Linggo, Agosto 1, 2021

August 1, 2021

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-18 Linggo sa Karaniwang Panahon (B)
Patnubay sa Misa

Nananalig na ang Diyos ay totoong mapagbigay at laging nagdudulot ng kabuhayan sa Kanyang bayan, tayo’y dumulog at manalangin sa Kanya sa pag-asang tayo’ y Kanyang pakikinggan. Sama-sama tayong manalangin:

Panginoon, dinggin Mo kami!

Para sa Simbahang Katoliko, ang peregrinong bayan ng Diyos: Nawa maihatid niya ang mga tapat sa makalangit na kaharian bilang kasangkapan ng pag-ibig ng Diyos na siyang nangalaga sa mga Israelita sa kanilang paglalakbay sa disyerto. Manalangin tayo!

Para sa Santo Papa, mga obispo at lahat ng pinunong espirituwal: Nawa pasiglahin at palakasin nila ang kanilang mga kawan bilang mga tagapaghatid ng maraming biyaya ng Diyos. Manalangin tayo!

Para sa mga naaakit ng materyalismo: Nawa mapaglabanan nila ang mga panghalina ng materiyal na pakinabang at magsikap sila para sa pagkaing nagdudulot ng buhay na walang hanggan. Manalangin tayo!

Para sa ating kura paroko at sa mga katulong niya: Nawa manatili silang malusog at magtamo ng malasakit at pagmamahal ng mga pinamumunuan nila. Manalangin tayo!

Para sa ating lahat: Nawa magkaroon tayo ng isang mapagpitagang pag-ibig sa Eukaristiya at magsumikap na tanggaping lagi si Hesus sa Banal na Pakikinabang. Manalangin tayo!

Tahimik nating ipanalangin ang ating pansariling kahilingan. (Tumigil sandali.) Manalangin tayo!

Amang nasa langit, ang pananampalataya sa Iyong Anak na si Hesus ay siyang handog Mo sa amin. Tulungan Mo kaming lubos na magtiwala sa kanya upang ang kanyang buhay sa amin ay patuloy na sumigla. Ikaw na nabubuhay at naghahari nang walang hanggan.

Amen!

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 3 comments… read them below or add one }

Mark Jefferson Magno June 13, 2021 at 5:58 pm

Salamat sa Diyos!

Reply

Reynald David Perez July 22, 2021 at 3:56 pm

PAGNINILAY: Ngayong Unang Linggo ng Agosto at Taong B ng Kalendaryong Liturhikal ng Simbahan, patuloy natin pinagninilayan ang Ikaanim na Kabanata ng Ebanghelyo ni San Juan (Juan 6) sa mga susunod na Linggo. Noong nakaraang Linggo, narinig natin kung paanong pinadami ni Hesus ang limang tinapay at dalawang isda para pakainin ang limang libong tao.

Ngayong Linggo, ang ating Ebanghelyo (Juan 6:24-35) ay tungkol sa aplikasyon ng pagpapakain sa limang libo, ang pagdeklara ni Hesus sa kanyang sarili bilang Tinapay ng Buhay. Sa ating Unang Pagbasa (Exodo 16:2-4, 12-15), nakita natin na malaya na ang mga Israelita mula sa pagkaalipin sa Egipto, kaya lumakbay sila sa disyerto. Ngunit, pagkatapos ng ilang araw, sila’y nagalit kina Moises at Aaron dahil gutom na gutom na sila. Narinig nito ng Panginoong Diyos, kaya nagbaba siya ng manna, at inutusang pulutin ito araw-araw, at sa isang umaga, nakapaligid ang napakaraming hamog. Kaya sinabi ni Moises sa mga Israelita na ang Diyos ang nagbigay ng tinapay para sa kanila. Ang pangyayaring ito ay isang paghahanda sa pagdeklara ng ating Panginoong Hesukristo sa kanyang sarili bilang Tinapay ng Buhay.

Balikan natin ang ating Ebanghelyo. Hinanap ng mga tao si Hesus dahil pagkatapos ng kababalaghang pagdami ng tinapay at isda, gusto nila siyang maging hari. Kaya nakita ng mga Apostol mula sa isang bangkang patungong Capernaum ang Panginoong lumalakad sa tubig. Sa ibang banda, sumakay ang mga tao sa mga bangka papuntang Capernaum para hanapin ang Panginoon at ang kanyang mga alagad. Kaya nang nakita nila sila, lumapit sila sa kanya, at gusto nila makita pa ng isang kababalaghan. Ang tugon ni Hesus ay siya ang Tinapay na nagbibigay-buhay. Tuwing nakikinabang tayo sa Sakramento ng Banal na Eukaristiya, tumatanggap tayo ng espirituwal na pampalusog. Ngunit kailangan natin isabuhay ito sa ating araw-araw na pamumuhay. Kaya nga sabi ni Kristo na magsikap para sa pagkaing hindi nagsisira at nagbibigay na buhay na walang hanggan. Hindi ibig sabihin nito na bawal tayo’y kumain, kundi sa bawat ginagawa natin, dapat magkaroon tayo ng espirituwal na pampalusog. Tuwing tinatanggap natin si Hesus sa Misa, dapat maramdaman natin na siya ay nasa ating puso’t kaisipan dahil tayo’y pinili niya bilang kanyang mga saksi sa Mabuting Balita.

Sa ating paglalakbay sa daang ito, nawa’y tanggapin natin si Hesus bilang Tinapay ng Buhay sa pamamagitan ng mabubuting gawain Sa ating mga kapwa.

Reply

Ferdy Baetiong Pariño August 1, 2021 at 12:52 pm

Tayo ay mahilig at nasasabik sa buffet na pagkain or yung boodle fight na tinatawag, dahil napakarami ng mga ibat ibang putahe na maari nating makain at mabubusog ng husto. Sana ay ganun din tayo sa pagkaing ispiritwal, sana ay mahilig at nasasabik din tayo sa pagkain na bigay ni Hesus, yan ang ang mga Mabuting Balita na mas higit pa sa buffet at boodle fight. Sagana ang pagkaing ito, libre mong makakain, at hindi ka mauuhaw o magugutom magpakaylanman. Tuwing umaga ay almusalin mo ang ebanghelyo, buong araw ay isakatuparan mo ang aral nito sa iyong gawain, sa makaksalamuha mo sa araw na iyon, sa trabaho, sa pamilya at kapitbahay. Kinabukasan ay ulitin mong muli, paulit ulit at isapuso qng nais ituri ni Hesus satin sa mga ebnghelyo, napkarami ng Mabuting Balita parang buffet, namnamin mo… gamitin mong batayan sa lahat desisyon at hindi ka maliligaw ng landas, hindi ka na mauuhaw o magugutom.

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: