Huwebes, Agosto 5, 2021

August 5, 2021

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-18 Linggo sa Karaniwang Panahon
Huwebes

Habang ating pinagninilayan ang simulain ng ating Simbahan, manalangin tayo nang may bukas na puso sa ating Diyos Ama para sa sarili nating pangangailangan at ang pangangailangan ng sandaigdigan.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Buhay na Diyos, basbasan mo ang iyong bayan.

Ang mahal na Papa, ang tagapagmana ng tungkulin ni San Pedro, nawa’y gamitin nang matalino at ayon sa kalooban ng Diyos ang kapangyarihan ng susing ipinagkaloob sa kanya, manalangin tayo sa Panginoon.

Sa mga may tungkulin ng pamumuno sa mga lipunan nawa’y hindi manaig ang kapangyarihan ng kasamaan, manalangin tayo sa Panginoon.

Sa paningin ng mga sumasampalataya nawa’y hindi mawala si Kristo na kanilang panulukang bato at pundasyon ng buhay, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit at mga matatanda nawa’y maalalayan at matulungan ng kanilang mga kapamilya at kaibigan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga namayapa na sa buhay na ito nawa’y makatagpo ng kapahingahan sa Kaharian ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Amang pinagmumulan ng lahat ng karunungan, ipinagkatiwala ng iyong Anak ang kanyang kapangyarihan sa Simbahan. Habang iniaalay namin ang aming mga panalangin, tulungan mo kaming maging ganap ang iyong kalooban sa amin. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 5 comments… read them below or add one }

Mark Jefferson Magno June 13, 2021 at 6:01 pm

Salamat sa Diyos!

Reply

Reynald Perez August 4, 2021 at 12:30 pm

PAGNINILAY: Ang Diyos ay patuloy na magiging tapat sa atin sa kabila ng lahat ng ating mga pagkakasala at pagkukulang. Ito ang isinalaysay sa Unang Pagbasa noong sinubok ng mga Israelita ang Diyos sapagkat sila’y uhaw na uhaw habang naglalakbay sa disyerto. Kaya iniutos ng Panginoon kay Moises na hampasin nito ang bato ng isang bases. Subalit dahil sa galit ni Moises sa katigasan ng ulo ng mga tao, dalawang beses niyang hinampas ang bato. At hindi natuwa ang Panginoon sa pagsuway ni Moises, kaya naantala sila mula sa dapat na pagpasok sa Ipinangakong Lupa. Ngunit kahit hindi naging tapat ang Israel sa katatagan ng kanilang tiwala sa Diyos, patuloy pa rin ang kwento ng kaligtasan upang umiral muli ang kabutihang nagmula sa Diyos.

Inilalahad naman ni San Mateo sa Ebanghelyo ang pagkakilanlan ng tao tungkol sa Panginoon. Tinanong ni Hesus ang kanyang mga Apostol kung sino siya sa paningin ng mga tao, at sinabi nila na siya’y parang si San Juan Bautista, Elias, at isa sa mga propeta. Ngunit nang tanungin sila nang personal kung sino siya para sa kanila, matuwid ang tugon ni Pedro na siya ang Kristo, ang Anak ng Diyos. At siya’y ipinagkaloob ng Panginoon ng awtoridad na magpastol sa Simbahang itinayo sa Batong saligan upang kahit kamatayan ay hindi madadaig nito ng kahit anumang makamundong kapangyarihan.

Ang Simbahan ay siyang magiging tagapangalaga ng pananampalataya ng tao sa Diyos. Ipinamalas din ni Hesus kay San Pedro ang Kapangyarihan ng Susi sa pagpapahintulot at pagbabawal ng mga kaluluwa dito sa lupa para nang sa langit. At iyan ang patuloy na misyong ginagawa ng Santo Papa, mga Obispo, at Pari lalung-lalo na sa Sakramento ng Kumpisal. Kaya nga mahalaga ang papel ng Simbahan sa ating buhay. Bagamat napakaraming pagkukulang at pagkakamaling ginagawa ng mga taong nasa Hierarkiya at Laikong na kabilang tao, patuloy na ipapamalas ng Panginoon ang pagmamahal niya sa Sambayanang kanyang pinagbuklod sa Diyos Ama, ang Simbahang Iisa, Banal, Katolika, at Apostolika. Patuloy na magiging matapat sa atin ang Panginoon sa kabila ng ating mga kahinaan sa buhay.

Ang hamon sa atin ay ang patanggap sa ating pananampalatayang Katoliko na tayo’y napabilang na isang anak ng Diyos, at nawa’y isabuhay natin ito sa pagbibigay-saksi sa mensahe ng pag-ibig nang may kasamang mabuting paggawa.

Reply

Alberto Calderon Jr. August 5, 2021 at 6:07 am

Ikaw o Diyos ay aking pupurihin, iniligtas ang istrael sa pagkaalipin, datapwat paniniwalay ay kay ikli, patuloy na ikaw ay may mabuting loob at umiibig, Panginoon akoy uhaw, at sa tubig sa ilang, uhaw ay napukaw, hindi lamang sa tubig ako ay nauhaw pati na rin sa pagibig , at ang uhaw sa paibig , muli nyo itong pinukaw, sapagkat ang iyong pagibig , sa amiy walang hanggan. At ang yung bugtong na anak, ay preparadong iyong ibibigay, handog sa tipanan, at sa salang mortal , ay lilinisin magpakailan man, sa pamamagitan ng krus , na sa Hesus ang syangmay tangan…

Reply

Ferdy Baetiong Pariño August 5, 2021 at 9:26 am

Lumayo ka Satanas! Hadlang ka sa aking landas! Yan ang winika ni Hesus sa huling parte ng ating ebanghelyo ngayon. Sa buhay natin, habang tayo ay nagpipilit na magbagong buhay at magbalik loob sa Panginoon, tsaka naman masigasig si Satanas na pigilan tayo, mas dumami ang tukso at mga tukso na lubhang kaakit akit. Tukso na napakahirap tanggihan ng karaniwang tao na sumisira sa ating pagpapakabanal. Pero kapatid kapag naman ito ay nalabanan mo at napagtagumpayan, biyayang walang humpay ang nag iintay sayo. Hindi madali, kahit mga pari ay sinsabi ito na hindi madali ang sumunod sa kalooban ng Diyos lalo na’t mas masarap ang inaalok mg demonyo, pero mga kapatid ang alok ng demonyo ay panandaliang sarap lamang, may naghihintay na parusa at kapighatian na siguradong pagsisihan mo kung bakit mo kinagat ang mapula at masarap na mansanas na alok ni Satanas. Makakatulong na lagi nating isipin na kasama natin si Hesus, na katabi lagi natin si Hesus sa lahat ng oras upang hindi tayo gumawa ng kasalanan, tuwing may tukso ay magdasal ng Ama Namin at hilingin na malabanan ang tukso.

Reply

Virginia Wyss August 5, 2021 at 12:52 pm

Salamat sa Mabuting balita ng ating kaligtasan , aking nasumpungan , maraming salamat Ama,? tunay mabait ang ating Diyos mapagpatawad at mapagmahal ano man kasalanan ating nagawa kapag ating pagsisihan wag na balikan ,magbalik loob tayo sa Kanya tatanggapin Niya tayo. tanggapin natin ang alok ng Diyos para sa ating kaligtasan sumunod sa utos Niya makakamtan natin ang buhay masaya at payapa, iba ang buhay mararanasan natin kapag kasama natin ang Diyos! anong pagsubok dumarating payapa parin ang kalooban natin, dahil mayroon tayong inaasahang Diyos tutulong sa atin ?tapat sa Kanyang pangako, wag tayo magteklamo tulad sa ginawa ng mga Israelita panay reklamo kaya hindi sila nakarating sa bayang pangako ng Diyos! mula nakikala ko ang Diyos hindi na ako nag rereklamo, kuntento na ako ano langmayron ako salamat sa Diyos natagpuan ko ang mabuting Balita ng kaligtasan, naliwanagan at naunawaan ko ang paghahari ng Diyos naway marami pang iba tulad ko tumugon aa panawagan ng Diyos hindi pa huli , maraming salamat naka pag share po ako ng kunti sa inyong link to God be the glory in Jesus Name?Amen?God bless us all!

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: