Biyernes, Agosto 14, 2020

August 14, 2020

in Tagalog Mass Readings

Play

Paggunita kay San Maximiliano Maria Kolbe, pari at martir
Biyernes ng Ika-19 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

Ezekiel 16, 59-63
Isaias 12, 2-3. 4bkd. 5-6

Galit ng D’yos ay naparam, pinatawad n’ya ang tanan.

Mateo 19, 3-12


Subscribe to Awit at Papuri Communications YouTube Channel

Memorial of Saint Maximilian Kolbe, Priest and Martyr (Red)
Thursday of the Nineteenth Week in Ordinary Time (II)

UNANG PAGBASA
Ezekiel 16, 59-63

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Ezekiel

Ito ang ipinasasabi ng Panginoon: “Ilalapat ko sa inyo ang parusang angkop sa pagsira mo sa tipan at pangako. Gayunman, hindi ko na rin kalilimutan ang ginawa kong tipan sa inyo nang ikaw ay bata pa. Ngayon ay gagawa ako ng tipan para sa atin, hindi ito masisira kailanman. Kung magkagayon, maaalaala mo noong ikaw ay bata pa at mapapahiya ka sa sarili mo kapag nakasama mo na ang mga kapatid mong nakababata at nakatatanda sa iyo. Sila’y isasama ko sa iyo bagaman hindi talagang kabilang sa tipan ko sa iyo. Gagawin ko nga ang aking pakikipagtipan sa iyo. Sa gayo’y makikilala mong ako ang Panginoon. Sa sandaling ipatawad ko ang lahat mong kasalanan, matitikom ang bibig mo dahil sa laki ng kahihiyan.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Isaias 12, 2-3. 4bkd. 5-6

Galit ng D’yos ay naparam, pinatawad n’ya ang tanan.

Ang Diyos ang siyang nagliligtas sa akin,
tiwalang-tiwala ako at wala munti mang pangamba.
Sapagkat ang Poon ang lahat sa akin,
Siya ang aking awit, ang aking kaligtasan.
Malugod kayong sasalok ng tubig
sa batis ng kaligtasan.

Galit ng D’yos ay naparam, pinatawad n’ya ang tanan.

Magpasalamat kayo sa Poon
Siya ang inyong tawagan;
Ipaalam ninyo sa mga bansa ang kanyang ginawa.
Ipahayag ninyo ang kadakilaan ng kanyang pangalan.

Galit ng D’yos ay naparam, pinatawad n’ya ang tanan.

Umawit kayo ng papuri sa Poon,
sapagkat kahanga-hanga ang kanyang mga ginawa,
ipahayag ninyo ito sa buong daigdig.
Mga anak ng Sion, umawit kayo nang buong galak,
sapagkat nasa piling ninyo ang dakila at ang Banal ng Israel.

Galit ng D’yos ay naparam, pinatawad n’ya ang tanan.

ALELUYA
1 Tesalonica 2, 13

Aleluya! Aleluya!
Tanggapin n’yo ang salita
na di sa tao nagmula
kundi sa D’yos na dakila.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Mateo 19, 3-12

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, may mga Pariseong lumapit kay Hesus at tinangkang siluin siya sa pamamagitan ng tanong na ito: “Naaayon ba sa Kautusan na hiwalayan ng lalaki ang kanyang asawa sa kahit anong kadahilanan?” Sumagot si Hesus, “Hindi pa ba ninyo nababasa sa Kasulatan na sa pasimula’y nilalang sila ng Maykapal, lalaki at babae? At sinabi, ‘Dahil dito, iiwan ng lalaki ang kanyang ama’t ina, at magsasama sila ng kanyang asawa; at sila’y magiging isa.’ Kaya’t hindi na sila dalawa kundi isa. Ang pinagsama ng Diyos ay huwag paghiwalayin ng tao.” Tinanong siya ng mga Pariseo, “Bakit iniutos ni Moises na bigyan ng lalaki ang kanyang asawa ng kasulatan sa paghihiwalay bago hiwalayan iyon?” Sumagot si Hesus, “Dahil sa katigasan ng inyong ulo kaya ipinahintulot ni Moises na hiwalayan ninyo ang inyong asawa. Subalit hindi gayun sa pasimula. Kaya sinasabi ko sa inyo: sinumang lalaking humiwalay sa kanyang asawa sa anumang dahilan liban sa pakikiapid, at mag-asawa sa iba, ay nangangalunya. At ang mag-asawa sa babaing hiniwalayan ay nangangalunya rin.”

Sinabi ng mga alagad, “Kung ganyan po ang kalagayan ng lalaki sa kanyang asawa, mabuti pang huwag nang mag-asawa.” Sumagot si Hesus, “Hindi lahat ay makatatanggap ng simulaing iyan kundi yaon lamang pinagkalooban ng Diyos. Sapagkat may iba’t ibang dahilan kung bakit may mga lalaking hindi makapag-asawa: ang ilan, dahil sa kanilang katutubong kalagayan; ang iba, dahil sa kagagawan ng ibang tao ay nagkagayon sila; mayroon namang hindi nag-aasawa alang-alang sa ikauunlad ng paghahari ng Diyos. ang makatatanggap ng simulaing ito ay tumanggap nito.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

MAGNILAY TAYO!

Pagnilayan natin ang Salita ng Diyos, ang salitang nagbibigay buhay! Mahalaga ang ang pagbabahagi ng pagninilay upang mas maunawan pa natin ang mensahe ng ating Diyos para sa bawat isa sa atin.

{ 7 comments… read them below or add one }

Reynald Perez August 12, 2020 at 11:13 pm

PAGNINILAY: Maraming kritiko ngayon ay natatanong: “Bakit ba di-sang-ayon ang Simbahang Katolika sa diborsyo?” Ang sagot ay makikita sa ating Ebanghelyo ngayon (Mateo 19:3-12). Tinanong ng mga Pariseo si Hesus kung naayon sa batas ang pagdiborsyo ng asawang lalaki sa kanyang asawang babae dahil inutuos nga raw ni Moises na bigyan ng isang kasalutan. Sinagot ni Hesus na ang diborsyo ay hindi plano ng Diyos, kundi kasal. Nangyari lang iyan dahil sa katigasan ng puso ng mga tao. Ang turo niya tungkol sa Sakramento na Kasal ay nilikha ng Diyos ang lalaki at babae, at mayroon espirituwal na pagsasama, at nagiging isa ang dalawa. At sinabi pa ni Hesus sa kanyang mga alagad na sinumang nagdiborsyo sa kanyang asawa at nagpakasal sa isa pa ay nakikiapid na.
Mga kapatid, napakalinaw ang mga salita ng Panginoon: ang plano ng Diyos ay kasal, at ang tao lang mismo ay nagplano ng diborsyo. Subalit may mga kasong inaabuso ang lalaki sa kanyang asawang babae, at pinipilitan ang babae na humiwalay sa kanyang asawang lalaki. Sa pananaw ng Simbahan, pinapayapagan naman ang pagpapawalang-bisa ang kasal (annulment) at paghihiwalay (separation), subalit hindi ang diborsyo. Pero may mga babae lalo na ang mga biktima ng pang-aabuso ng asawa ay sinasabing dapat pahayagan ang diborsyo sa bawat Estado ng mga bansa, lalo na hindi pa ito sinasabatas at inaaproba ng Tagapagpaganap at Pambatasan ng ating bansa. Kaya lang hindi ito kailanman papayapagan ng ating Simbahan.

Ang nais lang ipunto ng Ebanghelyo sa ating buhay-Kristiyano ay maging maayos at matapat ang relasyon sa isa’t isa. Dapat tingan muna ng magkasintahan kung magiging wasto ang kanilang sibil at espirituwal na pagsasama. At ang bawat pangako na binibigkas sa kasal ay kailangan wagas, at ang pamilyang ibubuo ay dapat ipatatag at ippagmalaki nang maayos. Kaya sa ating pamumuhay sa daang ito, nawa’y maging matatag, mabuti, at maayos ang bawat relasyon ayon sa mga mata ng Diyos at sa tamang landas ng pamumuhay.

Reply

Francisco Azupardo August 14, 2020 at 8:06 am

Salamat sa Diyos! Amen! Aleluya!

Reply

Dong August 14, 2020 at 11:58 am

Salamat panginoong nuestro padre hesus nazareno AMEN

Reply

Jenny August 14, 2020 at 11:37 pm

Maraming salamat Mahal na Panginoon. ???

Reply

flor August 14, 2020 at 11:51 pm

Salamat Po Panginoon Sa Kalakasan Ng Aming Natatanggap Mula Sa Iyo, Nawa’y Patuloy Po Ninyo Kaming Ingatan Sampu Ng Aming Pamilya At ng Buong Bansa. AMEN

Reply

Celine loveko August 15, 2020 at 4:39 am

PINUPURI KA NAMIN PANGINOON JESUS KRISTO ALLELUIA!

Reply

Mark Jefferson Criste August 15, 2020 at 7:10 pm

Salamat sa Diyos!

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: