Miyerkules, Enero 27, 2021

January 27, 2021

PANALANGIN NG BAYAN
IKATLONG LINGGO SA KARANIWANG PANAHON
MIYERKULES

Tinuturuan tayo ni Kristo sa pamamagitan ng mga talinhaga. Si Kristo ang manghahasik ng binhi ng Salita ng Diyos. Tumugon tayo sa kanyang gawaing ito sa pamamagitan ng ating pagtawag sa Ama.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Banal na Manghahasik, basbasan Mo kami.

Ang Simbahan sa daigdig nawa’y maging tulad ng mayamang lupa na nagbibigay bunga ng tig-iisandaang ani, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga pinuno ng mga bansa nawa’y mamuno sa pamamaraang kaaya-aya sa Diyos at sa kanilang nasasakupan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga hindi nasisiyasat na mga ambisyon at pagkamakasarili nawa’y hindi makasagabal sa Salita ng Diyos sa ating buhay, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit nawa’y makaranas ng nakapagpapagaling na kapangyarihan ni Kristo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga pumanaw nawa’y magtamasa ng liwanag, kaligayahan, at kapayapaan sa Langit, manalangin tayo sa Panginoon.

Makalangit na Ama, tulungan mo kaming makilala ang binhi ng iyong salita at gawa sa aming buhay. Huwag nawa kaming magambala ng mga alalahanin ng mundong ito, bagkus maging maliksi kami sa paglilingkod upang mamunga ang aming mga mabubuting gawain. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 3 comments… read them below or add one }

Reynald Perez January 22, 2021 at 5:57 pm

PAGNINILAY: Ang Unang Pagbasa ngayon ay mula pa rin sa Sulat sa mga Hebreo, na palaging nakatuon sa ating Panginoong Hesukristo bilang Tagapamagitan at walang hanggang saserdote, na dahil sa kanyang sakripisyo ay napatibay ang ating pananampalataya sa Diyos Ama at napabilang tayo bilang kanyang mga anak. Gumawa na ang Diyos ng tipan para sa kanyang bayang Israel, at ang tanda nito ay ang ritwal ng Pampaskuwa, nang sila ay nag-aalay ng mga hayop at kinukuha ang dugo nila para iwisik sa mga nagdiriwang ng pista. Subalit ipinahayag dito ng manunulat si Hesus ay pumasok sa dambana ng Diyos sa pag-upo niya sa trono ng Krus sa Golgota. At ginawa ni Kristo ang dakilang pag-aalay ng kanyang buhay, na siya namang bagong Korderong Pampaskuwa, bilang ganap na pagtubos sa sanlibutan laban sa mga kasalanan.

Kaya nga ginawa na ng Panginoong Hesus ang ganap na sakripisyong nagpapatibay sa inukit na tipan ng Diyos Ama. At ang paggunita sa dakilang misteryong ito ay tanda na tayong lahat ay inaanyayahang mas maging matapat sa kalooban ng Ama, at isabuhay ang diwa ng pagmamahal.

Si Hesus sa Ebanghelyo ay nagtuturo sa atin ng Parabula ng Manghahasik ng Lupa. Siya ang manghahasik na itinatanim ang mga butong nangangahulugan sa Salita ng Diyos. Ikinakalat niya ang mga buto hindi dahil nagsasayang siya ng oras, kundi makikita dito kung paano dapat mamunga ang Salitang ito sa buhay ng bawat tao. Ang apat na lugar ay nangangahulugang ang realidad na may ilang taong ayaw makinig sa Salita ng Diyos, may ilan naman naririnig ngunit tinutukso ng mga pagsubok at pang-uusig, may ilan naman naririnig ngunit ayaw isantabi ang mga makamundong bagay, at may ilan ang tunay na pinaninindigan ang Salita at isinasabuhay nito upang mamunga sa pagpapahayag ng mensahe ng Diyos.

Kaya nga mahalaga yung pagiging matapat sa kalooban ng Panginoon sa pamamagitan ng pakikinig at paninindigan ng kanyang Salita. Nawa’y tunay na maging bukas-loob tayo sa kanyang mga pagpapala upang ipalaganap ito sa iba.

Reply

Gideon Torres January 27, 2021 at 7:44 am

Sa unang pagbasa ito’y patungkol sa ating pagdiriwang ng banal sa eukaristiya ang mataas na pskikipag ugnayan natin sa Diyos

Reply

Alfred January 27, 2021 at 8:27 pm

Purihin ang Panginoon at Diyos Hesukristo??..

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: