Podcast: Download (Duration: 6:41 — 4.8MB)
Kapistahan ni Apostol San Matias
Mga Gawa 1, 15-157. 20-26
Salmo 112, 1-2. 3-4. 5-6. 7-8
Hinirang ng D’yos ay dinangal
sa piling ng mga banal.
Juan 15, 9-17
Subscribe to Awit at Papuri Communications YouTube Channel
Feast of Saint Matthias, Apostle (Red)
UNANG PAGBASA
Mga Gawa 1, 15-17. 20-26
Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Mga Apostol
Noong mga araw na iyon, nagkatipon ang may sandaa’t dalawampung kapatid. Tumindig sa harapan nila si Pedro at nagsalita, “Mga kapatid, kailangang matupad ang nasasaad sa Kasulatan na sinabi ng Espiritu Santo sa pamamagitan ni David tungkol kay Judas na nanguna sa mga dumakip kay Hesus. Dati, kabilang siya sa amin at kasama sa paglilingkod.
“Ngayon, nasusulat sa Aklat ng mga Awit, ‘Ang tirahan niya’y tuluyang layuan, at huwag nang tirhan ninuman. ‘Nasusulat din, ‘Gampanan ng iba ang kanyang tungkulin.’
“Kaya dapat tayong pumili ng isang makakasama namin bilang saksi sa muling pagkabuhay ni Hesus. Kailangang ito’y isa sa mga kasama-sama namin sa buong panahong nakipamuhay sa atin ang Panginoong Hesus, mula nang binyagan siya ni Juan hanggang sa iakyat sa langit.” Pumili sila ng dalawang lalaki: Si Matias at si Jose na tinatawag na Barsabas at tinagurian ding Justo. At sila’y nanalangin: “Panginoon, alam ninyo kung ano ang nasa puso ng lahat ng tao. Ipakilala po ninyo sa amin kung sino sa dalawang ito ang iyong hinirang upang maging apostol na gaganap sa tungkuling tinalikdan ni Judas nang siya’y tumungo sa lugar na marapat sa kanya.” Nagpalabunutan sila, at si Matias ang nakuha; siya ang nadagdag sa labing-isang apostol.
Ang Salita ng Diyos.
SALMONG TUGUNAN
Salmo 112, 1-2. 3-4. 5-6. 7-8
Hinirang ng D’yos ay dinangal
sa piling ng mga banal.
o kaya: Aleluya!
Dapat na magpuri ang mga alipin,
ang ngalan ng Poon ay dapat purihin.
Ang kanyang pangalan ay papurihan,
magmula ngayo’t magpakailanman.
Hinirang ng D’yos ay dinangal
sa piling ng mga banal.
Buhat sa silangan, hanggang sa kanluran,
ang ngalan ng Poon, pupurihing tunay.
Siya’y naghahari sa lahat ng bansa,
lampas pa sa langit ang pagkadakila.
Hinirang ng D’yos ay dinangal
sa piling ng mga banal.
Walang makatulad ang Panginoong Diyos,
na sa kalangitan doon naluluklok;
buhat sa itaas siya’y tumutunghay,
ang lupa at langit kanyang minamasdan.
Hinirang ng D’yos ay dinangal
sa piling ng mga banal.
Mula sa alabok ang mga mahirap,
sa pagkalugami ay itinataas.
Sa mga prinsipe ay isinama,
nagiging prinsipe ang mga lingkod n’ya.
Hinirang ng D’yos ay dinangal
sa piling ng mga banal.
ALELUYA
Juan 15, 16
Aleluya! Aleluya!
Hinirang tayo ni Kristo
upang mamungang totoo
bilang mabubuting tao.
Aleluya! Aleluya!
MABUTING BALITA
Juan 15, 9-17
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan
Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Kung paanong iniibig ako ng Ama, gayun din naman, iniibig ko kayo; manatili kayo sa aking pag-ibig. Kung tinutupad ninyo ang aking mga utos, mananatili kayo sa aking pag-ibig; tulad ko, tinutupad ko ang mga utos ng aking Ama at ako’y nananatili sa kanyang pag-ibig.
“Sinabi ko sa inyo ang mga bagay na ito upang makahati kayo sa kagalakan ko at malubos ang inyong kagalakan. Ito ang aking utos: mag-ibigan kayo gaya ng pag-ibig ko sa inyo. Walang pag-ibig na hihigit pa sa pag-ibig ng isang taong nag-aalay ng kanyang buhay para sa kanyang mga kaibigan. Kayo’y mga kaibigan ko kung tinutupad ninyo ang mga utos ko. Hindi ko na kayo inaaring alipin, sapagkat hindi alam ng alipin ang ginagawa ng kanyang panginoon. Sa halip, inaari ko kayong mga kaibigan, sapagkat sinabi ko sa inyo ang lahat ng narinig ko sa aking Ama. Hindi kayo ang pumili sa akin; ako ang pumili at humirang sa inyo upang kayo’y humayo at mamunga, at manatili ang inyong bunga. Sa gayun, ang anumang hingin ninyo sa Ama sa aking pangalan ay ipagkakaloob sa inyo. Ito ang inuutos ko sa inyo: mag-ibigan kayo.”
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
Pages: 1 2
« Huwebes, Mayo 13, 2021
Sabado, Mayo 15, 2021 »
{ 4 comments… read them below or add one }
Pagninilay: Ngayong araw ay ipinagdiriwang natin ang Kapistahan ni Apostol San Matias. Narinig natin sa Unang Pagbasa kung paano siya pinili na mapabilang sa kasamahan ng mga Apostol. Matatandaan natin noong si Hesus ay nasa bingit ng kanyang Pagpapakasakit, ipinagkanulo siya ni Hudas Escariote sa halaga ng 30 salapi. Subalit natuntunan ni Hudas na mali niyang pinagtaksilan ang Panginoon, kaya ibinalik niya ang mga salapi sa Sanhedrin, subalit nagpakamatay. Kaya matapos umakyat sa langit si Hesus, nagtipon sila sa Senakulo habang nananalangin sa pagdating ng Espiritu Santo sa araw ng Pentekostes. At narinig natin kung paano pinasya ni San Pedro na pumili sila ng magiging kasama nila sa samahan. Kaya 2 kandidato ang ipinakilala sa kanila, at sila’y nanalangin upang ihiling ng karunungan ng Diyos at gabay mula sa Espiritu Santo. At dito’y pinili nila si Matias na maging kabilang sa 12 Apostol. Ayon sa tradisyon, si San Matias ay nangaral hanggang sa Dagat Caspian, at dito’y natuto niya ang pag-iiwas sa mga tukso ng laman. Siya rin ay nangaral sa mga mabagsik na tao, ngunit siya’y binigyan ng maltrato mula sa kanila, at saka siya’y pinatay sa Colchis. Si San Matias ay isa sa mga naging saksi ng pananampalatayang pinangangalagaan ngayon ng Simbahan. At narinig natin sa Ebanghelyo na ang mga Apostol ay hinirang ni Kristo upang mamunga nang masagana. Kaya sa kabila ng paghihirap at krisis sa ating buhay lalung-lalo sa ating pananampalataya, patuloy pa rin lumalago ang Panginoon sapagkat kapiling niya tayo kahit sa mga oras ng pagkabigo at pagkatagumpay. At natutunton natin na ang ating katatagan ay kinakailangan ipakita sa pagkakaibigan. Sinabi nga ng Panginoon na ang pinakadakilang pag-ibig ay ipinapamalas sa pag-aalay ng buhay ng isang tao para sa kanyang mga kaibigan. Ito ang pagmamhal na walang pagsubali kahit sa mga panahon ng pagsasakripisyo. Kaya ang Halalan kahapon ay maging hamon sa atin mula sa halimbawa ni San Matias na ang mga kandidatong mananalo ay maipamalas nga ang tunay ng pagkakaibigan sa pagiging kapwa-tao sa iba, at hindi lang sa kanilang pansariling interes. At sa ating sariling buhay ay nawa’y maging saksi tayo ng Panginoon sa pagpapahayag ng kanyang Mabuting Balita sa pagpapamalas ng tunay ng pagkakaibigan sa ibang tao upang mamunga tayo ng masagana sa pananampalataya.
PAGNINILAY: Ngayong araw ay ipinagdiriwang natin ang Kapistahan ni Apostol San Matias. Narinig natin sa Unang Pagbasa kung paano siya pinili na mapabilang sa kasamahan ng mga Apostol. Matatandaan natin noong si Hesus ay nasa bingit ng kanyang Pagpapakasakit, ipinagkanulo siya ni Hudas Escariote sa halaga ng 30 salapi. Subalit natuntunan ni Hudas na mali niyang pinagtaksilan ang Panginoon, kaya ibinalik niya ang mga salapi sa Sanhedrin, subalit nagpakamatay. Kaya matapos umakyat sa langit si Hesus, nagtipon sila sa Senakulo habang nananalangin sa pagdating ng Espiritu Santo sa araw ng Pentekostes. At narinig natin kung paano pinasya ni San Pedro na pumili sila ng magiging kasama nila sa samahan. Kaya 2 kandidato ang ipinakilala sa kanila, at sila’y nanalangin upang ihiling ng karunungan ng Diyos at gabay mula sa Espiritu Santo. At dito’y pinili nila si Matias na maging kabilang sa 12 Apostol. Ayon sa tradisyon, si San Matias ay nangaral hanggang sa Dagat Caspian, at dito’y natuto niya ang pag-iiwas sa mga tukso ng laman. Siya rin ay nangaral sa mga mabagsik na tao, ngunit siya’y binigyan ng maltrato mula sa kanila, at saka siya’y pinatay sa Colchis. Si San Matias ay isa sa mga naging saksi ng pananampalatayang pinangangalagaan ngayon ng Simbahan.
At narinig natin sa Ebanghelyo na ang mga Apostol ay hinirang ni Kristo upang mamunga nang masagana. Kaya sa kabila ng paghihirap at krisis sa ating buhay lalung-lalo sa ating pananampalataya, patuloy pa rin lumalago ang Panginoon sapagkat kapiling niya tayo kahit sa mga oras ng pagkabigo at pagkatagumpay. At natutunton natin na ang ating katatagan ay kinakailangan ipakita sa pagkakaibigan. Sinabi nga ng Panginoon na ang pinakadakilang pag-ibig ay ipinapamalas sa pag-aalay ng buhay ng isang tao para sa kanyang mga kaibigan. Ito ang pagmamhal na walang pagsubali kahit sa mga panahon ng pagsasakripisyo. Sa ating sariling buhay ay nawa’y maging saksi tayo ng Panginoon sa pagpapahayag ng kanyang Mabuting Balita sa pagpapamalas ng tunay ng pagkakaibigan sa ibang tao upang mamunga tayo ng masagana sa pananampalataya.
Salamat sa Diyos
Ang ebanghelyo ngayon ay talaga nmang mabuting balita para sating lahat. Basic, very simple, para ka lang isang empleyado na minamahal ng may ari ng kumpanya, ang gusto lang mg boss ay sundin mo ang rules nya at humiling ka at ibibigay sayo. Hindi ba napakaganda?
Wag nating sayangin ang maikling panahon natin dito sa lupa sa pakikipag-away, pagka inis sa kapwa, hindi pagpapatawad ng kapatid, paninirang puri, inggit at iba pang hindi nagpapakita ng pag-ibig sa kapwa. Pag aralin nating mahalin ang ating kapwa, umpisahan mo ito sa loob ng bahay mo, sa kapitbahay, sa katrabaho at sa huli ay sa mga estranghero na nakakasalamuha mo na nangangailanagn ng pag ibig mo. Makakadama ka ng tunay na kaligayahan at sasay ang buhay araw araw. At may premyo pa!!! Dahil mismo sinabi ni Hesus na ang anuman hingiin nyo sa Ama sa pangalan nya ay ipagkakaloob nya sa inyo.