Miyerkules, Agosto 12, 2020

August 12, 2020

PANALANGIN NG BAYAN

Sinabi ni Jesus sa atin, “Kung dito sa lupa ay may dalawa sa inyo na nagkakaisang humihingi ng anuma, gagawin ito para sa kanila ng aking Amang nasa Langit.” Kaya manalangin tayo ngayon nang sama-sama,

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Punuin nawa kami ng iyong presensya, Panginoon.

Ang mga miyembro ng Simbahan nawa’y maging malapit ang kalooban sa isa’t isa at mamuhay sa kapayapaan at pagkakasunduan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga pinuno ng bansa nawa’y igalang ang karapatan ng bawat tao at iwaksi ang pag-uusig at pananakit, manalangin tayo sa Panginoon.

Tayo nawa’y makapagsalita ng katotohanan nang may katatagan at pagmamahal, at tanggapin ang anumang pagtatama ng iba nang may kagandahang-loob, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit, matatanda, at ang mga nakaratay na sa kanilang tahanan nawa’y makita nila ang kaginhawahan at kasiyahan sa kagandahang-loob ng mga nag-aaruga sa kanila, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumao nawa’y maging malinis ang budhi at maihanda sa walang hanggang pakikiisa kay Kristo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming nasa Langit, kapiling namin ang iyong Anak, hinihilng namin na tulungan mo kaming manalig sa kabutihan ng bawat tao at maging mahinahon kami sa isa’t osa tulad ng pagiging mabuti mo sa amin. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong Aming Panginoon. Amen.

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 2 comments… read them below or add one }

Reynald Perez August 8, 2020 at 2:12 pm

PAGNINILAY: Bawat Kristiyano ay may tungkuling maging mabuting tao sa kanyang kapwa. Subalit paano naman kung may isa’y nagkasala sa isa?

Sa ating Ebanghelyo (Mateo 18:15-20), tinuro tayo ng ating Panginoong Hesukristo ang isang mahalagang aral na nagpapatatag sa ating relasyon sa ibang tao kung sakali man may isang nagkamali o nagkasala, at iyan ay ang fraternal correction. Ang fraternal correction ay isang kahalagang aral na ang layunin ay makipagsundo ang dalawa o higit pang mga tao. Noong si Hammurabi ay namumuno sa Babilonia, itinatag niya ang kodigong ito: “Mata sa mata, at ngipin sa ngipin.” Ang ibig sabihin nito ay kung may isang taong nagkasala sa iyo, tatanggalin mo ang kanyang mga bahagi ng katawan hanggang imperpekto na ang kanyang itsura. Naging maayos naman ang pamumuno ni Hammurabi sa Babilonia. Ganito ang naging pagmamalakad ng mga Hudyo. Subalit noong dumating si Hesus sa lupa, tinupad niya ang batas na ito sa pamamagitan ng pagturo ng batas ng pagmamahal, pagpapala, at may kalayaan. Katulad ito ng Batas sa Lumang Tipan, ngunit itinuro niya sa ating mga Kristiayno ang mabubuting relasyon sa isa’t isa.

Kaya ang fraternal correction ay isang paraang nakikipagsundo tayo sa ating mga kapwa. Kapag isa ay nagkasala, imbes na saktan siya, ituro mo sa kanya ang tamang gawain para hindi niya mauulit ang kanyang maling ginawa. Huwag din natin ipahiya o kaya asarin siya, subalit makipag-usap sa kanya at magbigay ng mga magagandang hamon para maging isang mabuting tao. Dito natin makikita ang hamon ni Kristo bilang mga kapatid sa isa’t isa. Ganyan ang kanyang hamon bilang isang sambayanan ng Diyos sapagkat ang misyon ng Simbahan ay magkaisa tayo sa pamamagitan ng pagiging mabubuting Kristiyano sa isa’t isa at sa ibang tao. At hindi pinababayaan ni Hesus kailanman ang ating Simbahan sapagkat kung tayo’y nagtitipun-tipon, naroroon siya sa ating piling. Lahat tayo’y dapat sumailalim sa kanyang mga turong ipinapatupad ng Simbahan.

Sa ating paglalakbay sa daang ito, nawa’y isabuhay natin ang kahalagan ng fraternal correction para maging maayos ang relasyon ng isang Kristiyano sa kanyang mga kapwa. Nawa’y tumalima tayo sa mga turo ni Hesus at sa dakilang kalooban ng Diyos para sa ating lahat, upang tayo’y makibahagi sa misyon ng Simbahang ipalaganap at bigyang-saksi ang mensahe ng Panginoon tungo sa pagkakaisa.

Reply

Flor August 12, 2020 at 11:48 pm

Panginoon salamat po sa lahat ng mga biyayang aming natatanggap po namin at nawa’y patuloy po ninyo kaming ingat at ilayo sa mga pagsubok na darating sa amin at ilayo sa anumang uri ng ksramdaman. Amen

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: