Martes, Mayo 18, 2021

May 18, 2021

PANALANGIN NG BAYAN
Ikapitong Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay
Martes

Hinulaan ni Kristo na ating Panginoon ang kanyang mapanligtas na Kamatayan at Muling Pagkabuhay. Sa pamamagitan niya, ang Nagdurusang Lingkod, ilapit natin ang ating mga kahilingan sa Ama ng awa.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Ama, magningning nawa sa amin ang iyong kaluwalhatian.

Ang mga pinuno ng Simbahan nawa’y ipakita sa atin ang isang malinaw na larawan ng matiyagang pagtitiis sa gitna ng kaguluhan ng ating panahon, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga bansa nawa’y makilala ang nag-iisang tunay na Diyos at si Jesu-kristo na kanyang isinugo, manalangin tayo sa Panginoon.

Tayo nawa’y magsikap at manalangin para sa pagkakaisa ng lahat ng naniniwala kay Kristo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit nawa’y iugnay ang kanilang mga paghihirap sa pagpapakasakit ni Kristo sa krus, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga naunang lumisan sa buhay na ito nawa’y makatanggap ng walang hanggang gantimpalang ipinangako sa kanila, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama, niluwalhati mo ang iyong Anak, at luluwalhatiin kami sa kanya. Tanggapin mo ang aming mga panalangin dahil kami ay sa iyo. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristo na aming Panginoon. Amen.

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 4 comments… read them below or add one }

Reynald Perez May 15, 2021 at 2:21 pm

PAGNINILAY: Malapit na tayo sa wakas ng Pasko ng Muling Pagkabuhay ng Panginoon. Matapos ang Dakilang Kapistahan ng kanyang Pag-akyat, ipagdiwang naman natin nitong darating na Linggo ang Dakilang Kapistahan ng Linggo ng Pentekostes.

Makikita natin sa Ebanghelyo ang wakas ng mga diskurso ni Hesus sa Huling Hapunan nang ipanalangin niya ang kanyang mga alagad. Alam ni Hesus ang mangyayari sa kanya bago pa man siya’y bumalik patungo sa Ama. Kaya ang panalangin niya ay ingatan nawa ng Diyos ang kanyang mga hinirang na hindi sila’y maligaw sa ibang landas. Hindi ipinalangin ni Hesus ang “mundo” na ang kahulugan nito ay ang mga makamundong bagay na nakakaabala sa ating pagtuon sa mga bagay na makalangit. Kaya sa pagsapit ng kanyang Pagpapakasakit at Pagkamatay sa Krus, nais na mapangaralan ang kanyang Pangalan sa hantungan ng kanyang Muling Pagkabuhay.

Kaya makikita natin sa panalangin ni Kristo ang katatagan ng mga alagad na ituloy ang misyon na sinimulan niya kahit siya’y nasa langit niya. Ito ang ipinakita ni San Pablo sa Unang Pagbasa nang sabihin niya sa mga taga-Efeso na pumuspos sa kanila ang Espiritu Santo. Handa na si San Pablo na harapin ang kanyang mga kaaway sa Jerusalem na may maitim na balak laban sa kanya, sapagkat siya’y patuloy na tatayo bilang isang mabuting saksi para kay Kristo. Nawa tayo rin ay maging mga mabuting saksi ng Panginoon sa oras ng kagipitan at pagsubok sa buhay.

Reply

Raffy Patrocinio May 17, 2021 at 10:18 pm

Sino dito sa atin ang nagwiwish? Yung humihiling sa mga bagay-bagay? Alam ko marami na sa atin ang nakapag wish na. Naalala ko yung isa kong kaibigan na kapag nakakakita ng balon ay kumukuha ito ng barya at pagkatapos ay ihuhulog ito kasabay ng kanyang mga wish. At pamilyar din kayo sa shooting stars, ang sabi ng ilan ay kapag nakakita o di kaya naman ay nasaksihan mo ito ay magwish ka lang at matutupad ito.
Well, marami sa atin ay may kanya-kanyang paraan kung paano nagwiwish.
Naisip ko ito, because on Gospel today, Jesus is wishing to our Father. Humihiling ang ating Panginoon sa Ama. He wished for His beloved here on Earth. Kung titignan nating mabuti, halos parehas ang scenario na ito noon sa halamanan ng Getsemani. At the time before He was betrayed by Judas Iscareot, nanalangin muna ang Panginoon. He already wish. At ngayon, John was telling how Jesus gave farewell before he ascend onto heaven. Bago sya iakyat at maluklok sa kanan ng Ama, bago nya marating ang ganap na kaluwalhatian, he prayed. Nagdasal ang Panginoon. Humiling ang ating Mesiyas.
So, these two situations shown us that praying is the best suit in order to have a successful journey. Ang panalangin ang pinakamakabuluhang baon natin patungong tagumpay.
Sa hirap at ginhawa, sa dusa at saya, ang tanging ginawa ng ating Panginoon ay ang pananalangin. Bago sya ipagkanulo, hanggang sa krus, panalangin ang baon ni Hesus. At hanggang dito sa pag-akyat, panalangin pa rin ang dala nya.
Magandang pagnilayan, hanggang saan tayo handang manalangin? Are we still praying even in joyful moments of our life? Hence, are we still praying when hard times come? You know my dear friends, prayer is the most powerful weapon in any battle.

Kung mayroon kang bigat sa iyong puso, pray. Kung nababagabag ka, pray. If worst things come, just pray. Pray without ceasing. Wish without doubting. Ang sabi nga sa isang kanta, “Kung ikaw ay masaya pumalakpak.”

Ganto rin ang iniiwan sa atin ng Ebanghelyo.

-Kung ikaw ay masaya, magdasal ka.
-Kung ikaw ay malungkot, magdasal ka.
At siguradong buhay mo ay sisigla.

Reply

Sherwin D. Yanoria May 18, 2021 at 7:07 am

Ano ba ang gusto mong gantimpala matapos ang isang matagumpay na gawain? Ang lahat ng paghihirap ay mayroong hangganan. Ang ating Panginoong Hesus ay naghirap ng lubos at ngayo’y tatanggap na ng kaluwalhatian mula sa Ama. Ang ating Diyos ay hindi bulag, pipi o bingi. Alam niya ang ating paghihirap. Gagantimpalaan niya ang bawat isa sa kanyang kabutihang ginawa. Kaya nga tayo ay magsumikap sumunod sa kalooban ng Diyos. Hindi masusukat ang biyayang ipagkakaloob niya sa atin. Kaya nga ano pa ang inaantay, magbalik loob na.

Reply

Ferdy Baetiong Parino May 18, 2021 at 9:22 am

Nuonh umpisa pa lamang ay alam na ni Hesus ang mangyayari sa Kanya. Malugod nya itong tinupad at tinanggap dahil ito ang kagustuhan ng Ama. Ang lahat ng mangyayari ay alam ng Diyos, maging ang pandemyang ito. Hindi nakakatuwa ang nangyari sa mundo ngayon.. Pero marami ang nagising. Nagkapantay pantay ang mahirap at mayaman. Parehas oarehas ng dalangin na sana’y wag dapuan ng sakit na nakamamatay na ito.. Lahat ay hindi nakakaalis maging ang mga mayayaman hindi magamit ang mamahaling sasakyan, bags, sapatos, nawalan ng halaga ang pera at iba pang makamundong bagay. Mga negosyanteng namamayagpag ay bumagsak ang negosyo at marami pang iba. Kapatid, pagnilayan natin ito, marahil tinatapik tayo ng Diyos, na para bang sinasabing…. Wag mong pagtuunan ang sanlibutan o makamundong materyal, yan lahat ay panandalian lamang, ang pagyamanin mo ay ang iyong kaluluwa sa pamamagitan ng pagsunod sa kalooban ng Diyos.. Paano? Ihingi mo ng kapatawaran lahat ng iyong mga sala, sikaping hindi na muli makagawa ng masama.. ipamahagi ang iyong biyaya sa nangangailangan, at magkaroon ng mainit na relasyon kay Hesus.. Duto mo madarama ang tunay na kaligayahan at peace if mind na hindi mabibili ng pera mo.

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: