Sabado, Agosto 8, 2020

August 8, 2020

PANALANGIN NG BAYAN

Sa pananalangin, lumapit tayo sa Diyos Ama na nagbibigay sa atin ng kapangyarihan sa lahat ng sangnilikha.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Walang hanggang Ama, lumakad nawa kami sa gabay ng pananampalataya.

Ang Simbahan at ang kanyang sambayanan nawa’y mapatatag sa pananampalataya at gawing sandigan ang Panginoon sa kanilang mga pagsubok at pagdurusa, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga puso ng mga lider ng mga bansa nawa’y huwag maging bato at huwag maimpluwensiyahan ng kasamaan ng pagkamakasarili, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga taong naging manhid na sa pagkakasala nawa’y magbalik-loob sa Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga taong may dinadalang mabigat na pasanin sa buhay dahil sa kanilang karamdaman nawa’y maunawaan ang kahulugan ng kanilang mga pagsubok, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga tapat na yumao nawa’y ligtas na maihatid sa tahanan ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Makapangyarihang Ama, inilalagay namin sa iyong paanan ang aming mga pangangailangan at nananalangin kami nang may pananalig sa iyong tulong at awa sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 3 comments… read them below or add one }

Reynald Perez August 7, 2020 at 9:52 pm

PAGNINILAY: Ang Unang Pagbasa ay tungkol sa hinaing ni propeta Habacuc dahil sa pagkawasak ng Judah at ang pagkaalipin ng bayan sa kamay ng Babilonia. Parang alam ng propeta na dahil sa kasalanan ng tao, ang masama ay pinarusahan, subalit nananalig siya na ang matuwid ay maliligtas. Kaya nagpakita sa kanya ang Panginoong nagsasabi na isulat niya ang mga nakikita niyang pangitain tungkol sa pag-asa na dala ng Diyos sa kanyang bayang nalulugmok sa kahirapan. Makikita natin dito na hindi pinababayaan ng Diyos ang kanyang bayan, lalung-lalo na ang mga taong matuwid. Kaya mayroong bagong pag-asa at bagong pagkakataon upang magkaroon pa ng panibagong buhay na matuwid at puno ng pananampalataya.

Ang Ebanghelyo naman ay ang sumusunod na kwento matapos ang Pagbabagong-Anyo ng Panginoon. May isang lalaking naghihingi ng tulong sa mga Apostol na pagalingin ang kanyang anak na inaalilo ng isang demonyo. Sinasabi rito na ang bata ay hinahagis ang sarili sa tubig at muntik nang mamatay sa apoy dahil sa masasamang espiritu na iyon. Ngunit hindi kaya ng mga Apostol na palayasin ang demonyo, kaya nakita ni Hesus ang kaganapan at nagmakaawa ang lalaki na tulungan siya. Subalit nakita ng Panginoon na maliit ang pananampalataya ng ama, kaya nagmakaawa muli rito na tulungan na mawala ang pag-aalinlangan. Dahil sa dasal na iyan ng lalaki, pinalayas ni Hesus ang demonyo at gumaling ang anak ng taong iyon. Nakita rin natin ang tanong ng mga Apostol kung bakit hindi nila ito makakayanan, na ang tugon naman ni Kristo ay ang ganitong sitwasyon ay makakagawa sa pamamagitan ng panalangin.

Ang kababalaghang ito ay isang kwento ng pananampalataya. Sa mga pagkakataong nag-aalinlangan tayo at parang nais nating sumuko, ang Panginoon ang nagpapaalala sa atin na patatagin natin ang ating pananampalataya sa Diyos nating Ama at sa kanya. Katulad ng lalaking ama sa Ebanghelyo, tayo rin ay nagdadasal na tulungan tayo ni Kristo na malampasan natin ang bawat pagdududa na palagi nating tignan ang magadang kinabukasan sa gita ng mga problema at pagsubok sa buhay. At sa pamamagitan ng pananampalatayang iyon, malilipat natin ang bundok ng mga makamundong alanganin upang palaging nakatuon tayo sa ating Diyos.

Reply

Flor August 9, 2020 at 12:13 am

Panginoon Nawa’y Maghimala Na Po Kayo Sa Amin At Pahupain Na Po Ninyo Ang Pandemic Na Aming Nararanasan Ngayon. AMEN

Reply

Dong August 9, 2020 at 6:06 am

Salamat panginoong hesukristo nazareno AMEN

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: