Huwebes, Hunyo 18, 2020

June 18, 2020

PANALANGIN NG BAYAN

Itinuro ni Jesus na maaari nating tawagin ang Diyos na ating Ama. May matatag na pag-asa nating dalhin sa kanya ang ating mga hinaing.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Abba Ama, Dinggin mo ang aming panalangin.

Ang Simbahan nawa’y laging ipahayag sa buong sanlibutan ang malalim na pananalig sa pagdating ng paghahari ng pag-ibig, katarungan, at kapayapaan ng Ama, manalangin tayo sa Panginoon.

Sa gitna ng mga kahirapan sa buhay nawa’y huwag nating isuko ang pagdarasal at huwag tayong magpadaig sa mga tukso, manalangin tayo sa Panginoon.

Tayo nawa’y magkaroon ng sapat na pagkain sa ating pang-araw-araw na pangangailangan at kadakilaan ng puso na patawarin ang ating mga kaaway, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit at yaong mga nag-aaruga sa kanila, nawa’y maranasan ang Diyos sa kanilang araw-araw na pagsasakripisyo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumao nawa’y makita nang harapan ang Diyos sa kanyang walang hanggang tahanan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming nasa Langit, pinasasalamatan ka namin sa iyong pakikinig sa aming hinaing. Tulungan mo kaming laging manalig sa iyong mapagmahal na pamamaraan at tanggapin ang iyong kalooban sa aming buhay. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 3 comments… read them below or add one }

Reynald Perez June 18, 2020 at 1:26 am

Pagninilay: Ang panalangin ay ang ating personal na pakikipag-ugnayan sa Diyos. Maraming paraan tayong nagdadasal, kahit mula sa mga “prayer book” o kaya personal. Minsan nagdadasal tayong nag-iisa lamang o kasama ang grupo ng mga tao/buong komunidad. Subalit ang nais ipaalala sa atin ngayong Kuwaresma at sa lahat ng mga pagkakataon ang isang epektibong paraan ng panalangin. At makikita natin dito sa Ebanghelyo nang ituro sa atin ng ating Panginoong Hesukristo ang Pater Noster, o mas kilala bilang “Ama Namin”. Dati sa kultura ng mga Hudyo, dapat igalang ang pangalan ng Panginoong Diyos ayon sa nasasaad sa Ika-2 Utos. Ngayon nang dumating si Hesus, itinuro niya sa atin na tawagin natin ang Diyos bilang “Ama” sapagkat katulad ng isang tatay na nagsisikap sa isang pamilya, ang ating Panginoon ay tunay na nagbibigay sa atin ng ating mga kahilingan ayon sa kanyang kagustuhan at kalooban. Ang Ama Namin ay isang magandang panalangin upang gawin natin sa ating personal na dasal ang ACTS: Adoration, Contrition, Thanksgiving, and Supplication. Pinupuri natin ang Diyos dahil sa kanyang dakilang presensiya sa atin, at nagpapasalamat din tayo sa mga biyayang ipinagkalooob niya sa atin at sa ibang tao. Kahit tayo ay nagkasala, tayo ay patuloy na humihingi ng kapatawaran sa kanya at ang grasyang matutong patawarin ang pagkakasala ng ibang tao laban sa atin. At sa huli ay humihiling tayo sa Panginoon ng patuloy na patnubay sa atin at ang ibang tao rin. Ganito ang isang epektibong paraan ng panalangin sa Diyos. Kaya matindi ng babala ni Hesus na huwag nating tularan ang mga pagano na kapag nagdadasal, marami tayong sinasabi at paulit-ulit. Ang tunay na panalangin ay dapat magmula sa ating mga puso. Nawa’y manahan ang kanyang salita sa ating buhay.

Reply

Romel U. Briones June 18, 2020 at 7:56 am

Praise you, Lord Jesus Christ! Salamat po ng madami sa pagbabahagi ng Mabuting Balita. God bless us all

Reply

Kulot June 18, 2020 at 11:12 am

Salamat po ama…

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: