Martes, Nobyembre 3, 2020

November 3, 2020

PANALANGIN NG BAYAN
IKA-31 LINGGO SA KARANIWANG PANAHON
MARTES

May pananampalataya nating itaas sa Ama ang aiting mga kahilingan, siya na nagnanais na tanggapin nating lahat ang kanyang paanyaya sa Hapag ng buhay na walang hanggan.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Diyos ng lahat ng kabutihan, pakinggan mo kami.

Ang Simbahan sa lupa nawa’y umunlad at mag-anyaya pa sa piging ng Kaharian ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga mayayaman gayundin ang mga dukha nawa’y huwag gumawa ng mga dahilan sa kanilang pag-iwas sa tawag ng paghahari ni Kristo sa kanilang buhay, manalangin tayo sa Panginoon.

Tayo nawa’y matagpuang karapat-dapat na makiisa sa Hapag ng Kordero ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Sa pamamagitan ng ating kabutihang-loob tayo nawa’y makapagbigay saya at pag-asa sa mga maysakit at may kapansanan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga namayapa nawa’y mabuhay sa tahanan ng Diyos at magbunyi sa Hapag ng buhay na walang hanggan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming Diyos, tinawag mo kami upang makiisa sa iyong kasaganahan. Maging bahagi nawa kami ng mga mabiyayang pagkakataon na dumaraan sa aming buhay at tumugon kami nang may bukas na puso. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 4 comments… read them below or add one }

Reynald Perez November 5, 2018 at 10:59 pm

Pagninilay: Tayong lahat ay inaanyayahan ng Panginoon na makisalo sa kanyang piging ng pag-ibig, ang piging na kung saan ginugunita natin ang kaligtasang ating nakamtan. Kaya nga isinalaysay ni Hesus ang isang talinghaga tungkol sa isang malaking piging, matapos ipahayag ng isa sa mga panauhin ng bahay kanyang pinagdadalo na mapalad ang mga nakikisalo sa Kaharian ng Diyos. Makikita natin sa parabula ang iba’t ibang paanyaya ng panginoon ng sambahayan sa isang piging, at ang pagtanggi ng mga itinuturing na “mayaman” sa kontekstong iyon at ang pagtugon ng mga mahihirap na dadalo sila. At sinigurado ng lalaki na puno ang espasyo ng pagsasalu-salo, kaya iniutos niya sa mga lingkod na imbitahan nila ang sinu-sino kanilang mamasid. At bilang pagtapos, sinabi ng panginoon ng sambahayan na ang mga unang inaanyahan ngunit tumanggi ay hindi nabigyan ng pagkakataon matikman ang kanyang inihanda. Kaya nga ang sinisimbolo ng talinghaga ni Hesus ay ang Kaharian ng Langit. Tayong lahat ay inaanyayahan na makisalo sa kaluwalhatian ng Diyos, at dito lamang sa lupa, mayroon na tayong unang tikim ng piging sa langit, at iyan ang piging ng Sakramento ng Eukaristiya. Tuwing ipinagdiriwang natin ang Banal na Misa, tayo’y nakikisalo sa kaligtasang ipinagkaloob sa atin ng Ama sa pamamagitan ng kanyang Anak na si Hesus. At sabi nga ni San Pablo sa Unang Pagbasa na bagamat si Kristo ay Diyos ay nagpakababa o “kenosis” sa Griyego at naging masunurin sa dakilang plano ng Ama hanggang kamatayan sa Krus. Dahil dito, siya’y iniluwalhati at ginawang higit ang kanyang pangalan upang tayo’y sumababa sa kanya. Kaya nga ang Eukaristiya ay isang paggunita sa sakripisyo ni Kristo sa Krus upang tayo’y matubos sa pagkakasala. At ang mismong tinapay at alak ay hindi lang mga simbolo, kundi sila ang mismong Katawan at Dugo ng ating Panginoon. Hindi ito’y nangangahulugang hinahandog natin ang pisikal na anyo ni Kristo, kundi naniniwala tayo sa kanyang “sacramental presence” na naroroon ang biyaya niya upang ang ating mga kaluluwa ay kanyang mapalusog. Kaya nawa’y dinggin natin ang paanyaya ng Panginoon na dumalo sa kanyang piging upang malasap natin siya sa espirituwal na paraan.

Reply

Cristy Guarin November 6, 2018 at 6:15 am

Salamat Panginoon sa walang sawa mong pag-anyaya sa akin na dumalo sa iyong piging. Patawad sa mga pagkakataon na ikaw ay aking natatagihan at mas inuuna ko pa ang mga bagay na iniaalok ng mundong ito. Subalit dahil sa dakila mong pagmammhal ay ninanais mong maramdaman ko pa rin ang kaginhawahang dulot ng iyong pagdiriwang sa Banal na Eukaristiya, na kung saan ay pinapaalala ang pagliligtas mo sa akin.

Reply

Melba G. De Asis November 6, 2018 at 6:23 am

Sa bawat pagdalo natin sa pakikiisa kay Kristo, nawa’y maihanda natin ang ating sarili bago tayo tumanggap ng Sakramento ng Eukaristiya. Nuong buhay pa ang aking mahal na Ina, ang sakrisyo nyang ginagawa bago siya magsimba sa umaga ay ang hindi muna pagkain ng almusal, nabubusog naman daw siya pagkatanggap niya ng Kumonyon. Sa bawa’t pagdalo natin ng banal na misa ang lahat ay inaanyayahan sa Kanyang piging na kung saan ang pagpapala ng Panginoon ay ipinamamahagi at ako ay nananalig na sa pagtanggap ko sa Kanya sa kumonyon ay gagaling lahat ng sakit ng aking kaluluwa, isip at katawan. Napakahirap ng pinagdaanan ng Panginoong Jesus ng ialay Niya ang Kanyang sarili para sa atin, kaya nawa’y palagi nating hangarin ang makadalo at makisalo sa bawat paanyaya Niya sa Banal na Eukaristiya. Amen

Reply

Marilyn Esmaña November 3, 2020 at 2:38 pm

Salamat sa Diyos! Amen.Aleluya!

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: