Miyerkules, Hulyo 28, 2021

July 28, 2021

Miyerkules ng Ika-17 Linggo sa Karaniwang Panahon (I)

Exodo 34, 29-35
Salmo 98, 5. 6. 7. 9

D’yos na Makapangyarihan,
Ikaw ay tunay na banal.

Mateo 13, 44-46



Subscribe to Awit at Papuri Communications YouTube Channel

Wednesday of the Seventeenth Week in Ordinary Time (Green)

UNANG PAGBASA
Exodo 34, 29-35

Pagbasa mula sa aklat ng Exodo

Mula sa Bundok ng Sinai, bumaba si Moises na dala ang dalawang tapyas na batong kinasusulatan ng mga utos. Hindi niya namamalayan na dahil sa pakikipag-usap niya sa Panginoon ay nagniningning pala ang kanyang mukha. Nang makita ito ni Aaron at ng mga Israelita, natakot silang lumapit. Kaya tinawag sila ni Moises. Lumapit naman si Aaron at ang mga lider sa Israel at sila’y nag-usap. Pagkaraan noon, lumapit sa kanila ang lahat ng Israelita at sinabi sa kanila ni Moises ang mga utos na ibinigay sa kanya ng Panginoon nang sila’y mag-usap sa Bundok ng Sinai. Pagkasabi nito, tinakpan niya ang kanyang mukha. Tuwing papasok si Moises sa tabernakulo upnag makipag-usap sa Panginoon, inaalis niya ang takip ng kanyang mukha. Paglabas, sinasabi niya sa mga tao kung ano ang iniuutos ng Panginoon, at makikita na naman nila na nagniningning ang kanyang mukha. Sa gayun, tatakpan niya uli ito hanggang sa muli niyang pakikipag-usap sa Panginoon.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 98, 5. 6. 7. 9

D’yos na makapangyarihan,
Ikaw ay tunay na banal.

Ang Poon na ating Diyos ay lubos na papurihan;
sa harap ng trono niya’y sambahin ang ngalang Banal!

D’yos na makapangyarihan,
Ikaw ay tunay na banal.

Si Moises at Aaron, mga saserdote niya;
at si Samuel nama’y lingkod na sa kanya ay sumamba;
nang ang Poo’y dalanginan, dininig naman sila.

D’yos na makapangyarihan,
Ikaw ay tunay na banal.

Ang Poon ay nagsalita sa gitna ng mga ulap;
Sila naman ay nakinig utos niya ay tinupad.

D’yos na makapangyarihan,
Ikaw ay tunay na banal.

Ang Diyos nating Panginoon, dapat nating papurihan,
sa banal na bundok niya sambahin ang kanyang ngalan!
Siya’y ating Panginoon, siya’y ating Diyos na banal!

D’yos na makapangyarihan,
Ikaw ay tunay na banal.

ALELUYA
Juan 15, 15b

Aleluya! Aleluya!
Aking mga kaibigan,
alam na ninyo ang tanan
na mula sa Amang mahal.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Mateo 13, 44-46

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa mga tao, “Ang paghahari ng Diyos ay katulad ng kayamanang nakabaon sa isang bukid. Nahukay ito ng isang tao at tinabunan uli. Sa laki ng tuwa, siya’y humayo at ipinagbili ang lahat ng ari-arian niya at binili ang bukid na iyon.

“Gayun din naman, ang paghahari ng Diyos ay katulad nito: may isang mangangalakal na naghahanap ng mamahaling perlas. Nang makakita ng isang perlas na napakahalaga, siya’y humayo at ipinagbili ang lahat ng kanyang ari-arian at binili iyon.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 4 comments… read them below or add one }

Mark Jefferson Criste May 19, 2021 at 8:31 am

Salamat sa Diyos!

Reply

Reynald Perez July 23, 2021 at 1:18 am

PAGNINILAY: Matapos ang pangungusap sa Diyos sa Bundok ng Sinai & ang pagtanggap sa Sampung Utos, nakita ng kapatid niyang si Aaron na nagningning ang kanyang mukha, at nang makita rin ito ng mga Israelita, ay nanginig sila sa takot na ayaw nilang lapitan si Moises dahil sa kabanalang napapalibot sa kanya. Sinabi rin dito na tinatakpan niya ang kanyang mukha ng belo kapag natapos na siyang magsalita, ngunit tinatangggal ito kapag kinakausap niya ang Panginoon. Pagkatapos ay sasabihin niya sa mga anak ni Israel ang lahat ng utos ng Diyos. At nang makita nila ang pagkaningning ng mukha ni Moises, mababalot muli siya sa belo.

Makikita rito sa kaningningan ni Moises ang isang maluwalhating pahiwatig tungkol sa pagkilala ng mga Israelita sa Diyos. Subalit ang belo ay binigyang-diin ni San Pablo sa Ikalawang sulat sa mga taga-Corinto na hanggang ngayon, kung si Moises lang pinaninindigan ng mga sagradong Hudyo, tinatakpan ng belo ang kanilang Moises. Subalit kung ang tao ay magtutungo sa Panginoong Hesus, tinatanggal ang belo. Sapagkat sa Pagbabagong-Anyo sa Bundok na Tabor, itinuro ni Moises si Hesus bilang katuparan ng Kautusan. Nagningning ang mukha ni Hesus bilang pagpapatungo sa kaluwalhatiang nakalaan sa kanya, na siya munang magdurusa at mamatay sa Krus upang tayo rin ay makibahagi sa kanyang buhay at makamtan balang araw ang buhay na walang hanggan sa kalangitan.

Patuloy natin naririnig mula sa ating Panginoong Hesukristo ang mga Parabula tungkol sa Paghahari ng Diyos, ayon sa isinulat sa Ika-13 Kabanata ng Ebanghelyo ni San Mateo. Sa kasaysayan, ang kaharian ay isang lugar kung saan ito ay nasa ilalim ng sistema ng monarkiya. Ito’y pinaghaharian ng mga hari, reyna, duke, dukesa, at mga noble. Sila’y nakatira sa isang malaking palasyong binabantayan ng mga Kabalyero, at sila’y tinuturing bilang mayaman at makapangyarihan. Pero alam na po natin sa kasaysayan ay may hangganan ang kanilang pamumuno at ilang bansa ay inalis ang sistema ng monarkiya. Subalit iba ang Kaharian ng Langit, ang mismong Paghahari ng Diyos sa Sanlibutan. Tunay na hindi ito’y lingid sa kaisipan ng tao no’ng panahong iyon, pero sa pagdating ni Hesus sa Galilea, ipinahayag niya na tayo’y magsisi at sumampalataya sa Mabuting Balitang dala ang mensahe ng paghaharing iyon.

At sa 2 parabula, ang Kaharian ng Langit ay inihantulad sa isang kayamanang nakalibing sa bukid at isang perlas na may mahalagang presyo. Kung baga binenta ng 2 lalaki ang lahat ng kanilang mga ari-arian upang bilhin ang mga mahahalagang bagay na iyon. Habang tayo’y namumuhay, patuloy tayong humahangad at tumatanggap ng mga kayamanang makakapagsaya sa ating mga pangangailangan at kagustuhan ng bagay. Ngunit ang dapat bigyang pansin na ang tunay na kayamanan ay nakasalalay sa Panginoon lamang. Siya’y mismo nagsabi na mag-imbak tayo ng mga kayamanang mula sa langit. Siya’y mismong nagbigay ng mga biyayang ating hinahangad at natatanggap mula noon hanggang ngayon, kaya’t marapat lang na tayo’y sumampalataya sa kanya at maging tapat sa kanyang kalooban para sa ating lahat.

At nawa tayo’y maging mga ganap na Kristiyano upang ipalaganap at ibahagi ang Paghahari ng Diyos sa ating mga buhay dahil kung tayo ay magiging mabuting ehemplo at gagawa ng kabutihan, makakamit natin ang kayamanan ng walang hanggan sa Paraiso.

Reply

Ferdy Baetiong Pariño July 28, 2021 at 12:29 am

Katulad ng mga apostol, Nang makilala nila si Hesus ay iniwan nila ang kanilang hanpbuhay at maging mga mahal sa buhay upang sumunod kay Hesus. Sinabi sa ebanghelyo na ipinagbili ng mga lalaking nabanggit ang kanilang mga aria arian upang mabili amg perlas o lupa na may kayamanan na kumalatawan sa paghahari ng Diyos. Hindi natin kailangan ipagbili amg lahat ng ating pag aari dahil alam naman natin na ito kakailanganin natin para itaguyod ang ating mga mahal sa buhay. Ang sinasabi kailangan nating pakawalan ay ang mga gawain na nagbubukod sa atin sa Diyos. Ito ay mga sobrang pagmamahal sa materyal na bagay na halos makalimutan na natin ang Diyos, ito ang sobrang kasakiman na inaangkin na natin amg hindi sa atin at nagdadamot tayo sa nangangailangan kahit meron tayong kayang ibigay, ito ay ang matigas na puso na hindi kayang magpatawad maging sa sariling kapatid o magulang, ito ay walang takot sa Diyos na paulit ulit ginagawa ang kasalanan, ito ang katakawan sa kapangyarihan, ito ay ang pagiging mapagmataas, kayabangan at walang habag sa kapwa tao, ito ang pamamaliit sa ibang tao, pamimintas sa mga taong mahirap at may kapansanan. Yan ang mga pakawalan mo, upang maghari sa atin ang Panginoon. Sa ganun ay madarama mo ang tunay at wagas na kaligayahan na hindi kayang bilihin ng pera mo.

Reply

Andri Magdaleno S. Lazo July 28, 2021 at 8:30 pm

Ang ating Mabuting Balita ayon kay San Mateo ay napapares sa isang pamilya na may isang anak na babae nasa ibang bansa na nagiingat sa kanyang invesment o sa kanyang iniipon na mga salapi sa buhay at ang kanyang ama naman ay pinababayaan ang kanyang kalusugan hanggang sa ito ay magkaroon ng sakit na malala tulad ng ulcer at low blood pressure dahil nais niyang makaroon ng salapi o perang mahahawakan ito ay tumutugma naman sa pangyayari sa tao na ibinebenta niya ang lahat ng ari-arian niya makuha lamang ang perlas na ninanais niya.

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: