Huwebes, Agosto 19, 2021

August 19, 2021

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-20 Linggo sa Karaniwang Panahon
Huwebes

Inaanyayahan tayo ng Diyos sa Hapag ng buhay na walang hanggan sa Langit. Tumawag tayo sa ating mapagmahal na Ama para sa ating mga pangangailangan.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Panginoon, turuan mo kaming maging bukas sa iyong pag-ibig.

Ang Simbahan dito sa lupa nawa’y patuloy na umunlad at mahikayat ang maraming tao sa kaligayahan ng Kaharian ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga mayayaman at mahihirap nawa’y huwag iwasan ang hamon at tawag ng Kaharian ng Langit, manalangin tayo sa Panginoon.

Sa pagkakaroon ng dalisay at nagsisising puso, tayo nawa’y matagpuang karapat-dapat na makibahagi sa Hapag na inihanda ng Diyos para sa atin, manalangin tayo sa Panginoon.

Sa mga maysakit at may kapansanan nawa’y maibahagi natin ang habag at kabutihan ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga namatay nawa’y mabuhay sa tahanan ng Diyos at magbunyi sa Hapag ng buhay na walang hanggan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming nasa Langit, inaanyayahan mo kami na makapiling ka sa iyong Kaharian. Habang aming ipinapanalangin ang aming kapwa, tulungan mo kaming maakay sila sa Hapag na inihanda ng iyong Anak na si Jesus na aming Panginoon. Amen.

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 5 comments… read them below or add one }

Reynald Perez August 18, 2019 at 6:14 pm

Sa ating Ebanghelyo (Mateo 22:1-14), makikita natin ang pagkumpara ni Hesus sa Kaharian ng Diyos gamit ang isang malaking piging ng kasalan. Bilang tao at bilang Pilipino, mayroon tayong kultura ng paghahanda ng isang malaking piging dahil may magandang nangyari sa isang tao, at nais natin ipagdiwang ito. Nagluluto tayo ng mga masasarap na pagkain, naghahanda ng mga inuman, at nagsasama sa isang mesa, kung minsan malaki, bilang kapamilya, kapuso, kapatid, kabarkada, at kasama. Kapag may isang espesyal na okayson katulad ng Pasko, anibersaryo, at kaarawan, ganun din ang ginagawa natin. At siyempre hindi mawawala ang pakikipag-usapan, pakikipagkwentuhan, at pakikipagkalokohan. Kaya makikita natin sa ganyan klaseng piging ang kasiyahan ng mga taong nagtitipun-tipon. Ganun din kapana-panabik ng taong gustong makapasok sa Langit. Kaya nga inaanyayahan tayo ng Diyos sa kanyang piging. Para siya yung haring mayroong malaking piging dahil sa kasalan ng anak. Pero may mga taong tumatanggi sa kanyang imbitasyon dahil tingin nila pagsasayang lang ng oras. Sa ating buhay, ang piging ng Diyos ay ang Sakramento ng Banal na Eukaristiya. Tayo’y kanyang inaanyayahang makibahagi sa pagdiriwang ng kanyang pag-ibig na ipinakita ng kanyang Anak na namatay sa Krus at muling nabuhay. Kaya ang bawat Linggo at Banal na Araw ay mahalaga para sa atin ay dumulog hindi lang basta-basta, kundi upang maranasan natin ang kanyang presensiya sa ating piling. At kapag tayo’y nagsisimba, dapat mayroon tayong maayos na disposyon sa labas at sa loob ng ating mga puso. Sa handaan ng hari, may isang lalaking hindi nakasuot ng pangkasalan, kaya’t siya’y pinagapos at pinalayas palabas sa isang lugar kung saan may pagnanais ng mga ngipin. Mahalaga ang ating kasuotan at porma sa loob ng simbahan, at mas mahalaga ang ating saloobin at intensyon kapag hinaharap natin ang Diyos. Ang Eukaristiya ay ang unang karansan ng piging ng Diyos sa Kaharian ng Langit. Kaya sa ating paglalakbay sa daang ito, nawa’y maging makabuluhan ang bawat pagsimba natin hindi lang sa mga debosyon at ritwal ng ating pananampalataya, kundi pati rin sa ating pagiging mabuting kapwa sa isa’t isa. Huwag nawa nating tanggihan ang anyaya ng Panginoong Diyos.

Reply

Mylene Farinas August 22, 2019 at 7:58 am

God the Father, thank you much for making us to believe in You; for inviting us always in your holy banquet. May you help to be worthy to receive you , O my Lord. May you send your Holy Spirit upon us always, that we know what is wrong and what is right. Give us the heart and the courage to choose only what is right and pleasing to you. This Father we ask and pray in the mighty name of Jesus your son with the help of Mama Mary. Amen.

Reply

Mark Jefferson Magno July 3, 2021 at 6:51 pm

Salamat sa Diyos!

Reply

Reynald Perez August 17, 2021 at 1:21 am

PAGNINILAY: Sa ating Unang Pagbasa (Mga Hukom 11:29-39a), narinig natin ang talambuhay ni Jefte ng taga-Galaad. Pinalayas siya ng kanyang mga kalahating kapatid, at tumungo siya sa isang lugar. Nang salakayin ng mga Ammonito ang Mizpa, natunghayan ng mga mensahero na tanging si Jefte lang ang may kakayahang mamuno sa kanilang kawal laban sa kaaway. Nang araw na iyon, nagpakita ang Panginoong Diyos kay Jefte bilang pagpapakilala ng lakas upang mapagtagumpay niya ang Gilaad laban sa mga Ammonito, ngunit mayroon itong kapalit na sakripisyo. Nang umuwing matagumpay si Jefte, nakita natin ang pag-uusap niya sa kanyang anak na dalaga. Dito sinabi ng hukom ang masakit na gawin na kailangan niyang palisanin ang kanyang anak. Masakit man ito at mahirap dahil sa pagmamahal, kinailangan ni Jefte sundin ang kalooban ng Panginoon.

Sa ating Ebanghelyo (Mateo 22:1-14), makikita natin ang pagkumpara ni Hesus sa Kaharian ng Diyos gamit ang isang malaking piging ng kasalan. Bilang tao at bilang Pilipino, mayroon tayong kultura ng paghahanda ng isang malaking piging dahil may magandang nangyari sa isang tao, at nais natin ipagdiwang ito. Nagluluto tayo ng mga masasarap na pagkain, naghahanda ng mga inuman, at nagsasama sa isang mesa, kung minsan malaki, bilang kapamilya, kapuso, kapatid, kabarkada, at kasama. Kapag may isang espesyal na okayson katulad ng Pasko, anibersaryo, at kaarawan, ganun din ang ginagawa natin. At siyempre hindi mawawala ang pakikipag-usapan, pakikipagkwentuhan, at pakikipagkalokohan. Kaya makikita natin sa ganyan klaseng piging ang kasiyahan ng mga taong nagtitipun-tipon. Ganun din kapana-panabik ng taong gustong makapasok sa Langit. Kaya nga inaanyayahan tayo ng Diyos sa kanyang piging. Para siya yung haring mayroong malaking piging dahil sa kasalan ng anak. Pero may mga taong tumatanggi sa kanyang imbitasyon dahil tingin nila pagsasayang lang ng oras.

Sa ating buhay, ang piging ng Diyos ay ang Sakramento ng Banal na Eukaristiya. Tayo’y kanyang inaanyayahang makibahagi sa pagdiriwang ng kanyang pag-ibig na ipinakita ng kanyang Anak na namatay sa Krus at muling nabuhay. Kaya ang bawat Linggo at Banal na Araw ay mahalaga para sa atin ay dumulog hindi lang basta-basta, kundi upang maranasan natin ang kanyang presensiya sa ating piling. At kapag tayo’y nagsisimba, dapat mayroon tayong maayos na disposyon sa labas at sa loob ng ating mga puso. Sa handaan ng hari, may isang lalaking hindi nakasuot ng pangkasalan, kaya’t siya’y pinagapos at pinalayas palabas sa isang lugar kung saan may pagnanais ng mga ngipin. Mahalaga ang ating kasuotan at porma sa loob ng simbahan, at mas mahalaga ang ating saloobin at intensyon kapag hinaharap natin ang Diyos.

Ang Eukaristiya ay ang unang karansan ng piging ng Diyos sa Kaharian ng Langit. Kaya sa ating paglalakbay sa daang ito, nawa’y maging makabuluhan ang bawat pagsimba natin hindi lang sa mga debosyon at ritwal ng ating pananampalataya, kundi pati rin sa ating pagiging mabuting kapwa sa isa’t isa. Huwag nawa nating tanggihan ang anyaya ng Panginoong Diyos.

Reply

Ferdy Baetiong Pariño August 19, 2021 at 9:43 am

Sa unang pagbasa, ang aral at hamon ng ating Panginoon ay ang pagkakaroon ng Palabra de honor, Si Jefte ay humiling sa Diyos ng isang tagumpay at ipinangakong iaalay nya ang unang sasalubong at iyon at ang kaisa isa nyang anak na babae at tinupad nya ang kanyang pangako. May mga panahon na tayo ay nananalangin ng taimtim dahil sa isang minimithing kahilingan at susundan natin ito ng pangakong magbabago ng pag uugali at tatalikuran ang kasamaan, ngunit pag andyan na ang biyayang hiniling at napawi na naman ang kalungkutan ay nakakalimutan na ang Diyos at ang pangakong binitawan.

Sa ebanghelyo nman na aral at hamon ay may kinalaman din sa unang pagbasa sapagkat nakakalimutan na natin si Hesus dahil sa pgiging abala sa ating trabaho, negosyo, bisyo o sa pagpaparami ng pera. Lahat tayo inaanyayahan ni Hesus sa kanyang piging tuwing Linggo upang dumalo sa banal na eukaristiya, kung tutuusin ay isang oras lamang iyon. Pero tayo ay gumugugol ng napakaraming oras sa inuman, sa facebook, netflix, tsismisan, trabaho, negosyo, panunuod ng mga pornograpiya, pagpapakasikat sa social media. Kung hindi nman talaga makakadalo ay napakarami ng live masses sa facebook at youtube. Ang lalaki naman sa kwento an dumalo ng hindi nakasuot pangkasalan ay maihahalintulad sa taong nagsimba nga ngunit lumilipad namn ang isip o hindi naka focus sa misa dahil iniisip nya ang kanyang negosyo o kung anu ano pa.

Mapalad ang mga inaanyayahan sa kanyang piging. Libre ang pagdalo sa misa ito ang ating magiging gabay sa ating pang araw araw na gawain, kausapin mo ang Diyos sa kanyang tahanan, lumuhod pumikit , yumuko at kausapin si Hesus, magpuri, magpasalamat, magsisi, huming kapatawaran, humingi mg biyaya at talikuran ang kasamaan.

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: