Podcast: Download (Duration: 6:11 — 4.4MB)
PANALANGIN NG BAYAN
Unang Linggo ng Kuwaresma
Miyerkules
Natuklasan ni Jonas na hindi maaaring takasan ang Panginoon. Tumawag tayo ngayon sa Diyos Ama upang hingin ang biyaya ng pagbabagumbuhay at matatag na pagtitiwala sa panawagan ni Kristo na magsisi sa kasalanan.
Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Ama naming lahat, turuan mo kami ng tunay na pagsisisi.
Ang mga pinuno ng Simbahan nawa’y maging puspusan sa kanilang pangangaral ng mensahe ng Diyos tungkol sa pagsisisi sa kasalanan sa mga naghahanap sa Panginoon nang buong puso, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang panahong ito nawa’y maging pagkakataon ng pagbabago at pagbabalik-loob sa Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.
Tulad ng mga mamamayan ng Ninive nawa’y itakwil natin ang masasamang gawi at lumapit sa Diyos nang may kababaang-loob at pagsisisi, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga maysakit nawa’y makadama ng kapanatagan at pagmamahal mula sa mga nangangalaga sa kanila, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga yumao nawa’y makatagpo ng kapayapaan at kaligayahan sa Kaharian ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.
Ama namin, ibinigay mo ang simbolo ni Jonas bilang pahiwatig sa pagdating ng iyong anak. Kung paanong simula sa kawalang hanggan ay niloob mo ang kanyang Muling Pagkabuhay, isama mo kami sa kanya magpakailanman. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.
Pages: 1 2
« Martes, Pebrero 23, 2021
Huwebes, Pebrero 25, 2021 »
{ 8 comments… read them below or add one }
Salamat sa Diyos!
PAGNINILAY: Sa ating Unang Pagbasa (Jonas 3:1-10), narinig natin ang pagpropesiya ni Jonas sa bayan ni Nineve. Matatandaang ito ang pangalawang utos ng Diyos sa kanya, dahil sa unang beses niyang narinig ay nagtangkang tumakas papuntang Tarsis. At alam natin nagkaroon ng bagyo, at iniutos ni Jonas sa mga manlalakbay na itaboy siya sa dagat. Ngunit kinain siya ng isang malalking isda, at nanatili siya sa loob ng tiyan nito sa loob ng tatlong araw at tatlong gabi. At nang nakalaya nito, agad sinunod ni Jonas ang utos ng Diyos na magbabala sa posibleng pagwasak ng siyudad ng Nineve dahil sa matinding pagkakasala ng mga tao. Kaya dininig ito ng mga tao at nag-ayuno habang nakahilata sa sahig ng mga abo, na suot ang isang sako. Maski ang hari man ang nag-utos ng ang kanyang kababayan ay magsisi. Kaya hindi naituloy ng Diyos ang kanyang balak na wasakin ang isang bayang nagsisi at nagbalik-loob sa kanya.
Sa ating Ebanghelyo (Lucas 11:29-32), narinig natin ang isang pagsusubok ng mga Pariseo at eskriba ng isang tanda mula sa Panginoong Hesus. Kaya’t tinawag ni Hesus ang henerasyong iyon bilang napakasama sapagkat ito’y naghahanap ng isang palatandaan, at sinabi niya na walang tanda ang ibibigay kundi ang tungkol kay Propetang Jonas, na narinig natin sa Unang Pagbasa. Makikita dito na inihantulad ni Jesus ang pananatili ni Jonas sa kanyang magiging nakatakdang plano ng Diyos, ngunit ang mangyayari sa kanya ay higit pa sa nangyari sa propeta. Katulad ng pananatili ni Jonas sa loob ng isda ng 3 araw at 3 gabi, si Hesus ay ililibing matapos ang kanyang kamatayan sa Krus, ngunit siya’y muling mabubuhay makalipas ang 3 araw at 3 gabi. Kaya inilalarawan ni Hesus ang magiging kanyang Misteryong Paskwal upang tuparin ang plano ng Diyos na tayo’y mailigtas at gawing mga anak ng Diyos Ama. Kaya tayo’y tinatawagan na mamuhay nang marapat sa mundong ito habang hinihintay natin ang Araw ng Paghuhukom upang katulad ng Reyna ng Timog na dulaw upang makinig sa karunungan ni Haring Solomon, tayo rin ay matatagpuang handang panagutin ni Hesukristo sa kanyang muling pagpapario sa daigdig ayon sa ating pagpapamalas ng pag-ibig ng Diyos sa ating kapwa.
Ang ating Panginoong Hesus ay higit kanino man, maging kay Jonas. Sana’y pinaniniwalaan nila si Hesus sa pamamagitan ng kanyang mga ginagawang panggagamot at mga milagro. Hindi minsan makita ng mga tao ang mga biyaya mula sa Diyos. Nakatingin sila sa ibang pagpapala at naikukumpara ang kanilang sarili. Sa panahon ng kwaresma, tulad ng Nineveh, nawa’y magbalik loob ang tao sa Diyos. Bigyang importansya ang Diyos at hindi ang materyal na bagay. Ang kabanalang yaman ay di mawawala magpakailan man. Subalit ang materyal na bagay, sa isang iglap lang maaring mawala. Kaya pahalagahan ang Diyos ng higit sa lahat.
Salamat sa Diyos. Amen. Aleluya
Salamat nuestro padre hesus nazareno pinupuri ka namin AMEN
Pinupuri ka namin Panginoong Hesukristo. ALELUYA!
PINUPURI KA NAMIN PANGINOON JESUS KRISTO ALLELUIA!
Salamat sa Diyos! AMEN!