Lunes, Mayo 24, 2021

May 24, 2021

PANALANGIN NG BAYAN
Ikawalong Linggo sa Karaniwang Panahon
Lunes

Manalangin tayo ngayon sa ating Diyos Ama para sa katatagan na mapaglabanan natin ang mga tukso ng kayamanan at kasiguruhan.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Ama, mapasaamin nawa ang kaharian mo.

Ang Simbahan nawa’y patuloy na magbigay ng kalinga at suporta sa mga napapabayaan at mga naghihirap ng ating lipunan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga tinatawag na tagasunod ni Kristo nawa’y kanilang mapagtanto na mas mahalaga sa buhay ang pagkalinga sa iba at pangangalaga sa mga kapuspalad kaysa sa sarili, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang lahat ng tao nawa’y matagpuan ang karunungan na unahin ang paghahanap sa Kaharian ng Diyos at ialay ang kanilang buhay sa paglilingkod sa Panginoon, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit nawa’y mabigyang kasiyahan at kalakasan ni Kristo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang ating mga yumaong kamag-anak at kaibigan nawa’y makasalo sa kasiyahan ng tagumpay ni Kristo sa Kaharian ng Langit, manalangin tayo sa Panginoon.

Makalangit na Ama, bigyan mo kami ng kalakasan ng loob na mamuhay sa karukhaan sa Espiritu at sumunod sa halimbawa ni Kristo na naging dukha upang kami ay umunlad. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 1 comment… read it below or add one }

Reynald Perez May 23, 2021 at 11:53 pm

Pagninilay: Ang Unang Pagbasa ay isang paalala ni Sirac na tayo’y magbalik-loob sa ating Panginoong Diyos. Tayong lahat ay tinatawag ng Diyos na maging mga anak niya muli sa kabila ng ating mga pagkakululang at pagkakasala. Nawa’y buong buhay nating ipagdangal siya at isabuhay ang kanyang presensiya sa ibang tao.

Ang Ebanghelyo ay isang pag-uusap ni Hesus sa isang mayayamang lalaki. Tinanong itong mamayamang ito kung ano ang dapat niyang gawin upang magkamit ang buhay na walang hanggan. Tumugon si Hesus na gawin niya ang nakasaad sa Sampung Utos/Dekalogo, at sigurado ng lalaki na mula pagkabata niya ay sinundan niya ang mga utos ng Diyos Ama. Subalit nang sabihin ni Hesus na ibenta niya ang kanyang mga ari-arian sa mga mahihirap at sumunod sa kanya, bigla na lang umalis ang lalaking mayaman dahil nalungkot siya sa nalamang marami siyang mga yaman sa buhay na hindi pwedeng ipagwalang-bahala.

Ang panawagan ng Panginoon na sumunod sa kanyang landas ay sadyang napakahirap sapagkat sino bang taong gustong ipagbenta ang lahat ng mayroon siya? Sa literal na konteksto, ang mga misyonerong nagpaparangal tungkol sa pananampalataya ay talagang iiwanan ang kanilang mga ari-arian upang itugon ang tawag ng Panginoon na maglingkod sa kanya. Ngunit ang tanong ay ninanais ba ni Hesus na ipamigay natin ang lahat nating ari-arian? Kung susuriin natin nang mabuti ang Ebanghelyo, hindi naman sinasabi niya na mali ang pag-aangkin sa mga tinuturing na yaman, sapagkat alam ni Kristo na pinaghirapan niya ng tao upang makagawa ng mabuting kinabukasan hindi lang para sa sarili, kundi para sa ibang kapwang-tao rin. Subalit ang hinihiling lang naman ni Hesus ay sa kabila ng lahat ng ating mga yaman at ari-arian ay dapat mas pahalagahan natin ang ating pananampalataya sa kanya at sa Ama.

Hindi dapat maging hadlang ang mga makamundong bagay sa pagkikilala sa Diyos na gumabay sa atin ng mga ito para sa ikauunlad ng tao, komunidad, at lipunan. Ang mga mayroon tayo ngayon ay lilipas din, subalit ang tunay na kayamanan sa langit ay ang makamit natin ang kaligayahan ng buhay na walang hanggan kasama ang Panginoon at ang kanyang mga Banal sa patuloy na pagsisikap na gumawa ng mga nararapat at mabubuting bagay ayon sa kanyang dakilang kalooban.

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: