhay at nananakit.. Kaya’t para matupad ito ay dapat pangunahan ng lalaki ang tahanan sa pagsisiskap sa kanyang pamily at higit sa lahat ay ang wagas na pagmamahal sa babae katulad ng pagmamahal nya sa kanyang sarili. Oo, hindi madali pero doable, hindi iyan sasabihin ng Diyos kung iyan ay imposibleng magawa ng tao.

Sa ebanghelyo ngayon ay pinapaalala sa atin na ang buhay ay hindi puro kasiyahan lamang, darating ang kapighatian, mga problema, tagumpay, karamdaman, kayamanan at mga pasanin pero wag na wag kang tatalikod sa Diyos, sapagkat si Hesus ay laging nariyan para sa atin wag lang tayong bibitaw dahil Sya lamang ang ating pag asa at kaligtasan.

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: